Hating gabi na pero gising na gising parin ako. Sino ba naman kasi ang makakatulog agad pag nakita mo si Darren sa mall? Face to face. Eye to eye.
Sayang dapat pala kinidnap ko na s'ya kanina. lol.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala e. Pero totoo nga. Kasi nawawala yung pictures na pinadevelop ko e. And I'm sure nasa kanya yun. Hindi n'ya na kasi naabot sa'kin kasi tumakbo na sila.
Paepal kasi yung baaeng sumigaw kanina e! Ako nga hindi sumigaw e. Pano ba naman kasi ako makakasigaw eh namesmerize ako sa handsome features of his face.
Darren is perfect in my eyes. He's a total package. He's really the one.
Dahil nga bangag pa ko at hindi makatulog, naginternet muna ako. Wala masyadong update sa panpeyg n'ya sa pesbuk. Sa twitter naman puro qoutes at kadramahan. So naginstagram na lang ako.
Inistalk ko na naman yung IG ni Darren. May nakita akong recent post n'ya. 7hrs ago.
Picture s'ya. Yung mga pictures n'ya na pinaprint ko. Sabi ko na nga ba nasa kanya e.
At meron ding pictures ko. Sus, picture ko lang pala. Ang ganda ko naman d'yan!
Wait, whuuuuuutt????! PICTURE KO? Halaka! Oo nga pala nakapag paprint din ako ng pictures ko. Mga limang piraso ata yun. O____O
Anws. eto yung caption dun sa mga pictures::
"I saw a girl in the mall a while ago. May nakabanggang lalaki sa kanya so I helped her to pick her things na nagkalat which is my pictures. Unfortunately, may nakanotice sa'kin so tumakbo na kami agad at hindi ko nabalik 'tong mga pictures sa kanya. Darrenatics din yata sya kasi puro pictures ko 'to. XD So if you're reading this Miss, Hi. :) I'll find a way para mabalik 'tong mga pictures sa'yo." 'Yan yung caption.
My Ghaaaadd! Is this for real? Ni-click ko yung mga comments. Sari-sari. May mga positive kagaya nito::
"She's pretty!", "Whatta lucky girl. Pretty! :)", "Ang dami n'ya namang photos mo. Solid Darrenatics din s'ya. Hi sa'yo ate! :)"
Meron din namang mga negative like this::
"Paraparaan lang ni ate 'yan!", "Echosera ka ate! Ninja moves! Ganda ng strategy mo ah.", "Ang flirtie ni ate! Paraparaan!"
Wala akong pake sa mga comments. What's important is, Darren finally noticed me! At may chance pa na makita ko s'ya ulit! Grabe kilig all over my badeeh! Nagsu-super bass ang puso ko! Only him can make me feel this way.
Anong ggawin ko? Idi-DM ko ba s'ya? O magbibigti na lang ako sa sobrang kilig. Echos! Hindi ako pwedeng magpakamatay ngayon. Kailangan kong makita ULIT si Darren.
Can't wait to see him again anytime soon. Darren, weyt por me!