Mystery In Bloomingdale

49 4 2
                                    

Author: MyPlayfulMind
Title: Mystery In Bloomingdale
Genre: Mystery/Thriller
Status: On-Going

Author: MyPlayfulMindTitle: Mystery In BloomingdaleGenre: Mystery/ThrillerStatus: On-Going

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PROLOGUE/SYNOPSIS

"Bakit ba tayo nandito?" Tanong ko sa dalawang kaibigan ko.

"Ewan ko diyan kay, Betty. Gusto pa dito mag-usap." Sabi ni Daisy. Ang isang palad ay naka-takip sa butas ng kanyang ilong.

Nandito kasi kami sa mabahong likod ng senior high building. Kung saan maaamoy mo ang ihi ng mga lalaki. Bakit lalaki? Kasi sila lang naman palagi ang nahuhuli ko dito na nagpapataasan ng ihi. Mga walang good manners!

"Kasi..." Umpisa ni Betty.

"Kasi ano?"

"Kagabi hindi ko sinasadyang pumasok sa bahay ni Mang George at..."

"At?" Tanong sa kanya ni Daisy.

"Nakita ko sa loob ng bahay niya si Alora."

"Ano? Nakita mo si Ate sa bahay niya? Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?" Hindi maka-paniwalang tanong ko.

"Baka naman guni-guni mo lang 'yan, Betty. Matagal ng patay ang Ate ni Keira. Matagal ng patay si Alora." Sambit ni Daisy.

"Buhay siya. Kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko na nasa loob siya ng bahay ni Mang George at nakakulong sa isang kuwarto. Tutulungan ko sana siyang maka-alis sa pagakaka-kadena niya sa kama. Kaso dumating na si Mang George. Pero sinabi ko sa kanya na babalikan ko siya. Tutulungan niyo ba ako? Lalo kana Keira. Ate mo 'yon."

"Seryoso ka ba talaga? Si Ate ba talaga ang nakita mo? Baka naman asawa niya 'yon o kaya anak ni Mang George ang nakita mo."

"Asawa? Sino may sabing may asawa at anak si Mang George e' tumanda siyang binata. Tsaka ikukwento ko ba ito sa inyo kung hindi totoo. Kailan pa ako nag-sinungaling? Huh? Isipin niyo nga. Nag-sinungaling ba ako sayo Daisy noong sinabi ko na gusto ka ni Jiro at ngayon boyfriend mo na siya."

Hindi umimik si Daisy sa tabi ko.

"Ok! Ok! Fine. But we need to make a plan."

Sabay silang tumango ng dalawang beses sakin.

Pagkatapos ng huling klase sa araw na ito ay agad kaming nag-tungo sa harapan ng bahay ni Mang George na mayroong tatlong palapag.

"Ang laki talaga ng bahay niya." Tiningala pa ni Daisy.

"Mamaya pa uwi non kaya pumasok na tayo habang maaga pa." Sabi samin ni Betty.

Binuksan ko ang mababang gate kasi hindi naman naka-lock. Ganoon rin ang pinto na pinihit ko lang ang doorknob at bumukas na.

"Kampante siya na hindi naka-lock ang gate at pintuan niya. Siguro dahil akala niya walang magnanakaw na papasok dito sa bahay niya." Sabi ko na ikina-tango sakin ni Betty.

"OMG!" Tili ni Daisy na halos ika-gulat namin ni Betty. Tiningnan namin kung saan siya nakatingin at doon pala sa deer head na nakasabit dito sa living room.

"Pwede ba huwag ka tumili."

"Sorry! Akala ko kasi buhay. Mukha pa namang buhay." Pagka-sabi non ni Daisy sakin ay dumikit siya sa tabi ni Betty.

"Sa pangatlong palapag ako maghahanap. Ikaw Daisy dito sa baba. Ikaw Betty sa pangalawang palapag."

"Copy!" Sabi ni Betty.

Nag-umpisa na nga kami sa paghahanap sa Ate Alora ko at ginalugad ko na ang buong third floor. Ngunit ni anino ng Ate ko ay wala akong nakita.

Apat na minuto na ang lumipas. Suko na ako. Baka naman trip lang ako nitong si Betty. At gusto lang kami idamay ni Daisy sa hunting treasure niya. Kasi mahilig siya sa adventure. Bumaba na ako sa baitang ng hagdan at habang pababa ako nakatayo ng pa-harap sina Daisy at Betty sa direksyon ko.

"Ba't ganyan kayo. Ayaw niyo gumalaw. Mukha kayong tuod." Tatawa na sana ako kaso hindi ko natuloy ng pag-lingon ko sa nakabukas na pinto. Nakatayo si "Mang George." Parang wala sa sarili kong sabi at ngumiti pa ako sa kanya.

Lagot na.

And now we are here at the Bloomingdale police department.

Kaming tatlo ay naka-upo sa sulok. Parehong nakayuko ang ulo ng dalawa kong kaibigan. Samantalang ako ay nakatingin sa Mama ko na kausap si Mang George. Karga pa sa bisig niya ang apat na taong gulang na kapatid kong lalaki. Hindi ko masyadong marinig ang usapan nila kasi malayo sila samin.

"Makukulong ba tayo?" Tanong sakin ni Daisy na nag-angat na ng ulo. Kasi kanina ay iyak siya ng iyak. Nilingon naman siya ni Betty.

"No. Si Betty lang ang makukulong kasi siya ang nag-pahamak sating dalawa." Sagot ko.

"So galit ka sakin?" Si Betty na napunta sakin ang tingin.

"What do you think? We are here in jail now because you said you saw my sister at Mang George's house who was dead two years ago. At ako naman itong uto-uto na naniwala naman sayo." Medyo pa-sigaw na sabi ko sa dulo.

"Kasi nakita ko talaga siya. At hindi ako marunong mag-sinungaling!"

"Blah! Blah! Blah." Tinakpan ko pa ang dalawang tainga ko ng mga palad ko.

"Huwag na kayo mag-away. Please!" Sabi samin ni Daisy na nakaupo sa gitna naming dalawa. Inirapan ako ni Betty at ganoon rin ako sa kanya.

"Girls! Stop." Sigaw samin ni Mama. papalapit sa puwesto namin. Bumaling ang atensyon niya kay Betty.

"Betty sana sa susunod hindi na ito maulit. Matagal ng patay ang anak ko."

Tahimik lang si Betty at nakatingin sa malayo. Pumasok ang Mama ni Betty dito sa police department. Ganoon din ang Papa ni Daisy na kapwa makikita sa mga mukha nila ang pag-aalala. Ngayon na nandito na ang mga magulang ng kaibigan ko. Aalis na kami ni Mama.

Sakay ng kotse namin at si Mama ang nagmamaneho. Nakaupo ako dito sa backseat. Nakatingin sa labas ng bintana. Nadaanan ng kotseng ito ang bahay ni Mang George. Halos mabali na ang leeg ko kasi tiningnan ko talaga ang paligid ng bahay.

The town of Bloomingdale's is a green spot. I mean the green spot is grassy places and lots of tall trees. And I would rather live here than in the city because of the quiet place. And clean breeze.

Pinarada na ni Mama ang kotse sa labas ng di-kalakihang bahay namin. Karga niya ang kapatid ko ng lumabas ng kotse. Lalabas narin sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng maikling paldang suot ko.

Pagkapa ko sa cellphone ko na nasa bulsa ng palda ko ay may isa parin akong bagay na nakapa. Nang kunin ko iyon ay etong bagay na ito pala ang tanging nakita ko sa bahay ni Mang George kanina. Ang kuwintas na may nakasabit na bawat letra ng pangalan ni Ate.

I still remember that I gave Ate Alora this necklace as a gift on her eighteen birthday. And I can't be wrong.

Patuloy parin sa pag-tunog ng paulit-ulit ang cellphone ko. Kaya sinagot kona ang kung sinong tumatawag. "Hello?"

"Ako 'to, Keira. And I'm sorry sa pagpapahamak ko sa inyo ni Daisy kanina. I admit how stupid I am. At baka nga siguro guni-guni ko lang ang nakita ko. Baka hindi talaga si Ate mo 'yon. Kaya sana ma-patawad niyo na ako. Si Daisy kasi hindi parin sinasagot ang tawag ko. Mukhang galit parin sakin. And I am glad you answered my call. Sana hindi kana galit?"

"Betty. Babalik ulit tayo sa bahay ni Mang George. Not now pero babalik tayo." Mariin kong sabi sa dulo. Alam kong may sasabihin pa sana siya kaso pinatayan ko na ng cellphone.

—————

PLEASE READ HIS STORY THANK IN ADVANCE.

𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 [𝗣𝗿𝗼𝗺𝗼𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀]Where stories live. Discover now