24-26

2.1K 75 1
                                    


My Jealous Little Boss

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER  24-25-26

Ryan's Pov]
Pabalik na ako sa office ko. Kinuha ko kasi ang cellphone ko sa kotse. Kanina ko pa hinahanap, ngayon ko lang naalala na naiwan ko roon..
"Papa!" tumatakbo ang bata sa akin tapos naglambitin pa sa binti ko. Sipain ko 'to, makikita niya!
"Mom? Ba't mo dinala ang batang 'yan? Iuwi mo na nga 'yan! Isa pa, bakit mo ipinasuot ang damit ko sa kanya?!" galit na sabi ko. Ang mga damit ko kasi noong bata pa ako ay itinago ni mommy. Ayan tuloy, nagiging kamukha ko na ang batang to. Okay, marami kaming similarities pero kahit na, impossibleng magkaroon ako ng anak dahil naging maingat ako mula noon.
"Shit, pasok kayo, Moom, dali!!" Tapos binuhat ko ang bata papasok sa opisina ko. Baka kasi makita ni Hannah at iisipin na anak ko 'to..
Ang mga babae pa naman ay kahit ano'ng paliwanag mo ay mahirap pa intindihin lalo na 'pag sinusumpong ng pagdududa..
"Papa, laro tayo." Kinuha ang bola sa loob ng bag..
At dinribble-dribble ito..
"Hoy, bata, tigilan mo nga 'yan pag ako mainis ikaw ang edi-dribble ko!" Hindi talaga ako nagbibiro. Kapag mainis ako, itatapon ko 'to sa bintana...
"Eh papa, maglalaro lang naman po ako e," nakapout na sabi niya..
"Opisina 'to, hindi to playground!
Mamaya, makabasag ka pa diyan!" Tapos inagaw ko ang bola at inilagay sa loob ng CR at ini-lock ko ang pinto para 'di na niya makuha...
Natahimik siya bigla tapos naupo sa couch na nakayuko. Baupo na ako sa swivel chair. Ano naman ba naisipan ni Mommy kung bakit dinala-dala niya pa ang batang 'to rito?
"Wag mo namang pagalitan ang bata. Alam mo namang ganyan ang gusto niyan, maglaro. Okay ka lang, baby?" Naupo na rin si Mommy sa tabi ng bata.
"Tsss.. Kaya ganiyan 'yan e, kinokonsente ninyo ni Daddy! Parang apo n'yo ah! Kung nagmamadali kayong magkaapo, bibigyan ko kayo. Huwag 'yong nanghihiram kayo ng anak ng iba!" galit na sabi ko. Nakakapikon na kasi. Bakit andito pa ang batang 'yan?
"G-Galit kasi...huhuhu si Papa.. Huhuhu... sa 'kin, L-Lola e." Tiningnan ko ang bata, umiyak pala ito...
"Okay lang 'yan baby, hindi naman galit si Papa mo kaso lang medyo hindi lang maganda ang modo niya ngayon," malumanay na paliwanag ni Mommy sa bata...
"Kunin mo nga roon ang bola niya, Ryan! Mas isip bata ka pa kay Ian!" Utos ni Mommy. "Tahan na baby, kunin na ni Papa mo." Pinandilatan ako ni Mommy na nagwa-warning na kunin ko ang bola o pagsisisihan ko kapag hindi..
"Tssss... Ymuwi na nga kayo!" Kinuha ko ang susi tapos kinuha ang bola at inabot sa kanya.
" Ryan, hindi mo dapat pinapaiyak ang bata. Bawal sa kanya ang sobrang masaktan. Wala naman siyang ginagawa sa 'yo a," sabi ni Mommy habang inaalo pa rin ang bata...
"Talagang iiyak 'yan, iyakin e. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Puwede ba mom, pakiusap, ilayo mo sa akin 'yan!" kapag magkasama kami nito, buong araw siguro isisilid ko to sa sako. Mabuti na lang hindi ako ang tatay niyan...
"Wag mong paiyakin, may sakit siya sa puso," malungkot ni mommy habang tinitingnan ang bata na ngayon ay tuwang-tuwa na sa paglalaro ng bola.
"May sakit sa puso?" nagtataka kong tanong. Larang wala naman a. Malakas pa nga ito kung tingnan.
"Oo, pero okay na. Na operahan na siya last month pero hindi puwedeng mapagod o umiyak ng sobra. Alam mo naman ang mga bawal sa may sakit sa puso." May pait sa ngiti ni Mommy. Alam kong naaawa siya sa bata...

Malapit kasi ang puso niya sa mga bata. May foundation nga siya para sa mga homeless children at iyan ang libangan niya ngayon.
"Papa? Laro tayo, sige na." Nakatingala na sabi niya sa akin...
"Pwede bang tuma--" sigaw ko sa kanya.
"Ooop! Bawal sa kanya ang sigawan. Bawal paiyakin, sweetie, okay?" Paalala sa akin nitong magaling kong ina..
*Sigh*
"Busy ako. Ikaw na lang maglaro diyan," mahina kong sabi. Pigil na pigil dahil gusto ko na talagang sumigaw.
"Good! And since okay naman kayo, alis na muna ako. Magba-ballroom pa kami ng mga kumare ko." Tumayo na si Mommy. Mabuti na lang at aalis na din sila. Busy ako sa pagbabasa nitong nakatambak sa mesa ko...
"Papa laro tayo?" Muntik ko nang mabitawan ang laptop ko nang may kumalabit sa pantalon ko..
"Damn! Ano'ng ginagawa mo rito?" Akala ko isinama to ni Mommy. Bakit nandito pa ito?
"Sabi ni Lola, dito lang daw po muna ako sa 'yo, papa," inosenteng sagot niya.
"Alis sa harap ko! Kapag hindi ka aalis, itatapon ko 'yang bola mo sa Labas!" Yumuko siya tapos umiyak na naman.
"B-Bakit galit ka ba sa akin, papa? G-Gsto ko lang namang maglaro tayo e.. uhuhu." Iyak nang iyak na siya. Bawal pa pala dito ang umiyak..
"Hey, tama na. Huwag ka nang umiyak. O sige na, laro na tayo.." Kung wala lang itong sakit, kanina ko pa pinalabas to.
"Talaga, papa? Yehey!" Tuwang-tuwa na sabi niya. Ano ba ang gagawin ko sa kanya?
'Oo, pero busy ako kaya mamaya na lang, puwede?" Ang dami ko pang dapat asikasuhin...
Tinatawagan ko si Mommy pero off ang cp niya...
"Ayaw! Gusto ko ngayon na po," nakabusangot na sabi niya...
"Sir, ito na po ang mga papers na kailangan mo." Kakapasok lang ni Pam sa office..
'Sige, ilagay mo lang diyan. Ahmm.. Pam, wala ka namang gagawin na, 'di ba?" tanong ko sa kanya...
"Wala na po, sir. Uy, hello baby boy. Ang cute, cute mo naman." Tuwang tuwa na sabi niya sa bata..
"Salamat po." Namumula ang pisngi niya. Halatang may crush kay Pam... Tsssk....chickboy talaga! Siguro nagmana 'to sa tatay niya...
"Good. Since wala ka namang gagawin, dito ka muna sa office ko.
Alagaan mo ang batang "yan dahil marami pa akong gagawin," sabi ko at ibinalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko..
"Di ba papa, maglalaro pa tayo?" Tiningnan ko ang bata ng masama. Talagang makakatikim to sa 'kin 'pag hindi tumahimik...
"Anak mo, sir? Kamukha mo talaga. No, baby. Si Tita Pam muna ang maglalaro sa 'yo, ha. Busy ang daddy mo," nakangiti nitong sabi sa bata. Pahamak talaga 'to!
Talagang pagkamalan kaming mag ama e papa nang papa to sa 'kin.
"Hindi ko 'yan anak. Tawag niya lang sa akin ay papa!" pagtatama ko kay Pam.
Naglalaro na sila. Tuwang- tuwa naman itong bata.
Minsan namumula pa ang mukha kapag halikan ni Pam sa pisngi... Tssss ke bata-bata, malandi na.
"Papa!" Tawag naman niya sa akin. Hindi ba talaga titigil 'to? Bakit hindi na lang kaya kumuha sina Mommy ng yaya nito?
"Ano na naman?" inis na sagot ko
Si Pam, ngingiti-ngiti lang...
"Laro tayo." Wala na ba talagang kapaguran ang batang to?
"Busy ako. Pakiusap naman bata, 'wag mo akong istorbohin!" Tumahimik naman ito halatang nagtatampo..
"Ang cute n'yo namang mag- ama, sir. Pareho kayo ng ugali.." Hinayaan ko nalang si Pam. Bakit ba nasanay ito sa kakatawag sa akin ng papa?
"Papa, punta tayo kay Lolo!" oo nga pala. Mabuti naman at naalala ng batang 'yan si Dad.
"Sige. Pam, dalhin mo na muna yan kay Daddy at mawalan na ng maging malikot dito!"
Binuhat na ito ni Pam para lumabas...
Doon na lang maglikot ang batang 'yon kay Daddy. Naalala ko si Hannah. ano kaya ang ginagawa niya roon sa office ni Dad?
Shiiit! Agad akong tumayo. Mabuti na lang nandito pa sila sa labas..
"Pam, ibalik mo ang bata sa office dali!" nakita ko si Hannah, mabilis na bumalik sa office ni Dad. Baka may nakalimutan. Mabuti na lang at hindi niya nakita ang batang 'to...
Asar!

My Jealous Little BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon