News Flash: One businessman was arrested illegally burying 150t of medical waste in Mt. Pulag. Among the medical waste was IV fluid that was used 6 years ago. There are concerns of a serious case of a secondary infection. They committed this crime in order to save money. Lao the director of Lao Chemicals Production, is currently being sought by the police.
Nathan's PoV
Unti- unti kong iminulat ang mata ko.
'Asan ako?' Tumayo ako at nagpalinga linga.
'Bundok? bakit ako narito? sino ako? 'Napatingin ako sa suot kong damit at nababalot yun ng dugo.
'Anong nangyari dito' Sinubukan kong magsalita.
*growl*
"Grrrrr" "Rrrrr" (a/n: paseniya na po di ako marunong)
'teka, bakit parang ungol lang ng hayop ang lumalabas sa bibig ko?'
'ano ba ang nangyari?' Napakadami nang katanungan ang nasa isip ko.
Nagsimula akong lumakad, pero ang bagal bagal ko. Sa aking paglalakad nadapa ako at nasubsob ang mukha ko sa matulis na bato pero hindi ako nakakaramdam ng kahit anong sakit.
'Ano ba to? ano bang nangyayari sakin?' Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad na walang patutunguhan hanggang sa hindi ko na alam kung ilang araw na akong naglalakad at ang nakakagulat lang ay hindi napapagod ang katawan ko ngunit nakakaramdam na ako ng gutom. Sa aking paglalakad nakarating ako sa may sapa, nang makita ko ang repleksyon ko sa tubig napaatras ako sa gulat dahil nakita ko ang itsura ng isang patay na tao.
'teka, ako ba to? patay na ba ako? pero bakit ako nakakalakad? at may huwisyo pa ako.' Hinubad ko ang pang itaas kong damit at tiningnan ang katawan ko, nakita kung may butas ako sa tagiliran, para iyong binaril. Hinawakan ko yun at may nakapa akong maliit na parang metal. Nang tingnan ko sa malapitan, napag alaman kong bala iyon.
'Binaril ba ako? kaya ako namatay?' gusto kong magalit at magsisisigaw ngunit parang ungol lang talaga ng hayop ang lumalabas sa bibig ko.
' Suppose to be patay na ako pero bakit ganito? bakit nabuhay akong muli? I'm a walking dead, is this what they call a zombie?' Di ko matanggap ang nangyari sakin kaya when I saw a cliff, I jumped off, but the heck! Wala akong maramdamang sakit, I think na disalign lang yung buto ko, but my body immediately restore it. Di ko na alam ang gagawin ko gusto ko ng mamatay, ay patay na pala ako, naglalakad lang.
Naglakad na lang ako ulit, walang pakialam kung saan ako makakarating ngunit,habang naglalakad ako nakaramdam ako ng matinding gutom, at dahil dun nawalan ako ng malay.
Nagising ako at naramdaman kong may malagkit sa kamay at baba ko, napabalikwas ako at nakita ko ang isang patay na manok sa gilid ko, nakakadiri iyong tingnan dahil, wakwak na ang katawan niyon at nakikita ang mga tira tirang lamang loob.
'ako ba ang may gawa nito?' Nakaramdam ako ng pandidiri sa sarili ko.
'kinain ko ba tong buhay na manok?'Dapat pala di ako nagpapagutom ng mahabang panahon, dahil nawawalan ako ng tamang huwisyo at di ko alam kung ano ang ginagawa ko. Tumayo na ako at magsisimula na ulit maglakad.Kailangan kong pumunta sa lungsod, alam kong nandun ang kasagutan kung bakit ako nagkaganito, pero nakakaasar lang dahil, nagmamadali ako pero ang bagal bagal kong maglakad.
Sa aking pag lalakad may nakita akong bahay, may kalakihan iyon. Pumasok ako at siniguradong walang tao ang buong bahay. Dito na lang muna ako pansamantala, dahil sigurado akong pag nalaman ng mga tao kung ano ako, I'm sure that they won't show mercy towards me.
'Dito ko babaguhin ang sarili ko, If I can't die, why not live right? but I need to act like a living one.' sabi ko sa sarili ko.
'I wish I can still become a human.'
Dayne's PoV
"Congrats friend!" bati sakin ni Erica ang bestfriend ko sa trabaho at partner ko rin.
"Congrats din"
"Ang galing mo talaga, kung di mo pa nahuli si Mr. Lao wala sana tayong promotion."
"Ano ka ba tayong dalawa kaya ang nakahuli sa kanya."
"kahit na, ikaw naman talaga yung masugid na hulihin siya eh, naka suporta lang ako." Nginitian ko na lang siya, di na ako makikipagtalo dahil di naman talaga yan mag papatalo.
"Ay! siya nga pala, naiwan ko yung cellphone ko dun sa jacket ko, andun sa farm house ni Mr. Lao, samahan mo ko mamaya pwede?"
"Sure! 6:00pm? call?"
"call."
Ako nga pala si Dayne Quizon, 26 years old, I lived alone, maaga akong naulila, and ang trabaho ko ay isang detective. Yan na lang muna sa ngayon, dahil makikilala nyo rin naman ako sa susunod pang mga kabanata.
*6:00 pm*
Malayo layo ang farm house ni Lao mga 2 hours ang biyahe.
"Dayne, may bagong detective daw sa station natin."
"oh, asan na?"
"yun na nga eh supposed to be kahapon pa siya darating pero hanggang ngayon wala pa."
"baka, nagreready." sagot ko sa kanya. Di na nagsalita si Erica at pinagpatuloy na lang ang pag mamaneho.
After 2 hours...
Nakarating na kami sa farm house ni Lao, madilim na rin, ako na lang yung bumaba sa kotse kasi natatakot si Erica. Pansin kong tumatahol ang aso ni Lao sa likod ng farm house niya eh wala namang katao tao dito. Out of my curiousity pumunta ako doon, hoping na andun ko naiwan yung jacket ko.
-END OF CHAPTER 1
Authors Note: YEHEY! natapos ko rin ang chapter 1, Ang sabaw noh? but still kindly read po.
Dont forget to like, comment, share and subscribe toinks hahahaha parang youtube lang follow na lang po thankies<3 lovelots...

BINABASA MO ANG
I am a Zombie (On-hold)
RomansaA man who was killed and came back to life but now he is already a flesh-eating man. Would he survive in this cruel world full of cruel people? Would they still accept him? What if his dead heart beats for her? Would that be possible? Will he beco...