Patas And Mundo Hindi Ang Tao

114 7 0
                                    

Author: Edi-wow-pusa
Title: Patas ang Mundo hindi ang Tao
Genre: Fan fiction, fantasy
Status: On-Going

Author: Edi-wow-pusaTitle: Patas ang Mundo hindi ang TaoGenre: Fan fiction, fantasyStatus: On-Going

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PROLOGUE

"Ok standby! Light, camera, action!" Sigaw ni direk upang lahat ng tingin ng mga tao ay napunta saakin.

"Mga batang Hindi pinalad, mga pangarap na unti-unting naglalaho, naiisin man nilang ibalik ito ngunit sa hirap ng kanilang buhay ay malabo ng mangyari. Tunghayan natin ang buhay ng isang bata At pasukin ang mundo ng kanyang ginagalawan" nang matapos ko ang Intro ay Tumingin ako ng diretso sa camera na nag huhudyat na putulin na.

"And Cut!" Malakas nitong sigaw "Ok rolling parin tayo, sa bata na ang Camera and lights!" habol pa nito at nag kaundaga ang mga stuff namin upang ituon sa bata ang camera

Mula sa kinatatayuan ko kanina ay lumipat na ako,nais lang talaga namin Kuhaan ang napaka gandang tanawin sa aking likuran na ginawa kung background.Nagtungo na ako kung saan naka upo ang bata, naka upo ito sa ilalim ng puno na may upan na gawa sa kahoy, doon talaga namin siya pinaaupo dahil sa maaliwalas at sariwa ang hangin. Kakausapin lang namin ang bata para sa aming Documentaries na ginagawa na ipapalabas sa Tv and media.

Nang tuloyan na akong makalapit sa bata ay kitang kita sakanyang mukha ang saya, kaya ginawaran ko ito ng isang napaka tamis na ngiti. Naalala ko tuloy ang sarili ko sakanya noong bata pa ako.

"Hello po ate reporter" Magiliw nitong bati saakin.

"Hello, ano pangalan mo?"tanong ko habang pinag mamasdan ang kanyang kabuuan.

Maykakaiba..

"Ako po si Hana pag laki ko gusto ko po maging kagaya mo ate " Magiliw parin nitong tugon, seguro mga nasa labing apat na gulang na ito.Dahil sa kanyang mga ngiti dimo iisipin na wala itong pinagdadaanan, ngunit ang mga mata niya ay makikita mo na meron itong lungkot na tinatago.

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya
"Talaga? Kung ganun magaral ka ng mabuti Hana para matupad mo ang pangarap mo" Tugon ko. "At pag natupad muna ang Pangarap mong maging Reporter puntahan mo ako ha" Biro ko pa dito.

Nagulat ang bata dahil sa sinabi ko di niya seguro akalain na sasabihin ko yun,ilang Segundo lang ay bumalik nanaman ito sa pagiging palangiti.

"Opo ate Reporter pangako yan" sagot nito at tinaas pa ang kanyang kaliwang kamay ani'mong sumusumpa.

Ginawaran ko ito ng ngiti dahil sa ginawa niya, nakakatuwa ang batang 'to.

"Hana may kaunting katanungan lang ako mamaya na sasagutin mo ha" Paliwanag ko dito. " Huwag kang mahihiyang sagutin ang mga tanong ko, kung nahihiya ka isipin mo nalang na tayo lang ang tao dito ha" Lumapit ako sakanya para mas marinig niya ang tatanong ko mamaya.

"Opo ate aayusin ko po para pag pinanood ni itay ay matuwa siya sakin" Sagot naman nito at iginala niya ang kanyang mga mata sa mga stuff namin na inaayus lahat lahat para mag simula na, bakas sa mata niya ang mangha dahil makikita mo sa mga mata niya na kumikinang ito na parang isang bituin sa kalawakan.

Nag simula na ang Interview namin, maayos naman ang takbo at pagsagot ni Hana, may mga nakukuwento pa siya tungkol sa buhay nila, nandon parin ang bibo niya sa pag sagot na ikinatuwa namin sakanya. Ang Project na ginagawa namin ay tutok sa kahirapan pero dimo mababakas sa mukha ni Hana alin man don ang kahirapan na nabanggit at napagdadaan nito. Kahangahanga.

Ngunit sa kalagitnaan ng Interview namin ay may katagang binitawan si Hana na ikinagulat ko at atomatikong nag si taasan ang mga balahibo ko.

"Galit ka ba sa mundo dahil ganyan ang buhay na meron ka?" Tanong ko

"Hindi po ate" Diretso niyang sagot na kina gulat ko dahil inaakala ko ay Oo ang sagot nito.
"Kahit kelan po dipo ako nagalit sa mundo, dahil po may nakapag sabi saakin na Patas ang Mundo Hindi ang Tao" Tumingin siya sakin at sabay ngiti.

Nang bitawaan niya ang salitang iyun ay nag Liwanag ang suot kung singsing na naka lagay sa index finger sa kanan kung kamay na ikinagulat ko.
Ngunit akala ko ay don na mag tatapos ang lahat ng pangamba ko. Nang dahil sa lumiwanag ang singsing na suot ko ako lang ang nakakakita ng liwanag na iyun. Maliban na lang kung isa siya sa...

Pero laking gulat ko Nang tignan ito ni Hana at bakas sa mukha niya ang nagtatanong at gulat na tingin.

"Ate bat nasayo ang sising ng Mundo?"

Ikaw nga, ikaw na Hana ang susunod nawa'y mapag tangumpayan mo..

--------

HI DEAR PLEASE READ HER STORY THANK YOU IN ADVANCE

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 [𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀]Where stories live. Discover now