1-2

5.1K 131 8
                                    


UNEDITED PA RIN TO AT HINDI KO PA NA-EDIT.

MY JEALOUS LITTLE BOSS

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  1-2

Hello po sa nagbabasa..pasensya na kung di siya ganon kaganda sa paningin nyo baguhan lang po ako dito..nyahaha..

.nasainyo na po yon kung kiligin o matawa kayo..basta ako seryoso ang mga tauhan ko dito..naka amerikana....nyahahaha charrrrr charrrr... pwede naman po sa lahat to e...hehehe....salamat pasensya na po sa typo.. sa grammar...o ano man dyan...kayo nalang po ang bahalang umintindi...baguhan palang po kasi ako sa pagsusulat....

A/N:
This story ay hindi edited. Ahmmmm... Straight to the point: walang space after punctuations and mali pa ang paglagay ng punctuations. Mali ang tamang paggamit ng nang at ng. Nag-uumpisa pa lang akong magsulat. Aayusin ko ito. Just give me time. Mga 2020. Hehehe. Seryoso ako. Ang dami ko na kasing nagawa kaya nahihirapan na akong mag-edit. Capitalization, small letter and noun etc.

[Hannah's Pov]

One week na akong nagtatrabaho sa kompanyang ito bilang isang secretary. Sa lower branch lang kasi ako noon sa Bicol, kaso nagustuhan ng boss ko ang trabaho ko kaya inilipat niya ako rito sa main branch sa Maynila bilang secretary na niya.
Mabait si Mr.Santos lalo na sa mga tauhan niya.
Maayos magpasahod at kapag tumaas ang net income ng kompanya ay lahat kami makakatikim ng bonus kaya kami nagtagal na mga empleyado niya ay dahil sa magandang pasahod.
4 years na akong nagtatrabaho sa kompanya nila sa Bicol pero hindi ko akalain na sa one week na itinagal ko rito sa Maynila ay
One week na ring kalbaryo ang buhay ko.
"Pssst girls, balik na kayo sa trabaho ninyo. Nand'yan na si sir," wika ni Diego. Ang bakla sa kompanyang ito.
"Goodmorning sir," bati nila. Himala! Ang aga ata nitong pumasok, ah. Alas otso pa lang. Dati kasi alas diyes 'yan pumapasok.
Ni hindi man lang bumati sa mga kasamahan ko.
" Goodmorning po sir , " bati ko nang mapadaan sa harapan ko pero kahit sulyap, hindi man lang ginawa sa akin.
"Hmp, suplado!" Bulong ko sa sarili ko. Napahinto s'ya sa tapat ko.
"Miss Baracael, since wala si daddy ngayon ay ipa-photocopy mo lahat ng papers na i-distribute natin sa buong branch ng company,"wala sa modo nitong utos. Nasa Amerika kasi si sir Santos. May inasikaso, three days na.
"Akala ko po ba sir ay nextweek pa 'yon? " dalawang malalaking karton kaya iyon.
"Nope. I need it tommorow. Sana matapos mo 'yon ngayon, " grabe! paano ko 'yon matapos lahat?
"Ah, sir, tutulungan ko na lang po si Miss Baracael, wala naman po akong masyadong trabaho ngayon. Malapit ko na rin pong matapos ang pinagawa ni sir Santos sa akin, " pagpresinta ni Mark.
Mabait ito sa akin sa unang araw ko palang dito at wala rin akong problema sa mga kasamahan ko maliban sa supladong ito na nasa harap ko.
"Bahala ka!" Walang kabuhay- buhay na sabi nito.
"Ayieeeeeee... Si Mark, umiiskor. "
Tuksuhan ng mga kasama ko. Nirereto kasi nila ako rito.
Gwapo naman 'tong si Mark at may mga nagkagusto rin sa kanya. Gaya ni Lyn, obvious naman na may lihim na pagtingin ang dalaga. Nasa iisang department lang kasi sila.
"Quite! "Sigaw ni sir. Hindi na talaga ma-drawing ang mukha. Lahat sila ay nagsitahimik.
"Konti na lang pala ang trabaho mo Mr.Palmarez. Tapusin mo ang trabaho mo ngayon! After mo matapos, ihatid mo sa Cebu. " Anong nangyari r'on? Bakit nag- iba ang templa ng modo niya? Akala ko ba, okey lang na tulungan ako ni m
Mark? Tsk! Bipolar talaga...
"Pamela, pa book ka ng ticket para kay Mark. Try mo kung may available flight ngayon, as soon as possible," sabi nito sa secretary niya na nasa labas lang ng office niya ang table. Ayaw daw nito na nasa loob ng office niya ang secretary dahil gusto niya ng privacy.

"Opo, sir." At tinawagan niya ang Cebu Pacific kung may available pa. Ang mga kasama ko ay tahimik lang dahil baka madamay pa. Si Mark, wala na ring nagawa.
"Problema no'n? Ang aga-agang pumasok, maaga ring na badtrip..." sabi ni Diego ng masiguradong nasa loob na ng opisina nito si sir Ryan.
"Pssst... tumahimik ka na bakla, baka marinig tayo." saway ni ate Beth.
"Sus! Sound proof kaya 'yang opisina niya. 'Di tayo niyan maririnig," nagsibalikan na sila sa kanya-kaniyang table.
"Sorry talaga Mark ha. Pati ikaw, nadamay." Tinulungan niya akong buhatin ang isang karton..
"Wala 'yon. Okay lang," nakangiting sagot nito.
"Mr.Palmarez, ano pa ang ginagawa mo d'yan? Bilisan mo na! After two hours na raw ang flight mo." Kakalabas lang nito sa opisina. Binabantayan ba ako ng lalaking ito?
"Kaya na ni Miss Baracael 'yan, " masungit na sabi niya.
"Ah, oo. Sige na Mark, ako na. Kaya ko na 'to." sabi ko na lang na nakangiti kay Mark.
Mag-aala una na, hindi pa ako kumakain. Nagugutom na ako. Sobrang dami naman kasi nitong pino-photocopy ko. Ganiyan 'yan mula nang lumipat ako rito. Ako na lagi ang pinag-iinitan
"Ako na ang magtapos niyan. Kumain ka na muna, " wika ni Lyn...
"Huh? wag na. Baka magalit pa si sir sa 'yo," sabi ko sa kanya. Baka s'ya naman ang madamay.
"Okey lang 'yon, siya nga ang nagsabi na palitan muna kita para makakain ka na." Nakangiting saad nito.
"Talaga? Sige, salamat Lyn, ha. Mabuti naman naalala niya akong pakainin. Maiwan na muna kita, babalik ako kaagad... Salamat! "
Pagdating ko sa canteen, sakto namang kumakain din sina Diego at ate Beth.
"Uy, ganda, rito ka na umupo. s
Sumabay ka na sa amin," tawag ng bakla. Hindi naman siya kagaya ng ibang beki na nagsusuot ng damit pambabae.
Paminta lang siya.
"Naku! Pagpasensyahan mo na si papa Ryan. Ganyan naman talaga 'yan dati pa. Sobrang gwapo at macho pero suplado naman. Minsan lang ngumiti. Once in a blue moon pa. Parang ipinaglihi sa sama ng loob, " sabi nito.
"Okey lang 'yon. Ganyan naman talaga ang mga mayayaman, " sabi ko habang binubuksan ang lunchbox ko. Nagbabaon kasi ako para makatipid. Masyadong mahal na ang bilihin ngayon.
Nagbabayad pa ako ng bahay, tubig, kuryente at sa katulong ko- kay ate Lumi.
18k lang naman sahod ko, kulang pa. Pamasahe at pagkain pa namin.
"Hindi naman ganyan 'yan dati noong binata pa. Masayahin naman 'yang tao at maloko. Lagi kasi 'yang dinadala ng daddy niya rito sa office pero no'ng bago mag-graduation ay iniwan daw ng kasintahan kaya ayon, nagbago na! " Nakikinig lang ako sa kanila. Kaya pala parang galit sa mundo.
"Ay, talaga ate Beth? Bakit hindi ko alam 'yan? Naku! Ang tanga naman ang babaeng 'yon para iwan si papa Ryan pero buti naman para mapasaakin na siya. hahaha," napangiti na lang ako kay Diego. Mabuti naman kahit papaano, may paminta sa opisinang ito. Pampatanggal stress.
"Oo bakla, kaya mula noon ay lagi na lang galit sa mundo lalo na sa mga babaeng magaganda na mahirap." Si ate Beth ay nasa 40 na at sampong taon na rin dito sa kompanya kaya medyo may alam din siya sa mga nangyayari dito.
Dito ko rin nga nalaman na kaya pala hindi Santos ang gamit ni Ryan ay hindi pala kasal ang mama at papa nito. Kaya apelyido ng mama niya ang gamit ng binata.
Dati kasi, kapag hindi pa kasal ang mga magulang mo ay hindi pwedeng dalhin ang apelyido ng tatay m. Pero iba ngayon, may batas na para sa mga illigitimate child na pwedeng dalhin ang apelyido ng ama basta
i- acknowledge lang ng ama at permahan ang birth certificate.
haaay may naalala tuloy ako. ..
"Ah sus! Galit sa gurlalo, e, marami naman ang nagkakandarapa sa kanya at pumupunta rito sa office, " tama nga si bakla. Halos araw-araw may pumupunta pero sinusungitan lang niya o di kaya'y tinataguan.
Ang iba, anak ng business partner nila. Kunwari, business proposal ang sadya nila pero ang totoo ay personal ang pakay.
Pagkatapos naming kumain ay nagsibalik na kami sa trabaho. Mag-aalas nuwebe na ay naka kalahati palang ako sa ginagawa ko. Halos lahat na nga ng kasamahan ko ay umuwi na. 12 hours kaya duty namin. Alas siyete ng umaga hanggang alas siyete ng gabi. Ang mga naiwan na lang ngayon ay ang mga nag- oovertime.
"Umuwi kana, bukas mo na lang ipagpatuloy 'yan. " sabi nito. Andito pa rin pala itong masungit. Nakakainis! Sobrang pagod na kaya ako dahil walang pahinga.
"Okay... " walang gana ko ring sagot sa kanya at inayos na ang mga gamit. Nasa 10th floor kasi ang office namin. Mabuti na lang at pagbaba ko, may taxi na na naka-abang..
One week na mula nang pumasok ako. Ganyan 'yon araw-araw. May ipa-schedule na appointment, mamaya onti, ipa-cancel, may magpapatimpla ng kape, papabili ng ganito, ganyan, may iutos, may ipa-ulit, minsan may pinapabuhat at pinapalinis.
Nakakainis lang talaga! Pwede namang ipagawa niya sa janitor o secretary niya. Sa akin pa talaga!
"Haay naku! nag-iba ka na Ryan... Nag iba ka na talaga... Nasaan na ang Ryan na kilala ko? Ang Ryan na dating MINAHAL ko, at higit sa lahat, ang Ryan na SOBRANG MINAHAL AKO?" bulong ko sa aking sarili.

My Jealous Little BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon