Frits Yellow Sachi
Tahimik lang ako habang kumakain, iniisip ang mga sinabi ni Aezle.
Kakaiba rin ang babaeng iyon. Nakakagulat pa na imbis na magduda sa sinasabi niya ay mas lalo ako naging interesado.
Napabuntong hininga ako, that thing is still bothering me until now.
Ano ba kasi ang ibig-sabihin ng mga sinabi niya? Pambihira naman oh.
Bago pala kami pumuntang restaurant kahapon ay may binanggit siyang secret art gallery niya. Excited pa siya kasi may bagong painting siyang mailalagay roon.
Naramdaman ko ang mga titig ng mga kasama ko rito sa hapag-kainan kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatingin sa pagkain, at tinapunan sila ng nagtatakang tingin.
"Tinitingin-tingin niyo?" tanong ko. Suminghap si Pula at tumaas ang isang kilay. Kinunutan naman ako ng noo ni Puti.
"Oh my gosh! Kailangan 'tong malaman ni Azure!" biglaang sabi ni Pula at kinuha ang phone.
Tumayo naman si Puti at lumapit sa akin para ilagay ang likod ng palad niya sa noo ko.
"You don't have a fever," bulong niya at lumapit kay Pula.
Pareho nila akong binigyan ng tingin na para bang isa akong nilalang galing sa ibang planeta.
"Ginagawa niyo?" tanong ko ulit 'tsaka ininom 'yong gatas na tinimpla ni Manang kanina.
"Should I have to be worried?" tanong ni Pula kay Puti, nagkibit-balikat lang 'yong isa."Or... be glad?"
"Glad," sagot ni Puti tsaka sila nagkatinginan at ngumisi.
"Frits, ikaw na lang muna magligpit ha, ma-una na ako," sabi ni Pula at binesohan muna ako bago umalis.
Ngumiwi ako, ew.
"Frits tulungan mo si Manang mamaya mag-laba ha?" sabi niya habang inaayos ang gamit, wala sa sariling tumango ako.
Nang maka-alis sila ay bumuntong hininga ako at tahimik na niligpit ang pinag-kainan.
Oo aaminin ko, mahirap ako kausapin kapag may laman ang utak ko. Kumbaga, para akong nawawala sa reyalidad.
Nang matapos ay nakita ko si Manang na buhat-buhat ang labahin kaya agad akong lumapit sa kaniya at walang sabing kinuha 'yon.
Saglit naman siyang nagulat pero agad din akong nginitian.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. Ang totoo niyan, may pasok ako ngayon pero a-absent muna ako, at natatambakan na ako ng plates and other school works, cram king naman ako kaya okay lang. At least, one day lang para i-proseso lahat.
Tahimik lang akong tumulong kay Manang, grabe, nakaka-kulubot pala sa kamay ang sobrang pag-kusot ng mga damit na bawal isama sa washing machine, lalo na ang mga damit ni Pula.
Tapos ang iba kong may pinturang damit na hindi talaga pwede gamitin ay kinukuha ni Manang, nagtatahi kasi siya gamit ang lumang makena rito kapag wala siyang ginagawa.

BINABASA MO ANG
The Bouyancy of Yellow
Fiksi Remaja◤ 𝘾𝙊𝙇𝙊𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 ◢ (Under revisions) 𝘐𝘧 𝘭𝘪𝘧𝘦 𝘩𝘢𝘴 𝘣𝘶𝘰𝘺𝘢𝘯𝘤𝘺, 𝘸𝘰𝘶𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘭𝘰𝘢𝘵, 𝘴𝘵𝘢𝘺 𝘪𝘯 𝘵𝘩𝘦 𝘮𝘪𝘥𝘥𝘭𝘦, 𝘰𝘳 𝘨𝘦𝘵 𝘴𝘵𝘶𝘤𝘬 𝘢𝘵 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘰𝘵𝘵𝘰𝘮? Frits Yellow Sachi is the last among the Sachi...