Chapter Seven

3 0 0
                                    

Stella's Pov

Nakatingin lang ako kay Dion, habang nagsasalita ang dad niya, di ko alam kung masaya ba ako na paguusapan na namin ang mangyayaring kasal.

"Let's talk some other time na lang kung , maging okay na si Stella" 

Rinig kung sabi ni Tito ,kaya tumango na rin si Dad , nagpaalam na rin sila para umuwi, hinatid naman sila ni dad palabas.

Naisip ko tuloy yung mangyayaring kasal namin ni Dion, alam kung gustong -gusto ko sya, but the way he treats me, parang walang kasiguraduhan kung gusto niya ba akong makasama sa iisang bahay.

may kumatok sa pinto,siguro si dad na yun, agad itong bumukas at niluwa nito si Bryx.

"Hey, im sorry about earlier, di na sana kita pinatambay dun sa rooftop, di ka sana nandito."

Nakatayo niyang sabi sa akin , pinalapit ko naman siya sa tabi ko  at tinap ang balikat niya

"Dont worry, okay lang yun, see , im still alive" natatawa kung sabi sa kanya, binatukan niya naman ako  at sumabay na rin ng tawa sa akin 

"Sorry pala sa ginawa ni Dion sayo kanina" 

Bakit kasi siya sinuntok ni Dion eh wala namang ginagawang masama yung tao, napansin ko ring nagka pasa ang mukha ni Bryx

pinalapit ko ang mukha na sya akin , lumapit naman ito , sobrang lapit ng mukha niya sa akin, is he going to kiss me?

parang napansin niyang medyo naiilang ako sa ginawa niya kaya umatras siya at umiwas ng tingin sa akin. 

"Sorry, i got carried away" 

"No its fine, i just want to check your bruise if it hurts."  

hinawakan niya namagad ang pasa niya at agad naman siyang napadaing

"Yeah it does hurt" natatawa niyang sabi 

"Let me call the nurse, para naman mabigyan ka niya ng ice" 

I press the emergency button, at agad naman dumating yung nurse, at inutos yung mga kailangan namin dito

tumayo naman ako at pinaupo si Bryx sa kama ko, dumating na rin yung nurse at dala nya yung mga pinag utos ko sa kanya

"Ako na Stella" aagawin niya na sana ang ice pack sa kamay ko pero nilayo ko yun sa kanya

"Ill do it" 

"No kaya ko naman eh" 


matapos nun ay umalis na rin siya at sakto naman dumating si dad

"How do you feel?"  Agad na tanong ni Dad sa akin sabay kiss sa noo ko 

"I feel good dad, about what tito said, im not yet ready dad, i just want to spend time with you for the meantime, you know enjoy while i still can" 

Well napag isip-isipan kung, masyadong maaga pang mag pakasal ako , di ko rin alam kung bakit ako nag kakaganito , dati im so eager to get married early, pero now i realize that i should know myself first, before tying a knot with someone.

"Okay , if that's what you want" naka ngiting sabi ni dad, im so grateful that my dad is so loving and never leave my side always.


After two days of staying at the hospital ay nakalabas na rin ako , the air feels so fresh , parang ang tagal kung hindi nakalabas sa hawla.

papasok ako ngayon , marami na nga akong na miss na lesson's eh, lalabas na sana ako ng bahay ng biglang bumukas ito at nakita kung pumasok si Dion , bat sya nandito?

"What are you doing here?" agad kung tanong , nabigla lang kasi ako sa pag dating niya, di man lang siya nag sabi na pupunta siya dito sa bahay.

"Sabay na tayong pumasok sa school"  napangiti naman ako sa sinabi niya, first naman kaya mangyari to no, sabi nya sa akin noon , ayaw niya ng kasabay pero ngayon nag pupumilit na sya.

"What if  ayoko?"  tinignan niya lang ako ng masama at hinablot ang bag ko at nag simulang mag lakad , it leaves me no choice but to catch up with him , ang bilis niya kasing maglakad 

He opened the shotgun seat at pinapasok ako doon , lumapit naman ako at kinuha ang bag ko

sinara ra niya na ang pinto at pumasok na rin at pina andar niya na ang kotse at umalis na kami


nang makarating kami ng school  ay agad akong bumaba at nag pasalamat sa kanya at dumiretso na sa classroom namin, pero di pa ako nakakayo ay agad siyang sumigaw.

"wag kang lalabas ng classroom hangang di natatapos yung training ko, we'll go home together" 

napahinto naman ako at saglit na humarap sa kanya at ngumiti ng malapad.

"anong nakain mo ha? bat ang bait mo ata?"  he just smirk at me 

"Just a normal breakfast" at agad na pumasok sa kotse niya at umalis, didiretso na naman yun sa tambayan nila. 

Nang maka alis siya ay nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa classroom namin, naabutan ko naman si Cassey na nakatayo sa harap ng pinto, ako ata hinihintay niya eh.

"Cass!" malakas na sigaw dahilan para makuha ko ang atensyon niya, mabilis naman siyang tumakbo papunta sa akin at agad na niyakap.

"Are you strong enough to go to school today?" 

She's so worried about my health, mas OA pa sya kay dad mag react eh.

sabay kaming pumasok sa loob at nag-usap sa mga naganap nung wala ako.


"Hi" 

napatingala naman ako sa boses na narinig ko, it's Bryx, lumapit siya sa amin ni Cassey at umupo sa tabi ko. 

"kamusta ka na?" 

"Well, i feel good, kamusta na pala yung pasa mo sa mukha?" pinakita niya naman yung mukha niya sa akin at tinuro kung saan yung pasa niya, medyo nag hilom na yun.


Library work namin ngayon , sabay kaming dalawa ni Bryx na papunta doon , pair work kasi , kaya siya yung partner ko. 

Nasa loob na kami at naghanap kami ng pwesto kung saan makapag focus kaming dalawa sa mga gawain na binigay sa amin.

Kumuha muna siya ng mga librong gagamitin namin , at ako naman ay naghihintay sa kanya na bumalik.


After he came back , we started reading different books and taking down notes about the important details needed, but i feel bored, pero si Bryx patuloy pa rin siya sa pag babasa ng mga libro.

Napansin ko rin yung sinag ng araw na nanggagaling sa bintana at tumatama ito sa relo ko dahilan para mag karoon ng ilaw, sinubukan ko namang igalaw ang kamay ko at tinamaan ng ilaw ang mata ni Bryx dahilan para huminto siya sa pag babasa.

tinignan niya ako sabay tawa, kaya di ko pa rin pinigilan ang pag lalaro sa relo ko at nag kukulitan na kaming dalawa  at medyo nagiging maingay na rin kami, ng biglang  may malakas na kalabog akong narinig mula sa kabilang mesa, napatingin ako doon at nakita kung tumayo si Dion at iritang lumapit sa amin at agad na kinuwelyuhan si Bryx.

"Are you guys having fun?" medyo napalakas ang boses ni Dion, but Bryx gave him a blank stare.

"Yeah"

 medyo sarcastic na sagot ni Bryx, di na napigilan ni Dion ang galit niya at agad na tinulak si  Bryx sa mga book shelf at na lalag ang mga librong nakalagay doon.

 agad naman  akong hinatak ni Dion palabas ng library...




"Don't talk" 





Are we... Meant to be?Where stories live. Discover now