"Bakit kaya gantong buhay yung binigay sakin?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan, nandito kami ngayon sa lagi namking tambayan,kitang kita dito and mga building na matataas.
"Lagi mo nalang tinatanong yan andito tayo para mag party duhhh" irap sakin ni ashleigh at tinungga ulit ang iniinom nyang alak.Hindi nalang ako umimik at inagaw ang iniinom nya tsaka ininom ito.
"tsk" asik nya sakin at kumuha ng isa pang alak
Lagi kaming tumatambay dito pag may libreng oras kami at kapag nandito kami ay lagi kaming may kasamang alak.
"tara na nga umuwi na tayo" ani nito at sabay kaming nag lakad papunta kung saan naroon ang aming sasakyan.
Nang nasa kotse na kami ay wala na kaming imikan sya ang ngadadrive dahil medyo hilo nako mababa kase ang alcohol tolerance ko.
Mag katabi lang ang condo unit namin kaya naman lagi kaming magkasama tsaka simula elementary ay bestfriend kona sya.
"hoy bukas ayusin mo ha! gumising ka nang maaga!!" ani sakin ni ashleigh habang pinapark na yung kotse. mahirap kase ako gising sa umaga, minsan nga ay sinabuyan nya na ko ng tubig para lang bumangon ako e.
"oo ako pa" mayabang na sabi ko at tinawanan naman sya dahil sa inis nyang mukha.
Nasa 15th floor ang room namin,same school din kami .
"cge na nyt" ani nya nang nasa tapat na kami ng pinto ng room namin tinanguan ko na lamang sya at pumasok na sa loob.Hindi talaga kami sweet sa isat isa katulad ng mga mag bebestfriend HAHAHA puro katarantaduhan lang alam namin e.
Pagpasok ko sa loob ay bumungad agad sakin ang tahimik at madilim na paligid.Minsan nakakalungkot magisa,walang kasama pero mas okay naman na ko dito kesa sa bahay ng parents ko.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay humiga nako sa kama.Agad naman akong nakatulog dahil sa pagod at sa epekto siguro ng alcohol sa katawan ko.
---------------------------------------------------------------------------------
"WOI IANNA !!! LATEEE NA TAYO!" sigaw at kalabog sa labas.
"oo ngaaaa etoo naa" ani ko at kinuha ang susi ng kotse ko at dalidali nang lumabas dala ang bag at sapatos,sa kotse nako magsasapatos.
Pag labas ko ay nakatanggap agad ako ng batok mula kay ash "late nanaman tayo" sigaw nya,hindi ko nalang sya pinansin at tumakbo na kami papunta ng elevator.
Nang nasa parking lot na kami ay nag tanguan lang kami ibig sabihin non ay kita nalang sa school.
Mabilis akong nag drive para makahabol sa class namin,Habang nag dadrive ay sinusuot ko na ang sapatos ko at inaayos ang buhok ko.
"Ambagal mo" bungad ko kay ash na kabababa lang ng sasakyan nya nauna kase ako makarating sa school.
Kumaripas kami ng takbo papunta sa class namin pinagtitinginan na kami ng mga nasa hallway dahil sa takbo namin nang may mabangga si ash dahilan kaya napaupo sya sa sahig.Napatigil ako sa pagtakbo at pumunta kay ash upang alalayan ito tumayo.
Nang makatayo na ito ay hinarap namin ang nabangga nya.
YOU ARE READING
TIMELESS LOVE
Roman pour Adolescentsthe emotionless guy in the school na walang pakialam sa paligid at kinakatakutan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sila ay nagkakilala at napalapit sa isat isa at nag simula nang pagpalagayan ang kanilang loob. i didn't expect to fall inlove w...