Mahal ko,
Katulad ng iyong nais, ginawa ko ito sapagkat di kita matiis. Alam kong magiging masaya ka lalo na ang ginawa ko sa kanya. Nakikita ko na ika'y maligaya lalo na't pinatay ko ang iyong Ama. Hindi ba't ito ang iyong nais. Kaya't eto, tingnan mo regalo ko para sa iyo.
Nagkita kami ng iyong Ama, sa likod ng simbahan malapit sa punong akasya. Kita ko ang kanyang saya ng sinambit kong mahal kita, oo, masaya ang iyong Ama. Sinabi ko din dito na handa kitang pakasalan at kailanman di kita papakawalan. Itinanong nya din sa akin kung handa ba kitang pagbigyan, tumango ako bilang kasagutan.
Mahal ko. Kagaya ng ating pinag-usapan, sinakal ko sya hanggang malagutan. Tingnan mo ang ilalim ng iyong higaan nandyan ang kahon na magbibigay sayo ng kasiyan. Nandyan din ang iyong kagustuhan, laman ng iba't-ibang parte ng katawan. Gaya ng ating nakagawian, isasaad ko ang bawat detalye upang ika'y masiyahan.
Batid nating dalawa na hindi tutol ang iyong mga magulang sa ating pagmamahalan kaya't lubos akong nasisiyahan. Naguluhan man ako sa iyong nais na sila'y paslangin ngunit naunawaan ko nang iyong isaad ang iyong damdamin. Ikaw pala'y nagahasa at pinaglaruan ng iyong Ama ngunit wala man lang ginawa ang iyong Ina, kaya't alam ko ang iyong nararamdaman at gagawin ko ang bagay na kailanman hindi ko pagsisisihan. Mahal kita at ito'y aking patutunayan.
Nakipagkita ako sa iyong Ama, mahal ko. Mali ang aking isinaad mula sa unang salita nitong liham sapagkat sya ay aking pinahirapan, pakikipagkita sa likod ng simbahan ay totoo at walang halong kasinungalinan ngunit gaya ng aking isinaad, namatay sya ng banayad. Kung makikita mo lamang tiyak na maiiyak ka dahil sa tuwa. Inaya ko sya sa bundukin, ani ko'y may magandang dilag at hayun sumama ng parang titikim ng langit. Ganoon na siguro ang pagkagusto nito ngunit ang hindi nito alam ay kung anong gagawin ko.
Nang kami ay makarating sa aming patutunguhan ay agad ko itong sinunggaban ng suntok at tadyak sapagkat alam kong ito ay iyong napagdaanan mula sa kamay ng iyong Ama nang hindi mo ito pinahintulutan. Lumaban pa ito ngunit hindi ko na napigilan ang pagkagigil ko dito, sinaksak ko ito ng patalim mula sa kanyang tagiliran. Alam kong humihinga pa ito sapagkat hindi ko ito pinuruhan upang siya'y pahirapan ko, agad ko syang dinala sa isang lumang kuweba at dito'y tinali hanggang sya'y magising. Kita ko ang daing mula sa kanyang mga mata ganyan din siguro ang iyong pinagdaanan kung kaya't di ko na pinatagal pa, kinuha ko ang pinakangmatalim kong kutsilyo at dahan-dahan kong pinutol ang mga daliri nito upang damhin nya ang sakit sa mga ginagawa ko. Ka'y sarap ng kanyang tinig tila ba'y nakakarinig ako ng musika galing sa lumang piyesa.
Pagkatapos kong putulin ang bawat daliri nito maging sa kanyang paa ay nakita ko ang pagkawala ng kanyang kamalayan kaya't hinanda ko na ang pinakamaganda kong supresa para sa kanya, tutal siya'y mahilig sa sekswal na karahasan hinanda ko na ang makakapagpaligaya sa kanya. Hinubad ko bawat kasootan nya at hinanda na ang mahal nating sila Mita, mga alaga nating daga. Kita ko ang pagkislot ng kanyang katawan dahil sa kakilitian at sakit sa pagkagat ng bawat isa. Naiiisip ko tulo'y na katabi kita at payak na tumatawa. Hahahhahaha.
At dahil di ako makuntento, kinuha ko ang matalas kong itak na syang puputol sa braso nito, Oo, mahal ko. Tama ang iyong nababasa. Upang madama nya ang sakit dinahan-dahan ko itong pinuputol, nagtatalsikan na din ang mga dugo nito at ang pinakamagandang tingnan ay ang buto nitong unti-unti nang napuputol, oooh! Kay sarap tingnan lalo na ang tinig nitong nagmamakaawa na kay sarap pakinggan. Sa pamamagitan naman ng matalas kong kutsilyo ay hiniwa ko ang dibdib nito hanggang sa kanyang ibaba, hindi ako natuwa sa daplis lang kaya't diniinan ko na ang bawat lantatya ng aking kamay sa kanyang katawan. Nagtalsikan ang mga dugo nito at nakikita ko na din ang buong loob kaboolan, bituka, puso at iba pa. Dito na sya nalagutan ng hininga ngunit di pa din ako nasiyahan kaya't pinapiraso-piraso ko ang bawat parte ng katawan nito, minartilyo ko naman ang kanyang ulo.
Kaya't mahal ko sana'y iyong naibigan.Nagmamahal, Agoncilio
BINABASA MO ANG
Six to Sixteen : A pure blood
Short StoryAng simpleng pamumuhay ay isang pagpapala ngunit kasukdulan ang isang kalungkutan. Namumuhay ng mapayapa ang Pamilyang Garcia; masaya, magulo at makikita mo ang kasiyahan sa kanilang mga labi at ugali ngunit sa isang iglap lamang ang ngiti sa kanil...