Summer 14

14 5 0
                                    

It has been weeks since Kairox and I last saw each other.


Honestly ang huling pagkikita namin ay nung birthday pa ni Kyashie.


We're both kind of busy that's why we choose to just communicate through online.


Nandito kami ngayon nina Thalia sa harap ng building kung saan nalaglag yung ID ko noon.


"Malapit na UAAP ah, anong ganap Quilo?" Tanong ni Lark


"Practice"


Napairap naman ako dun sa sagot na yun ni Quilo.


"Alam namin kaya nga ngayon ka lang nakasama diba? What we mean is may bago ba or dapat abangan?" Thalia stated


"Hmm ewan"


Sabay sabay kaming napa buntong hininga sa sagot ni Quilo.


"Change topic na nga wala naman tayong mapapala kay Quilo ihhh" Inis na sabi ni Thalia


"Si Dahon nga pala?" Tanong ni Lark


Ngayon ko lang napansin na tama si Lark, wala nga si Dahon.


"I think busy sa Marino niya" Natatawang sabi ni Thalia


Napailing na lang ako.


Hindi na natuto at talagang future seaman na naman ang pinatulan.


"Sino naman yun?" Kunot noo na tanong ni Lark kay Thalia


"Don't worry I think she's safe with him naman. I know Eurus and I don't think they will fall for each other besides they are just friends" Paliwanag ni Thalia


"Wait hold on, so yung sinasabi mong Marino ni Leaf ay si Eurus?" Gulat na gulat na sabi ko kay Thalia


"Uhmm yes?" Naguguluhan na sagot ni Thalia sakin na para bang may mali akong nasabi


Fuck I just wish Leaf won't fall for him.


And hopefully wag din mafall si Eurus 'cause everyone knows kung gaano ka-pafall si Leaf.


"May problema ba Cyra?" Tanong ni Lark sakin


Umiling naman ako kaagad


"Nothing nabigla lang ako"


"Hayysst don't think about them nga, malalaki na sila noh duh Cy" Sabi ni Thalia sabay irap pa sakin


Tumango na lang ako sa kanila


"Oh ano ng balak ngayon?" Tanong ni Lark

The Lies Of Summer (Estaciones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon