CHAPTER 4

4 1 0
                                    


Dinala ako nang paa ko kung saan ako pumupunta kapag malungkot ako. Dati ay lagi akong pumupunta dito ngunit ngayon ay madalas nalang dahil iba na ang tambayan ko at doon yun sa lagi naming pinupuntahan ni ashleigh.

Katulad din doon sa tambayan namin ni ashleigh ay mataas din dito, kita din dito ang mga buildings na nagtataasan ang kaibahan nga lang ay madami kang madadaanan na madidiliim,matataas na puno bago ka makarating dito.Nung una ay naliligaw ako dahil masyadong malawak ito ngunit dahil lagi akong narito ay tandang tanda kona ang mga daan.

Umupo ako sa damuhan at at tinignan ang mga naglalakihang gusali hanggang sa nahagip nang mata ko ang baby na umiiyak habang karga karga nang mommy nya at ang daddy nya naman ay nasa gilid habang hawak sa kamay ang dalawang batang lalaki kahit maliit silang tignan dahil dito sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko parin kung gano sila kasaya bilang pamilya.

Bigla nalang akong naluha at nag tuloy tuloy na ito, hindi ko na mapigilan kaya namna hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak nang umiyak nang merong kamay na nag abot sakin ng panyo at nagsalita ito.

"bakit ka umiiyak?" ani ng boses lalaki at dahil sa gulat ko ay muntikan nakong mahulog sa bangin buti nalang ay nahawakan ako ng lalaki sa bewang.

"careful" ani nito kaya naman nang mabalanse kona ulit ang pagkakaupo ko ay inalis ko ang kamay nya sa bewang ko, naramdaman ko naman syang umupo sa tabi ko kaya't nilingon ko ito.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"a-austlin!?" gulat na ani ko at napatawa naman sya sa naging reaksyon ko.

"tsk" asik nito at nilingon ako.

pinunasan ko ang mga luhang tumulo kanina sa mata ko gamit ang kamay ko.

Ilang segundo namutawi ang katahimikan sa pagitan namin kaya naman nag salita na ako.

"sinunsundan moba ko?" ani ko dahil wala nakong ibang nakasama o nakitang pumunta dito sa lugar na to simula nung natuklasan ko ang lugar nato.

tumawa sya " i dont even care about you bakit kita susundan hahaha." ani nya habang nakatingin sa view na nakikita dito sa taas kung nasaan kami.

Napatitig ako sa paraan nya nang pagtawa dahil sa school ay wala kang ibang makikita kundi nakasimgaot at nakakatakot na itsura nang isang autlin revere hindi ko alam na ganto pala sya sa labas ng eskwelahan.

"wag moko titigan naiilang ako" masungit na ani nya habang hindi manlang ipinunta ang mga tingin sakin, agad naman akong umiwas nang tingin.

Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko at parang nagkukusa ang mata kong tumitig sakanya. kitang kita ko kung gano ka perpekto ang mga detalye nang muka nya. Ang mapupungay nyang mata,ang makakaal nyang kilay lahat na ata ay nasa kanya.Ngunit kitang kita ko din ang mga lungkot sa kanyang mata.

Bago kopa mapigilan ay nasabi ko na ito.

"may problema ka?" tanong ko at napatingin naman sya sakin nang may gulat sa muka ngunit agad ding nawala ito at bumalik sa kanyang walang emsyong muka.

"unique huh" ani nya na ikinagulo nang isip ko.

"huh?"

"alam mo bang ikaw palang din ang nag tatanong saakin ng ganyan,ikaw ang unang nakapagligtas sakin tapos ngayon ikaw nanaman ang unang nag tanong sakin nang ganyan" ani nito at ngumiti pero sa ngiting yun ay may kakaiba subalit hindi ko masabi kung ano ito.

Hindi ako umimik kaya naman namutawi nanaman ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa nag salita sya.

"your the one who's crying tsk" ani nito

TIMELESS LOVEWhere stories live. Discover now