33-35

2.3K 81 2
                                    


My Jealous Little Boss

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33-34-35

"Mark, pasensya ka na talaga kahapon ha. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko." Kumakain kami ngayon dito sa canteen...
Maaga ko pang hinatid si Ian kina Tita. Si Ryan naman ay tulog pa nang iwan ko. Nagluto muna ako ng umagahan niya bago kami umalis ni Ian.
"Okey lang 'yon, walang problema. Mabuti nga 'yon at nakapahinga ka naman. Okay ka na ba?" concern na tanong niya sa akin...
"Oo, okay na. Nakainom na ako ng gamot kanina. Kumusta ang date n'yong dalawa?" Kumakain kasi siyang mag-isa dito kaya nilapitan ko para humingi ng sorry..
Dito na rin ako makikain sa table niya para may kasabay ako. Mamaya pa raw sina Ate Beth at Diego.
"Okay lang naman. Nasolo ko siya for the firstime. Nanood lang ng movie at foodtrip," todo ngiti na pagkukuwento nito..
"Congrats. Mabuti na lang pala hindi rin pumunta sina Diego." Alam naman kasi nina Bakla na gustong masolo ni Mark ang kasintahan...
Nakita kong papasok sina Diego at Ate Beth kasabay nila si Pamela. Hanggang ngayon, galit pa rin ito sa akin. Inagaw ko raw si Ryan kay Trexie.
"Hi, guys! Dito na kami maupo ha. Wala ng table e. Hi Papa Mark," malanding sabi ni Diego. Puno na kasi ang canteen dahil mag-aalas dose na...
"Doon na lang ako sa kabilang table." Naglakad na palayo si Pamela palayo sa amin.
"Hayaan mo siya gurl, palibhasa hanggang ngayon ay hindi pa napapansin ng gwapo nating boss. Oh, speaking!" Tiningnan niya ang papalapit sa amin, si Ryan..
Lahat ng mga tauhan ay nakatingin din sa kanya. Minsan lang itong lumabas at pumunta dito sa canteen. Madalas ay nagpapa-deliver ito o sa labas kumakain. Kung sa bagay, pang empleyado lang naman ang canteen na 'to.
Ano na naman kaya ang problema nito at galit ang mukha?
"Good noon po, sir," bati ng mga empleyadong nadaanan niya pero dire-diretso lang siya at papunta sa akin?
"Di ba sabi ko sa 'yo, sasabay ka sa akin kumain?" galit na sabi niya tapos hinila ako palabas. Hindi ko pa nga nauubos ang kinakain ko..
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa canteenm pero tuloy-tuloy pa rin ang paghila niya papunta sa office.
"Nextime" matuto ka namang rumespeto sa akin sa harap ng maraming tao!" galit na sabi ko nang maisara na niya ang pinto.
"Nextime, matuto ka ring tumupad sa usapan! Kanina pa ako nagugutom! Ne anino mo wala, tapos makita kita, ando'n nakikipaglandian kay Palmarez!" sigaw niya sa akin. May usapan kasi kami kagabi na sabay kaming kumain. Hindi pala usapan 'yon kundi utos niya.
Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Nagpa-order ata siya. Tutal kakaumpisa ko palang kumain nang dumating siya kaya kumain na lang ako ulit.
"Ako na lang pala ang kukuha kay Ian sa bahay ninyo mamayam," sabi ko habang kumukuha ng sisig.
"Bahala ka..." nakasalubong parin ang kilay nito habang kumakain. Ito ang mukha niya kapag nagtatampo. Pareho kasi sila ni Ian kaya medyo kabisado ko na rin si Ryan.
"Pwede ba sa susunod Hannah, matuto ka namang tumupad sa pangako mo." Ang tinutukoy nito ay ang sabay kaming kumain.
"HINDI ako nangako sa 'yo, Ryan! Ikaw lang ang may sabi non!" Talagang big deal sa kanya ang nangyari.
"Pag sinabi ko, usapan na rin natin 'yon! Ako ang dapat masunod!" Sa harap ng pagkain nagsisigawan kami..
'Oo na lang Ryan, pwede ba? Sa harap tayo ng pagkain e." Tumahimik na ito. Kahit papaano may manner din pala ang isang 'to.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa office. Usap-usapan na naman ako ng ka officemates ko. Pahamak kasi ang Ryan na 'yon. Puwede naman niya akong i-text o tawagan e.
Maaga pa akong pinauwi ni Sir Santos. Alam kasi niyang kukunin ko pa si Ian sa kanila. Magtatakip silim na rin naman. Traffic na naman to...
"Bilisan mo nga ang paglalakad, ang bagal mo! Ano 'to? Fashion show?" Napadaan ako sa parking lot at nakita ko si Ryan na nakasandal sa black ducati niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Lumapit ako sa kanya...
Ibinigay niya ang helmet sa akin...
"Isuot mo na nga 'yan, bilisan mo! Kanina pa naghihintay sa atin si Ian." Tapos sumakay na siya sa ducati at pinaandar.
"Ano na? Tutunganga ka na lang ba riyan?" pikon na sabi niya. Mabilis kong isinuot ang helmet at umangkas sa likod niya...
Mabuti na lang, nakapantalon ako ngayon. Kumapit ako sa bewang niya dahil ang bilis nitong pinatakbo pero alam kong nag iingat siya. Ang bango naman ng lokong to. Same pa rin ang perfume niya noong college pa kami..
"Mahal mo talaga ang ducati na 'to, noh?" sabi ko sa kanya habang mahigpit ang yakap sa bewang niya. Noong college pa kami, ito na ang ginagamit niya...
Inipon niya ang lahat ng pinalunan niya sa drag race para mabili lang ito. Kaya sobrang mahalaga ito sa kanya. Wlang kahit sino mang puwedeng maka-drive nito dahil galing ito sa dugo't pawis niya.
Noon, ako ang unang inangkas niya dito. Alam kasi niyang gustong gusto ko na ma-experience ang ganito. Magaan kasi sa pakiramdam..
Iyong tipong mabilis siyang magpatakbo pero hindi ka matatakot dahil alam mong ititigil niya ito na safe kayo. May iba pa kaya siyang isinakay dito noong naghiwalay kami?
"Wala ka na do'n!" Mas binilisan pa niya ang pag- drive kaya mas napakapit pa ako sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik kami noong college. Noong time na masaya pa kami at walang problema sa relasyon.
"Kain muna tayo nagugutom na ako."  Tumigil siya dito sa Shakey's at kumain kami. Nagugutom na dmrin ako. Sigurado, kumain na rin 'yon si Ian.
Pagdating namin ay agad na tumakbo ang bata at humalik sa amin. Iniwan ni Ryan ang ducati don at ang BMW ang ginamit sa pag-uwi.
"Mama? Papa? gutom na po si Ian," nakalabi na sabi nito habang pauwi kami sa condo..
"Huh? Bakit nagugutom ka? Hindi ka pa ba kumain?" Nagtataka kong tanong. Alas otso 'y medya na ng gabi.
"Hindi pa po e," sabi nito at kinuha na naman ang laruan.
"Ryan, puwede bang dumamaan tayo sa isang restaurant? Bibili lang tayo ng pagkain ni Ian?" tanong ko sa kanya.
"Ano ba, Hannah? Wala na ba kayong gawing sa akin kundi ang utusan?Ginawa n'yo na nga akong driver ninong mag-ina, ngayon utusan n'yo namang mag-ina? Aba, abuso na kayo a!' galit na sabi nito. Kanina pa kasi nagrereklamo.
Dapat daw doon ako sa tabi niya maupo e, ayaw naman ni Ian na mag- isa lang dito sa backseat.
"Sige na, Ryan. Wala pa palang kinain ang anak natin," pakiusap ko sa kanya.
"Hindi ko na problema 'yon. Alam naman niyang nagugutom siya, e, bakit hindi na lang siya kumain don?' sige pa rin siya sa pagda-drive...
"Mama? Galit ba si Papa?" bulong sa akin ni Ian..
"Hindi baby, pagod lang si Papa. Ang dami kasing ginagawa 'yan sa officel kaya pag lpasensyahan mo na, okelay?" bulong ko rin sa kaniya.
"Galit ata siya mama e..." naka-pout na sabi nito...
"Ano na naman ang binubulong bulong niyong mag-ina riyan?" napipikon na tanong nito.
"Wala po, Papa. Bili na po tayo ng food please, gutom na po ako e," pakiusap niya sa ama.
Biglang tumigil siya sa pagmaneho. Nasa harap na kami ng Mcdo. Bumaba siya tapos bumili ng pagkain ni Ian.
"O, pagkain mo! Kung 'di lang kita anak, hayaan na kitang mamatay sa gutom. Bakit ka pa kasi lumusot. Akala ko, natapon na kita sa labas ng tiyan ng nanay mo!" galit na sabi nito at pinaandar na niya ang sasakyan.
"Anong tinitingin mo, Hnnah? May naalala ka sa sinabi ko? Sabihin mo lang, ulitin natin mamaya.." Sinnulyapan kasi niya ako sa salamin at nakita niyang galit na tinitingnan ko siya. Manyak talaga!

My Jealous Little BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon