2

827 32 23
                                    

2

Ayesha's point of view


"zaira, ano matagal ka pa ba jan. natapos nakong maligo lahat, nakabihis nako nakakakain nako nauna kana sa lahat pero hanggang ngayon hindi kapa rin tapos" pambubulabog ko kay zaira sa kwarto nya.

"saglit lang kasi, nakita mo ba yung necktie ko yesha?" tanong nya

"hindi" Sagot ko naman habang inaayos ko yung bag ko.

"ahh nakita kona." sabi nya.

"yesha nakita mo ba yung book ko sa trigo?" tanong nya

"hindi! wala ba jan sa likod ng door?" sagot ko ulit habang sinusuot yung black shoes ko.

"ahh nasa bag ko na pala." sabi nya

"ayesha nakita mo bayung ID ko?"

sasagot palang ako pero pinutol nya na "Ay suot ko na pala!" napasapo nalang ako sa noo ko.


okay na okay nako nakatayo na ko sa may pinto palabas at tinitignan ko yung pabalik balik ni zaira na parang may hinahanap nanaman.

"ayesha nakita--"

"HINDI HINDI. WALA WALA AKONG NAKITA HINDI KO NAKITA WALA. HINDI KO ALAM" sigaw ko sakanya na nakapamewang at halatang nag-uusok na sa inis.

tinignan nya ko, "ay okay. easy lang" Sabi nya nakakairita.

"kanina kapa, dahil sayo nalalate tayo nakakairita ka" Inis kong sabi

"EH BAT BA KASI DI KA MAUNA?" sabi nya.


"sasabay ako sa kotse mo" sabi ko. at lumabas na ng bahay hinabol nya naman ako agad. At sinarado na yung mga doors at nilock yung pinto.

"ano ano ba!!!" hinarang nyako pasakay ng kotse nya.

"tabi!" sabi ko

"anong tabi?" Sabi nya nakaharang parin sya sa kotse nya

"ikaw zaira shaw tumabi kang pangit ka" Sabi ko.


"hoy mas pangit ka ang kapal ng mukha mo walang sasakay dito! maglalakad tayo" sabi nya

"ano? nakakatamad kaya mag lakad heller! ikaw sige maglakad ka mag-isa mo" Sabi ko at tinulak sya bubuksan ko na yung pinti ng driver seat ng sinara nya yung pinto

"YA! ZAIRA-SSI!!!!" Sigaw ko sakanya na gamit accent ng korean.


"ya!!!!! kim bok joo!" gaya nya sakin.

"gago, hindi bok joo pangalan ko!!!!" inis kong sabi.


"syempre joke lang" Sabi nya. Humarang nanaman sya sa pinto.

"ayesha, hindi natin pwede gamitin tong kotse nato. pangatlong bigay na satin ng parents natin to." sabi nya

"bakit? ikaw lang naman lagi nagaaksidente nun eh" Sabi ko

"alam mo naman mas malala kang magdrive sakin diba?" sabi nya

"ano kaba saglit lang naman natin to idridrive. wag kanang kj jan" Sabi ko.

naalala ko kasi grade 11 kami nun first sem.


nagtatalo kami ni zaira sini magdridrive pero dahil natalo ako sa bato bato pick kahit excited ako mag drive hindi ako nanalo.

kaya sya nag drive tapos yun, habang nagdridrive sya. ang lakas lakas ng sounds namin which is hindi pala dapat.

at yun dahil tuwang tuwa sya sa music hindi nya narinig na may nagbubusina sa likod nya at nabangga yung likod namin.

Mr. Playboy meets Ms. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon