KAMATAYAN 4

10 1 0
                                    

Agad kong pinuntahan sa morgue ang labi ng batang namatay kahapon, katakataka ang pagkabalisa ng lahat. Ani nila'y nawawala daw ang bata. Tinanong ko na din kung alam ba nila kung sino ang mga magulang nito ngunit hindi daw nila alam sapagkat sa lahat ng natawagan nila at mga pumunta dito ay hindi inaangkin ang bata, hindi nila ito kilala.

Ang daming gumugulo sa isipan ko.

Una, sino ba talaga ang pumapatay. Pangalawa, bakit sila nagpapakita sa akin. Pangatlo, bakit kamukha ko ang batang iyon at malaki ang pakiramdam ko na konektado ito sakin. Pang-apat, bakit sya nawawala at ang huli ay SINO BA TALAGA AKO.

Isang araw na lang kasi nagising na lang ako bilang Calix. Ayon sa Pamilyang kumuha sakin at nag aruga, namatay ang buo kong pamilya sa isang sunog. Isang maliit na box ang binigay nila sa akin at yun ang mahahalagang gamit na naisalba. Sabi din nila na hawak hawak ko ang mga bagay na'yon katulad ng mga litrato, ika nila nakita nila akong nakahiga sa likudan ng bahay namin habang inaapula ang apoy.

Bagama't tuliro ako ay nagawa ko pa ding umuwi ng matiwasay. Sino nga ba talaga ako. Wala na din kasi yung mga taong umaruga sakin kaya wala talaga ako na pwedeng tanungin ukol sa buhay ko. Namatay sila bago ako lumipat sa apartment. Ayon nga sa mga kumunsulta sa labi nila, wala daw makitang dahilan upang ikamatay.

“Bro, di ka pumasok?” pagtatakang tanong nito sa akin nang maabutan ko ito na nonood sa sala. Kita ko naman ang ngisi nito sa kanyang labi.

“Ako din.” dagdag pa nito at saba'y hagalpak. Napailing na lang ako, kahit kelan talaga hindi na magiging matino ang taong to. Kahapon lang iiyak-iyak dahil sa crush nya tapos ngayon...hys.

“Oh, e. Bakit di ka pumasok?” tanong ko dito na nakapagpatigil sa kanya. Gumusumot naman ang mukha nito, ang bilis talaga mag bago ng mood neto.

“Eh, paano. Nakita ko sila kanina nung papasok na'ko sa School. Ang sweet sweet pa nila akala mo di maghihiwalay! Ang matindi pa, bro! Kinamusta pa'ko ng babaeng yun hindi ko lang masabi na eto, winawasak mo puso ko. Hays, kung ikaw nasa posisyon ko maiiyak ka na lang.” napahagalpak na lamang ako ng tawa pagkatapos ko marinig ang hinanakit nya. HAHHAHAHAHHA. Kawawang Darl.

Simula ng pagkakakilala ko sa kanya ay ganun pa din sya mula ngayon. Tinuturing ko na sya bilang kapatid lalo na at hindi ko alam kung may kapatid ba ako o wala. Nakilala ko sya ng makita kong sinusuntok nya ang isang malagong na puno kaya't dali-dali ko itong pinuntahan at pinigilan. Kitang-kita ko noon ang hinagpis nya, namatay pala ang kanyang ama.

Hindi na nito sinabi sa akin ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama ganun din ang ibang parte ng buhay nito. Ang alam ko lang ay buhay pa ang Mommy nito pero hindi na sya tumitira dito at hindi ko alam kung anong rason. Ang pinakang alam ko lang sa kanya ay isa syang masiyahing tao kahit madami syang pinagdadaanan sa buhay kaya isa sya sa mga inspiration ko.

Papaupo na sana ako ng maalala ko ang isang tao, yung babae. Yung babaeng nakahulog ng litrato, she looks familiar to me but nevermind. Sasauli ko na lamang siguro ito sa oras na makita ko sya at kung makikita ko sya. Sa laki ba naman ng campus makikita ko pa kata yun? Maybe, not.

I started to open my computer, tumingin ako sa website ng isang documentary. Nakalagay na din pala ang articles mula sa nanawalang bata I know to myself na konektado ang lahat ng bagay na ito at yun ang kailangan kong alamin. But, how? Paano ko aalamin kung maging sarili ko e di ko kilala.

“Nabalitaan mo na pala” muntikan ko mabitawan ang kapeng hawak ko ng biglang sumulpot ang mokong nato. Tiningnan ko sya ng masama bago magpatuloy sa ginagawa ko.

“Kape na naman? Nako, Bro! Alam mo bang nakakamatay ang pagkakape kababalita lang non nung isang araw. Isang matanda, namatay! HAHHAHHAHAHA” at dahil sa sobrang pagkainis ay binatukan ko ito ng todo dahilan para masubsob ito. Kaya dali-dali akong tumayo, alam ko kasing gaganti sya at hindi ako papayag sa ganon. Katulad ng inaasahan, hinabol ako nito ng hinabol kaya tumakbo agad ako ng tumakbo.

Kahit anong tanda na namin, we still like a kids.

Simula nung araw na'yon lagi na kaming nagkikita, naglalaro at nagsusuntukan. Same school din kami always and same section. Nito lang kami nagkahiwalay nung college, mag-kaiba kasi kinuha namin but hindi nag babago ang lahat. We still friends.

Sa katatakbo ko hindi ko namalayan napasok ko na pala ang silid nito. Lumabas ka dyan! Rinig kong sigaw nito mula sa labas ng kanyang silid. I just amaze sa kwarto nya, nag design pa talaga sya and may star mula sa kisame. Hys. Isip bata talaga.

Isa lang ang hindi ko maiwasan tignan, isang papel mula sa sahig at hindi lang ito isang papel kundi isang liham. Isang itim na liham.

Six to Sixteen : A pure bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon