Author: yellowisme9
Title: My Love for You
Genre: Romance&Drama
Status: On-GoingPROLOGUE
Sabi daw nila,life is too short to ruin it.Eh pano kung simula palang nung bata ako wasak na ang buhay ko?
Hayyy kasalanan lahat ito ni papa ehh alam kong masamang sisihin ko ang aking sariling ama, pero anong magagawa ko? Puro galit ang nararamdaman ko sakanya.
Simula nung magkaisip kasi ako,minamaltrato na kami ni papa.Si mama at ako ang parati niyang pinag didiskitahan twing uuwi siya galing inuman.Kapag walang pagkain sa bahay, sinturon o hanger agad ang katapat mo.
Nung isang araw nga eh umuwi siya ng maaga at nung mga oras nayun hindi pa nagluluto si mama.Nakita niyang walang pagkain sa mesa ay sinabunutan niya si mama at nilublub sa inidoro.
Ang baboy diba?Pilit ko siyang pinipigilan nun sa ginagawa niya kay mama pero siniko niya ako ng napakalakas at nasubsob pako sa sahig.Kaya wala akong magawa kundi ang umiyak at umiyak.
Pagkatapos ng pag papahirap niya kay mama,umalis nanaman siya at paniguradong iinom nanaman yon.Mga ilang minutong pag iyak ni mama ay nilapitan niya ako,"Sa susunod na saktan ako ng papa mo wag na wag kang lumapit sa kanya,naiintindihan mo!?"napatungo ako ng bahagyang pag sigaw ni mama.
"Stella anak, makinig ka kay mama okay? Para sayo at sa kaligtasan mo ang sinasabi ko sayo,kaya wag mo nang ulitin iyon anak" paiyak na sabi niya"Pero ma,pinagtanggol lng namn kita kay papa!" hindi ko ma pigilang sumigaw dahil sa inis.
"Basta anak makinig ka nalang sakin, ayokong madamay ka at saktan ka ng papa mo" malumanay na sabi niya"Sorry ma" nakokonsensyang sabi ko.Niyakap niya lng ako at umiyak ulit.
Naawa ako kay mama dahil parati siyang sinasaktan ni papa.Iniimagine ko tuloy kung ano ang lagay niya nung pinagbubuntis niya palang ako.Paano kaya niya ako pinrotektahan para mabubay ako? Hayy
Habang lumalaki ako ay mas lumalala ang pang aabuso ni papa.Lalo na nung nag dalaga na ako.10 taong gulang ako ay hinihipuan ako ni papa.Minsan ay hinahalik halikan niya ako.
Kinukwento ko kay mama ang pinanggagawa sakin ni papa pero wala rin siyang magawa para pigilan si papa dahil siya nanaman ang sasaktan nito
Isang araw habang nag lalaba ako, umuwi nanaman si papa ng lasing bago siya pumasok nakita niya akong nag lalaba at nakita ko ang mata niya na parang nag liyab.
"Stella! Halika nga dito, pilian moko ng damit na susuotin ko dun mo sa kwarto ilagay!" pasigaw na utos niya."Sige pa,susunod po ako sa taas"labag sa loob kong sabi.
Pumasok na siya at umakyat sa kwarto.Mabilis kong binanlawan ang labahin ko at baka magalit nanaman iyon.Pagkatapos ko nun ay umakyat naako.
Kumuha ako ng damit na tuyo na sa sampayan at pumunta na sa kwarto.Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok."Pa,ito napo yung damit niyo" malumanay na sabi ko."Pumasok ka dito!" utos niya mula sa banyo.
Kaya pumasok ako at nilapag ang damit sa kama."Pa dito ko po sa kama nilapag yung damit mo!" hindi siya sumagot at lumabas lng siya sa banyo habang ang tuwalya niya ay nasa pang ibaba niya lang.
Aalis na sana ako nang bigla siyang tumakbo at dinakma ako. Hiniga niya ako sa kama at hinawakan ang dalawa kong kamay
"MAAAA!! MAAAA!!!" umiiyak na tawag ko kay mama habang si papa naman ay hinahalik halikan ang leeg ko."MAAAAAA!!" tawag ko ulit kay mama.
Narinig kong tumatakbo si mama"Ronaldo! Ano ang ginagawa mo sa anak ko!" dinig kong sigaw ni mama ngunit d parin tumigil si papa.
Kinuha ni mama ang walis sa gilid ng pintuan at pinaulanan ng palo si papa sa likod.Narinig kong umaaray si papa at nabitawan niya ako ng bahagya kaya may chance akong kumawala at sipain sya ng malakas.
Nung sinipa ko sya ay tumama ang likod niya sa aparador kaya naglaglagan at nabasag ang mga picture frame sa ibabaw ng aparador.
Tatakbo na sana kami ng pinalo ni papa si mama sa ulo kaya na tumba si mama.Hinila ako ni papa pabalik sa kama at pilit niyang hinuhubad ang damit ko.
Nang makarecover na si mama ay kinuha niya ang basag na picture frame at sinaksak sa likod ni papa.Kinuha niya ako at niyakap habang umiiyak.
Tatakbo na sana kami nang biglang dumating ang kapatid ni papa ni si tito Renan."Ano ang ginawa niyo sa kapatid ko!?" umiiyak na tanong ni tito Renan."Anong ginawa niyo sa kapatid ko mga hayop kayo! Tatawag ako ng pulis!! wag kayong umalis diyan mga kriminal!" galit na giit niya.
Magsasalita na sana ako kaso inunahan niya na ako"Wag mong subukang mag salita! Mga lintek kayo,Hindi katanggap tanggap tong ginawa nyo!"
Kaya hindi na kami nag salita maya maya pa'y dumating na ang mga pulis at ambulansya.Kinuha si nanay ng mga pulis at ako namn ay kinuha ng mga taga DSWD.
Ang sabi sakin ay patay na daw si papa dahil sa pagka saksak sabi ng isa sa mga madre, at dahil dun ay sinampahan daw ng kaso ni tito Renan si mama.
Dumating ang mga pulis at tinanong ako kung gusto ko ba daw mag salita tungkol sa nangyari.Kaya umoo ako dahil ayokong makulong si mama.
Dumating ang araw na magkakaharap kami sa korte ay nakita ko doon ang mga lola't lolo ko.Sa side ni papa at sa side ni mama.
Nung mag salita na ako kinuwento ko lahat lahat ngnangyari.Habang nag kukuwento ako, umiiyak ng umiiyak ang mama ko pati narin sina lola't lolo.
Ang kapatid naman ni papa ay masama ang tingin sakin.Natapos ang araw nayon ay hindi na kulong si mama.
Pagkatapos ng malapelikulang pangyayaring yon ay para kaming nakalaya sa isang hawla.Doon kami nanirahan kina lola't lolo kaya naman mas masaya ako.Kasama din namin ang kapatid ni mama na si tito Jose at mga anak at asawa niya
Akala ko simula nung araw nayon ay magiging payapa na ang buhay namin at wala nang problema,pero nagkakamali pala ako dahil hindi pa natatapos ang lahat ng yon.
Habang nasa eskwelahan ako bigla na lamang tumakbo papunta sakin ang isa sa mga staff sa eskwelahan at sinabing"Stella!Stella! yung mama mo sinugod daw sa hospital!"parang sinaksak ako sa ulo ng marinig ko yon.
Dali dali kong kinuha yung mga gamit ko at tumakbo sa sinabing hospital."Nurse! pwede po bang malaman kung saan si Josefina Salves?" tanong ko sa Nurse."Nasa Bed 10 po sya ma'am"
Hindi nako nahirapang hanapin iyon dahil nasa tabi lng namn namin ito.
Pagpasok ko andyan ang doctor at Nurse na nag checheck sa kanya."Doc ano pong nangyari sa mama ko?" nagaalalang tanong ko sa doctor."May nag dala sa mama mo dito dahil nahimatay daw habang nag tatrabaho.We just checked your mom and we saw a lump on the armpit side of her breast.It is a sign of disease"medyo malungkot na saad ng doctor.medyo lng namn.
"Ano po yun doc?" nag aalalang tanong ko."I'm sorry to say this but your mom has cancer,Stage 3 breast cancer"
Para akong binagsakan ng malaking malaking bato sa ulo at d ko na alam ang gagawin ko.....
------------------------------------------------------
PLEASE READ HER STORY THANK YOU IN ADVANCE
YOU ARE READING
𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 [𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀]
ActionHello everyone. I just want to Promote my Co-Writers Story so i hope you can notice it.