3-4-5

2.7K 95 0
                                    


My Jealous Little Boss

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  3-4-5




Siguro nagtataka po kayo kung bakit ganon ang ugali ni Ryan? Ako nga po rin e..(toinkz)

Seryoso na...





Firstyear college ako noon sa CTU..o Cresantemum University. School ng mga mayayaman. Mahirap lang ako pero matalino. Naging scholar at working student ako ng school na 'yon.
Doon ko nakilala si Ryan at ang mga barkada niya. Ang kaibigan niya na si Lee ay ang may-ari ng school na 'yon. Sila ang hearthrob ng campus. Maliban kasi sa mayayaman silang tatlo ay ang gagwapo at sikat pa basketball player.
Thirdyear na sila noon at ako ay firstyear. Napaka playboy nilang magbarkada lalo na itong si Ryan. Ito ang pinaka maloko sa magbarkada..
Anim na buwan siyang nanligaw sa akin at noong nakita kong nagbago siya ay sinagot ko na rin.
Grabe ang pagbago niya. Lahat ng girlfriend ay hiniwalayan nito at naging faithful siya sa akin.
Dahil mayaman ay ibinibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan ko kahit hindi ko naman hinihingi.
Ang dami ngang naiinggit sa akin noon. Bakit ako raw ang minahal niya? E, mahirap lang ako.
Pinatigil niya ako sa pagiging working student at siya na ang nagbayad ng tuition fee ko.
Oo. May nangyari na sa amin noong second year na ako at graduating na siya. Ilang beses na rin.
Lagi niya kasi akong pinapapunta sa condo nito.
Wala akong pinagsisihan sa nangyari kasi mahal ko naman talaga siya... Sobrang mahal o mas tamang sabihin na minahal.
Kahit lagi kaming magkasama, hindi ko pa talaga na meet ang parents niya. Lagi raw kasing nasa ibang bansa ang mga ito kaya hindi ko rin alam na si sir Santos pala ang tatay niya dahil magkaiba nga sila ng apelyido.
Akala ko iiwan na niya ako noong nakuha na niya ang V card ko pero mas lalo pa niya akong minahal. Para na nga kaming mag-asawa noon.
Namatay ang nanay ko habang ipinapanganak ako kaya si tatay na ang nagpalaki at nagpaaral sa akin.
Construction worker lang si tatay kaya nagsusumikap akong mag-aral at makatapos noon para maibalik manlang ang hirap na dinaanan niya para lang mapaaral ako kaso biglang nagkaroon siya ng sakit.
Bone cancer. Matagal na pala niya itong itinatago sa akin. Kailangan ko ng pera para sa pang chemo niya at gastos sa hospital.
May babaeng patay na patay noon kay Ryan, si Ara. Nalaman niya ang tungkol sa tatay ko kaya inoferan ako ng 1million para sa gamot ni tatay, pambayad sa hospital at
pang bagong buhay sa probinsiya.
Kapalit ay hindi na ako magpakita pa kay Ryan. Wala akong choice. Kailangan ko talaga ng pera at hindi ko kayang mawala si tatay sa akin pero hindi ko pa nagalaw ang pera ay namatay na siya.
Isinauli ko kay Ara ang pera, kaso kung anu- ano na ang pinagsasabi nila kay Ryan. Na nagpabayad daw ako sa ibang lalaki para magkaroon ng maraming pera.
May mga pictures kasi sila na tinatanggap ko ang pera galing sa pinsan na lalaki ni Ara. Sinubukan kong mag explain pero hindi na ako pinaniwalaan ni Ryan.
Iniisip niya na pera lang ang habol ko sa kan'ya kaya ko sinagot at naging kami. Isang certified gold digger ang tingin niya sa akin. Sakto namang patapos na ang school year kaya kinuha ko ang lahat ng papers ko sa school at hindi na muling nagpakita pa sa kanya.
Kaya hanggang secretary lang ako dahil wala akong diploma dahil hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral.
'Yon ang totoong storya namin noon. Mula nang umuwi ako sa probinsiya ay wala na akong balita pa sa kanya.
Kakadating ko lang dito sa opisina. 'Buti na lang maaga pa ako.
"Uy Mark, andito ka na pala... " Masayang bati ko sa kanya nang makita kong papasok at may bitbit na mga paper bags.

"Oh, ano 'yan? Pasalubong? " tanong naman ni ate Beth. Si Pamela? Hindi kami pinapansin. Laging galit sa mundol lalo na sa akin..
"Ahhh, Oo. Heto pala para sa 'yo, Han. " sabi niya sa akin sabay abot ng paper bag.
"Oyy. Hon daw oh? Diyan tayo sa mga banat mo Mark, e." Tukso ng mga kasamahan ko.
"Han" kasi tawag nila sa akin. Shortcut daw dahil Hannah ang name ko. Napakamot na lang si Mark sa ulo niya. Kami kasi palagi ang nakikita ng mga ito.
"Oy, mag-aalas otso na. Padating na si sir. Alam n'yo naman 'yon. Balik na kayo sa trabaho... " Nagsi-hiwalay na kami at kanya-kanyang punta sa pwesto. Masyado akong busy ngayon. Ang dami kasing nagpapa set ng appointment kay sir Santos.
Ang dami na ring dumadating na business proposal at mga papers na kailangan niyang permahan.
12.30 na pala, 'di ko namalayan ang oras. Pagkatapos kong magtanghalian ay tumambay muna ako kina Diego. Sakto namang nando'n din si Mark.
"One week ka pala sa Cebu, Mark? Akala ko, one day lang. " wika ko sa kanya. Hindi kasi ito nakauwi agad mula nang ipinadala siya ni Ryan sa Cebu.
"Oo nga, e. Ang dami kasing problema do'n. Tinulungan ko pa ang manager. May isang empleyado kasing nagloko. Itinakas ang pera ng kompanya. " Mabuti na lang dahil may hotel ang mga Santos doon kaya roon na nagstay si Mark..
"Ganon ba? E, kamusta na? Nahuli na ba ang empleyadong 'yon? " ang tao, kapag pera na ang usapan, nakakalimutan nang isipin ang tama at mali..
"Oo. Naubos pala nito sa sugal kaya sinampahan na ng kaso. Ang company lawyer nalang daw ang bahala doonl. " sabi nito na nakatingin sa akin.
"Ahm... Hannah? May gagawin ka ba mamaya? Dinner tayo. " Seryosong sabi niya sa akin.
"Si papa Mark, duma da moves. Ako, pwede. Wala talaga akong gagawin. Free ako. Gusto mo, sa condo ko pa. Dala you lang food, " kinikilig na sabi ni Diego.
"Sige Mark, after na lang ng work natin pero basta, before alas nwebe ay uuwi na ako ha. " Wala naman sigurong masama na makipag-dinner ako sa kanya. Kailangan ko kasing umuwi ng maaga. Hindi pwedeng malate ako dahil naghihintay ang mga kasama ko sa bahay.
"Nakauwi ka na pala, Mr.Palmarez. " Lahat kami napatingin sa likuran namin.
"Good afternoon ,sir." sabay-sabay na bati naming lahat. 'di man lang sumagot. Nakapoker face lang.
"Oo sir, kagabi lang." nakangiting sagot ni Mark.
"Good. Kanina pa kita hinahanap. Kunin mo roon sa table ko ang mga papers na nasa blue folder.. Papirmahan mo kay Mr.Henares." Utos niya.
" Sino pong sir Henares?" Nagtakang tanong ni Mark. Isa lang naman ang kilala kong Henares, e. Ang bagong client namin sa Davao pero'di ako sure.
"Si Amando Henares. Ang bagong client natin sa Davao, " napatingin ako sa kanya. Naka poker face pa rin siya.
"Ah, ok po. Andito na pala siya sa Maynila? Akala ko, nextweek pa siya pupunta." Sabi ni Mark na parang nagtataka. Ang sabi kasi ni Mr.Henares ay nextweek pa raw siya luluwas ng Maynila dahil nagkasakit ang asawa.
"Nextweek pa nga siya pupunta rito pero kailangan ko na bukas ng hapon ang pirma niya kaya ikaw na lang ang pumunta roon. "
Tila naiinis nitong paliwanag.
"Ipapabook na lang kita ng ticket kay Pamela. " halos mapa nganga si Mark sa narinig. Kakarating niya lang tapos heto na naman.
Pumasok na ito sa opisina. Kami naman ay tahimik lang.
"Mukhang hindi ata matutuloy ang dinner natin." Reklamo ni mark.
"Okey lang yon, Mark. May nextime pa naman, " nakangiti kong sabi.
"Talaga? Sabi mo 'yan Han ha." nakangiting sagot nito.
"Asus! Kinikilig si aketch. Ako na lang kasi papa Mark," Sabay hawak ni Diego sa braso nito.
"O! Aano pa ang tinatanga tanga mo d'yan, Mr.Palmarez? Umalis ka na. Alas kwatro ang flight mo," kung ano ang itsura niya kanina ay sobra pa ang mukha nito ngayon. Kahit sino atang sikat na pintor ay hindi siya kayang iguhit.
Ang bilis naman ata nitong makabalik? Bitbit na nito ang blue folder.
"E-email nalang ni Pam sa 'yo ang confirmed ticket mo 'pag nasa airport kana. At kayo! Magsibalikan na kayo sa trabaho ninyo! " Galit na utos niya sa amin. Ano ba ang nakain nito kanina at ganito na lang ang modo?
"At ikaw, Miss Baracael." Tawag niya sa akin. Babalik na sana ako sa trabaho ko nang tawagin niya ako...
"Dahil ikaw ang unang nakipagdaldalan dito sa oras ng trabaho, maglinis ka roon sa loob ng opisina ko. " Tiningnan ko siya ng maigi. Talagang seryoso ang loko.
Tumahimik na lang ako at pumunta sa storage room para kunin ang floor mop. Para umpisahang maglinis.
"Ibalik mo'yang mop at walis tambo na dala mo." Kakapasok ko lang at heto na naman siya, sinisigawan ako. 'di na ako nagtanong pa. Wala rin ako sa mood. Pagbalik ko, naka upo na siya sa table at busy sa pagbasa ng mga papers.
"Anong tinatanga tanga mo d'yan? Maupo ka!" Singhal niya sa akin. Kung hindi ko lang 'to boss, masasapak ko na talaga 'to.
"Wala na po ba kayong iuutos sir?Babalik na ako sa trabaho. Marami pa akong dapat tapusin," mahinahon kong sabi. Kanina pa kasi ako rito nakaupo sa harap niya. 'Di man lang ako kinakausap. 'Buti pa siya, busy sa ginagawa.
"Marami ka pa palang trabaho, tapos inuuna mo pa ang pakikipaglandian mo!" Galit na siya sa akin. Lahat naman pala ng oras. Kailan pa ba naging mabait yan.
"Hindi naman po ako nakipaglandian, e." Ayan. Tumaas na ang boses ko. Ano ba ang masamang ginawa ko? Wala naman 'di ba?

My Jealous Little BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon