Summer 9

44 30 3
                                    

Pagka gising ko sobrang laki ng ngiti ko sa labi


Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw yung saya ko dahil sa wakas makakapag usap na din kami ni Kairox


I waited for this moment noh!


Well wala talaga kaming klase ngayon.


Ewan ko lang sina Kairox.


Humiram na lang ako kay Thalia ng damit.


Di naman kasi ako prepared na dito kami matutulog.


Sina Lark nakapasok na kanina pa. Ayaw pa nga pumasok ni Leaf dahil sure daw siya na paguusapan siya ng dahil dun sa issue. Pero in the end napilit din namin siya


"Amyah! Ano ba kasing isusuot ko??" Naguguluhan na tanong ko sa kanya


Hawak ko kasi ngayon sa kanang kamay ko yung isang peach na A-line dress at sa kaliwang kamay naman yung red off shoulder na romper.


"Yung totoo sis? Di ka naman makikipag date noh! Mag uusap lang kayo" Sagot niya sakin sabay umirap pa


"Ihhh I can't decide"


"Ang arte ah!"


Inirapan ko na lang siya


"Yung romper, gagamitin ko yang peach na dress mamaya sa date ko"


Natawa naman ako dun. So may kadate na naman pala siya.


"Okay thank you so much sissy!"


Pumasok na ko kwarto dala yung damit at nag ayos na.



Like what Thalia said, I wore the red off shoulder romper. Naglagay din ako ng light make up and kinulot ko ng konti yung baba ng buhok ko para naman may wavy effect.


Nagdala lang ako ng sling bag para nandun yung nga bagay bagay na kailangan ko. Mahirap naman na hawak ko lang lahat ng gamit ko noh


Paglabas ko ng kwarto humarap naman kaagad si Thalia sakin


Tumayo siya at nag bow pa sakin


"Magandang hapon po kamahalan, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo" Sabi niya habang nakayuko pa din


Hinila ko naman yung buhok niya


"Walangya ka!"


Tumawa lang naman siya habang tinatanggal yung kamay ko sa buhok niya


The Lies Of Summer (Estaciones Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon