“Hindi mo'ko pwedeng kunin, nakikiusap ako! Itigil mo na'to!”
Isang tinig, sino ka nga ba? Calix, Calix! Isang magandang dilag, nangigiusap ang kanyang mga mata gayundin ang kaniyang labi. Calix! Malaking tinig ang tuluyan na nag pagising ng diwa ko.
“Calix! Jusko, ano bang nangyayare sayo ha at nawalan ka pa ng malay, kumain ka ba? Tingnan mo nga yang itsura mo bro! Putlang-putla.” ani nito habang inaapa ng inaapa ang kabuuan ng mukha ko kaya't iritable kong iniwas at pinalo ang kamay nya. Mabilis akong napaupo ng maalala ang nakita ko, panaginip o guni-guni. Panaginip siguro.
“Kumain ka ba, bro? Nawalan ka kasi ng malay kanina ng tumakbo ka pataas. Ano bang nangyayare sayo?” tuluyang kumabog ang dibdib ko. Totoo pala ang lahat...
I still remember the day kung bakit itong apartment ang napili ko. Bukod sa halatang bago ang structures nito, nakikita ko din na magiging palagay ako dito pero nung araw din na'yon may isang matandang lalake ang tumabi sakin habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng bahay. Napakalaking pagtataka lalo na ng ibigkas nya ang salitang “tua praeterita,tuae residentiae afficit” kasabay nito ang kanyang ngiti. Sa tingin ko naman blessings yung sinabi nya kaya hinayaan ko na lang.
Buong araw sa School, usap-usapan pa din ang nangyayare sa aming lugar lalo na ang karumaldumal na nangyare sa mga walang muwang na paslit. Habang tinutungo ko ang isang makitid na eskinita papunta sa likod ng isang lumang silid nakarinig ako ng mahinang sitsit kaya't lumingon ako sa aking likuran. Nanginig, nanayo ang baliho at tila'y tumigas ang aking katawan. Bata. Yung bata! Yung batang namatay kumakaylan lang!
“Susunod ka na.” nakangiti nitong usal habang may kung anong likido ang lumabas sa buong katawan nito.Hindi ako makasigaw gusto kong humingi ng tulong ngunit papaano? Papaano!
“Uy, Calix. Kanina pa kita hinihintay.” napaluhod ako ng may tumapik sa kanang balikat ko. Salamat. Yun na lamang ang naiusal ko. Para akong nawalan ng lakas, patuloy pa din nanginginig ang buong katawan ko.
Pangalawang beses na ang nararanasan ko, hindi pa din ako makapaniwala. Bakit nila ako ginugulo? Bakit sila nagpaparamdam sakin? Kailangan ba nila ng tulong? Pero yung bata, bakit sinasabi nyang susunod na ako. Anong ibig sabihin nya.
“Darl, tingin ko may third eye ako.” seryoso kong banggit dito habang patuloy na hinihila ang bawat hibla ng damo. Napaismid na lamang ako ng marinig ko ang halakhak nito. Sabi na nga hindi sya maniniwala.
“Seryoso ako! Tinawatawa mo dyan!” sigaw ko dito sabay sabuy ng mga hibla ng damo na nabunot ko at sumapol naman ito sa kanyang mukha. Napahagalpak na lamang ako ng tawa ng mayron pa lang pumasok sa bunganga nito. HAHHAHA. Karma nga naman. Ngunit mabilis din itong nawala ng maalala ko ang nangyare kanina, ako na ba ang susunod?
“Sigi nga kung totoo yang mga sinasabi mo. Anong nakikita mo?”
“Kanina bago tayo pumunta dito...nakita ko yung bata. Yung batang namatay kumaylan lang, Bro! Ang sabi nya sakin ako na daw ang susunod! At nung nawalan ako ng malay nakakita ako ng isang babae...” itutuloy ko pa sana ang mga nangyayare sakin ng makita kong sumeryoso ang mukha nito. Naniniwala na kaya sya?
Seryoso itong tumingin sa akin at tila ba'y takot na takot. Dahan-dahang gumalaw ang kanyang kamay at tinuturo ang likuran ko, muling bumalik ang kaba katulad ng naramdaman ko kanina bago pumunta dito. Gusto kong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Darl ngunit nanaig ang kuryusidad kaya't dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran ngunit wala naman kaya agad kong binawi ang tingin sa aking harapan. Napaigtad ako ng makita ko ang pagmumukha ng mokhong na'to kaya sinapak ko.
“Bro, ang sakit. Hanggang ngayon ube pa din.” yan ang napalala ng siraulo. Hays. Sabi na nga ba at walang maniniwala sakin.
“Ah, oo nga pala. Nakausap ko si Mommy and guess what! HAHHAHAHHA mahal nya daw akooo ang saya diba, bro.” minsan talaga napakababaw ng kaligayan ng taong to. Hindi ko alam kung may sinto-sinto sa utak o inborn na. Napatawa na lang ako sa mga sinasabi nito at nagulat ng marinig ko ang mahinang bulong sa tenga ko.
“Isusunod ka na nya”
BINABASA MO ANG
Six to Sixteen : A pure blood
Short StoryAng simpleng pamumuhay ay isang pagpapala ngunit kasukdulan ang isang kalungkutan. Namumuhay ng mapayapa ang Pamilyang Garcia; masaya, magulo at makikita mo ang kasiyahan sa kanilang mga labi at ugali ngunit sa isang iglap lamang ang ngiti sa kanil...