Kinabukasan maaga ako nagising. Dahil unang pasok ko sa bago kung eskwelahan. Pagkagraduate ko sa ng senior high school nag apply ako ng scholar sa isang sikat na school dto sa maynila. Xavier college school. Buti na lamang at matataas ang grado ko kaya natanggap ako ulit..
Kring kring...
Nilingon ko ang aking cp ng biglang tumunog, nung nakita ko ang pangalan kung sino yun ay di na ako nagatubili pang sagutin agad ito.
Alexa, ano na sabay ba tayo papasok? Tinext kita kagabi pero di ka nman nagreply kaloka ka ah! Natawa ako dahil nahihimigan ko na nman ang pagkairita niya. Oo sabay tayo kita na lang tayo sa tambayan. Sabi ko tas pinatay na. Nagayos na ako ng mga kailangan ko para sa school at nagayos na ng sarili. Tinignan ko ang sarili sa salamin, nakasuot ako ng longsleeve na polo na may kurbata, sa pangibaba medyo maikling palda dahil kalahati iyon ng hita ko, hindi nman nakakailang dahil nasanay na ako sa pag suot ng mga ganito kaiksi. For one last time nakita ko ang maamong mukha na di mo aakalain na merong tinatagong baho. Napabuntong hininga ako at pinilit na iaayos ang ekspresyon ko sa mukha. You can do it alexa!
Nakarating na ako sa tambayan at nakita ko na ang babaing kanina pa naghihintay. Ang aking matalik na kaibigan na si Analiza Fajardo. Galing siya sa may kayang pamilya nung una akala ko ay mataporbe siya dahil mayaman siya pero nung nakilala ko siya sobrang bait pero matapang na babae kaya hanga rin ako sa kanya.
Lumingon na siya sa gawi ko at walang alinlangang tumakbo at niyakap ako.Namisss kita bestfriend! Halos dalawang buwan tayong di nagkita ah.! Sabi niya habang sobrang higpit ng hawak kaya ako na unang kumalas sa kanya. Grabe ka nman hahaha kala mo sobrang tagal nating di nagkita.. natatawa pa ako habang siya nakasimangot at parang di nagustuhan ang sinabi ko kaya hinila ko na lang siya para pumunta sa eskwelahan.
Nakadating na kami sa school at ang haba ng pila, hinanap namin yung building ng College of Business Administration dahil yun ang kurso na kinuha naming dalawa. Pagdating namin dun nakita namin ang ibat ibang room na may nakapaskil na papel na kalagay ang mga pangalan kung dun ba kami nakaroom. Nilibot namin ang buong building at nakita nmin ang kanya kanyang room ngunit hindi kami magkaklase ni allaiza kaya mas lalo siyang sumimangot sa akin. Natawa ulit ako sa kanya dahil masyado siyang childish na ayaw mawala sa tabi ko..
Ayos lang yan allaiza magkikita namn tayo eh. Pag break sabay tayong kakain o kaya paguwi depende sa sched natin. Sabi ko para pagaanin ang loob niya. Eh bakit kasi an talino mo yan tuloy di tayo magkaklase.. napahalakhak ako sa kanya at di maiwasang napatingin sa paligid na merong ilan ilang tao ang nadidto kaya binulungan ko na lang siya. Ano ka ba di ko nman kasalanan yun. Wag ka na sumimangot diyan, magkikita namn tayo palagi eh. Sabay kindat sa kanya.
Wag ka ngang kumindat diyan, lalo lang mahuhulog ang mga lalaki sayo, sabay nguso niya sa mga kalalakihan na kanina pa pala nakatingin sa amin, mismong sa akin pala. Di ko napansin dahil nakafocus ako sa paghahanap ng pangalan namin at kay allaiza.. well di ko naman sila masisi maganda talaga ako, charr.. Tama lang ang pangangatawan ko, may tamang laki ng dibdib, balakang, hips na bagay na bagay talaga sa akin. Ang aking mga mata ay kulay brown na bumagay sa mga maputi kong balat. Aking labi ay natural na mapula, mahaba ang pilik mata at medyo may katangusan ang ilong. At nadagdag pa ang aking buhok na natural ang pagkakakulot sa dulo lang, na bumagay sa itsura ko. Maraming nagsasabi na mukha daw akong diwata dahil sa buhok ko. Mukhang innocente at parang mabait yan ang palaging sinasabi sa akin... pero i don't i accept because i know in myself that im a bad girl...Oy natulala ka diyan, gandang ganda ka na nman sa sarili mo,. Tsk loka talaga tong kaibigan ko kahit kailan, di ko na siya sinagot at sinabi ko sa kanya na magpunta na kami sa kanya kanyang silid dahil maguumpisa na ang orientation. Umakyat na ako sa pinakatuktok ng building dahil dto ang room ng special section. Yes tama ung sinabi ni allaiza na itong section na ito ay ang mga estudyante na may matataas na marka, kabilang na ako kaya ako nakakuha ng scholar dito sa school.

BINABASA MO ANG
Bad girl series #1
Chick-LitAlexa Panganiban ay napakagandang babae lahat ng mga makakakita sa kanya ay mahuhulog sa kanyang ganda. Pero sa kabila nun may tinatago siyang sekreto ay un ang pagiging stripper sa gabi dahil yun lang ang trabaho na makakapagbuhay sa kanya simula n...