“Isang kagimbal-gimbal ang nakita dito sa River side ng Pampangga, batang walang saplot at kalunos-lunos ang sinapit nito. Ano po ba ang nakita ninyo...” patuloy lamang ang pag iinterview ng reporter sa isang mamamayan. Pang tatlong case na ito ngunit wala pa ding sagot o makapagsabi sa tunay na nangyare.
Sino ba talaga ang pumapatay? Katulad ng nauna sa pangatlong biktima; walang saplot, mamutol-mutol na mga bahagi ng katawan at ang pagkapiyaot ng mga ulo nito. Nakakatakot. Tila ba'y walang sinasanto ang gumagawa nito at ang kataka-taka lamang ay Bakit mga bata lang ang pinapatay nito.
Habang isinasagawa ang paglalagay ng labi ng bata sa isang lagayan ay hindi sinasadyang tuluyang nahulog ang bahaging braso nito. Rinig ko ang sigawan at pagkadiri ng tao, ang iba ay hindi na makatangin at masukasuka katulad ng nararamdaman ko ngayon. Tila'y umiikot ang sikmura ko. Makakain ba ako nito mamayang gabi.
“Nabalitaan mo na ba ang nangyari, Bro. Potek, palala na ng palala ang panahon natin!.” saad nito habang tinutungo ang kusina. Biglang sumagi sa isip ko ang kalunos-lunos na bata ngunit ang ipanagtataka ko ay ang unti-unting pag galaw ng ulo ng bata at tumingin sa akin, baka guni-guni ko lang yon. Tama guni-guni lang.
“Ang balita sa akin, parehas lang daw ang nangyari sa bata sa mas nauna sa kanya; walang saplot, gasuy-gasuy na katawan at ang pinakang matindi bro! Wala daw silang mga mata! Damn! Sino ba ang loko-lokong gumawa non.” patuloy lang ako nanonood habang nagsasalita ang kaibigan ko, si Darl. Isa itong Documentary tungkol sa isang pamilya mahilig kasi ako sa mga documentary. Napatingin na lamang ako bigla sa Second floor namin, tila ba'y may nakatingin sa akin mula sa dilim. Tutungo na sana ako dito ng biglang tapikin ako ni Darl.
“Bro, okay ka lang?” halos bumaliktad ako sa kaba dahil sa bwiset na lalakeng to. Tumango na lamang ako bilang pagtugon.
“Ano pa lang sabi ng Mommy mo?” tanong ko sa kanya. Dito na kasi tumutuloy si Darl sa apartment ko sasamahan nya daw kasi ako at ayaw nya kong mag-isa . Minsan naiisip ko na lang, bakla kaya to at may lihim na pagtingin sa akin? HAHAHA ang rude ko naman pero malay natin. Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa habang papaupo sa sofa nabasag lamang ang katahimikan ng may lumagabog sa taas kaya't napatingin kami sa isa't-isa.
“Bro, jusko! Sabi ko naman sayo may multo dito e! Brooooo!” damn this guy yumakap pa talaga sakin. Ako naman ay parang walang narinig imbis na kabahan ako sa nangyare, inis ang nanaig sakiiiin! Pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap nya sa akin, tinutulak ko na ang ulo nito pati din ang mga kamay na kung makapulupot parang lubid. Lubid? Bakit parang may kung ano sa lubid? Kaya't dali-dali akong tumakbo sa second floor dahilan para mapabitaw si Darl sakin.
“Calix!” dinig ko pang sigaw nito.
Dilim ang nakikita ko, katahimikan. Isang pinto ang pumukaw sa akin ng dahan dahan itong nagbubukas, halos hindi ako makahinga at ni hindi ko din magawang pumikit kahit isang segundo, dinig na dinig ko ang pag tibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko para akong isang estatwa, hindi din ako makapagsalita at ang mga balahibo ko sa aking katawan ay tila ba'y nag tatayuan.
Gusto kong pumikit ng biglang bumukas sara ang ilaw sa kwartong iyon, nakakakita din ako ng anino mula doon. Takbo na Calix, takbo! Pero hindi ko magawa. Halos lumaki at lumuwa naman ang mga mata ko ng makakita ako ng kamay sa ibaba ng pinto, papalapit na ng papalapit ito nakikita ko na din ang katawan nito. Calix anong gagawin moooo!
BINABASA MO ANG
Six to Sixteen : A pure blood
Historia CortaAng simpleng pamumuhay ay isang pagpapala ngunit kasukdulan ang isang kalungkutan. Namumuhay ng mapayapa ang Pamilyang Garcia; masaya, magulo at makikita mo ang kasiyahan sa kanilang mga labi at ugali ngunit sa isang iglap lamang ang ngiti sa kanil...