Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa kanyang condo.Tumingin ako sa paligid ng kanyang condo at halos mapanganga ako sa pag kamangha dahil sa laki at ganda nito.
"tsk" rinig ko asik nito nang makita sa mata ko ang pagkamangha kaya naman umubo ako at umupo sa sofa.
"wala akong sinabing pwede kang umupo" ani nito at na ikinapahiya ko dahilan para dali dali akong tumayo.
"s-sorry" napapahiyang sabi ko, umirap naman ito at pumasok sa isang kwarto na nasa malapit sa sala.
Habang wala ito ay tinignan ko ang ditalye ng kanyang kwarto nang hindi umaalis ng aking kinakatayuan.
halos black at gray lang ang kulay nang nasa paligid gaya ng aking kwarto ngunit ang akin ay itim lamang at kung tatansyahin ang laki ng kanyang condo ay walang wala sa condo ko siguro ay 6× ng aking condo ito.
"you may now sit" napatingin ako sa nagsalitang si austlin na kalalabas lang ng kwarto na iba na ang suot na damit.
Umupo ako at umupo naman sya sa tapat ng aking inuupuan.
"want some snacks?" casual na tanong nito kaya naman umiling ako dahil wala ako sa wisyong kumain.
Namutawi ang katahimikan kaya naman nailang ako.
"a-aahmm so i divide muna natin kung ano ang gagawin ko at gagawin ko" sabi ko at nilabas ang aking laptop, dala dala ko ito dahil bago umuwi kanina sa school ay dumaan muna ako sa national bookstore at sakto namang tinawagan ako ni austlin.
"k"
Tumayo sya at kinuha ang laptop nya.
"isend mo yung gagawin ko" utos nito balak kong tumutol sa pag utos nya dahil kung sabihin nya ito parang alalay nya lang ako ngunit hindi nako nagsalita dahil ayokong makipag away.
Habang patagal ng patagal ang oras ng aming pag gawa ay sumasakit na ang likod ko at parang ganun din sya dahil kanina pa sya nag rereklamo bakit daw ba ayaw ko magpabayad o kaya sasabihin nya bukas na namin ituloy pero pag ichecheck ko yung nagawa nya ay hindi pa nangangalahati yang isang page.
"ahm austlin bukas na natin ituloy ang paggawa." ani ko ngunit ngumiti sya nang nakakaloko
"Sa tingn mo papayag ako eh kaninang akong yung nagsabi ay binabalewala mo...hahahaha" pangaasar nito kaya tinignan ko sya ng masama.
"maggagabi na bukas na natin to ituloy" pag uulit ko ngunit mukang masaya syang inisin ako.
"no" sabi nya habang bakas sa muka ang pangaasar at nag patuloy sa pag gawa.
Mga ilang oras pa ang nakalipas ay sumakit ang likod ko kaya naman ay nagsalita na ulit ako ngunit mukang naramdaman nyang mag sasalita ako kaya inunahan nyako.
"n.o..no haha"binagalan pa nito ang pag bigkas mukang alam nyang sasabihin kong bukas na ituloy to.
"Baliw kaba? masakit na likod ko kung ayaw mopang tumigil ediwag ako uuwi na" mahabang sigaw ko dito at akmang tatayo na ngunit nag salita ito na ikinabalik ko sa pag upo.
"pag tumayo kajan ay hindi ako tutulong sa pag gawa nito at sasabihin ko sa prof na tamad kang gawin ang mga ito." sabi nito habang naka crossarm ba at nakadekwatrong nakangiti habang ang mata ay nangaasar.
"argh bwiset ka!!" sigaw ko sakanya inis na inis nako dahil halata namang inaasar nya lang ako,mas lalo pa syang tumawa tumayo sya at pumunta sa kwartong pinasukan nya kanina.
Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa dumaan nanaman ang kalahating oras ngunit di pa rin sya lumalabas sa kwartong pinasukan nya kaya naman humiga muna ako sa kanyang sofa dahil sobrang sakit nang likod ko at inaantok na din ako.
YOU ARE READING
TIMELESS LOVE
Teen Fictionthe emotionless guy in the school na walang pakialam sa paligid at kinakatakutan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagkakilala at napalapit sa isat isa at nag simula nang pagpalagayan ang kanilang loob. i didn't expect to fall inlove w...