"Bub, gising na. Nandito na tayo sa bahay niyo," he woke me up.
Hindi ko namalayang nakatulog na nga ako bago pa kami makasakay sa kotse. Argh, parang ang sleepy ko lately. Dahil kaya sa gamot na iniinom ko?
Hay, never mind. I think I need to tell Mama na I already have a jowa. For sure, magiging masaya siya.
"Ah, nandito na pala," I rubbed my eye.
Lumabas si Gio at lumipat sa side ko. Nakaupo ako sa passenger seat. How can a man be this courteous? Napaka-manly ng dating niya. He even opened the door for me. Sobrang rare ng ganoong klase ng lalaki.
"Tara, bub," he assisted me in going out. "Antok ka pa?"
He wrapped my shoulders around his arm. Sakit ng ulo ko sa biglaang paggising ko. Ito naman kasing jowa ko ginising ako agad, grr.
"Oo, napuyat ako kagabi. May case study na naman kasi," minasahe ko ang sentido ko.
"Oh, Ma?" Lumapit ako sa kanya at bumeso pagkapasok namin sa bahay.
"Hi po, tita," nagmano naman si Gio sa kanya.
I breathed in to gain courage to tell my mom na kami na ni Gi.
"Ma, may sasabihin ako," binulong ko sa kanya.
"Ano 'yon?" Tanong niya.
"Kami na ni Des... I mean, ni Gio," I was waiting for her reaction.
"Oh, e 'di, good! Ikaw Gio, ah, 'wag mong papabayaan ang anak ko. Nag-iisa lang 'yan," ngumiti si Mama.
"Opo naman, tita. Mahal na mahal ko yata 'tong anak niyo?" Inakbayan ako ni Gio.
Mukhang masaya si Mama kasi finally, may makakatulong na siya sa pagbabantay sa'kin. At least, kapag hindi kami magkasama, kampante na siya at mayroong mag-aalaga sa'kin kapag wala siya diyan para gawin 'yon. Miss na miss ko na tuloy si Papa. Siya kasi dati ang gumagawa no'n noong maliit pa lang ako, e.
Ayaw kong maiyak!
In fact, kampante rin naman talaga ako kay Gio o kay Desmiero, e. He always makes me feel loved, as in super duper loved. Hindi ko alam kung ako ang swerte sa kanya dahil he's almost perfect, o siya ang swerte sa'kin kasi talagang perfect ako? Just kidding. Of course, we're lucky to have each other.
Dito na sa bahay nag-dinner si bubby. After no'n ay umuwi na rin siya. Bago siya umalis ay niyakap ko siya nang mahigpit dahil for sure, mami-miss ko kaagad siya. I embraced him like a teddy bear.
I went back inside at umakyat na sa kwarto para matulog. It was a really tiring day. Wala naman ako gaanong ginawa, pero sobrang pagod ako. I need a 10-hour sleep.
The next day, pinapunta ako ni Gio sa clinic daw ng mommy niya na pamangkin niya in reality. Ang weird naman no'n, tatawagin niyang mommy 'yung pamangkin niya. Anyway, he asked me to go to the clinic of real Gio's mom. Big time pala talaga pamilya nila, ang saya sigurong maging member.
Oh no! I realized na makikita ako ng mommy niya. I need to dress up! Nakakahiya naman kung darating ako roon na hindi prepared or mukhang pangit. Argh!
"Ma, bagay ba sa'kin 'to?" I called her to check if what I'm fitting looks good.
Madali siyang pumasok sa kwarto ko para tingnan kung bagay nga sa akin.
"Bagay naman sa'yo kahit ano, anak. Ang importante, ipakita mo 'yung kagandahan ng kalooban mo," she advised.
May point naman si Mama pero iba pa rin kapag presentable.
"Sa bagay, Ma. Tama ka naman do'n pero gusto ko kasi maganda damit ko, e," umupo muna ako sa gilid ng kama.
"Sa'n ba kasi punta mo?" Tanong ni Mama na naghahanap na ngayon ng magandang maisusuot sa loob ng cabinet ko.
YOU ARE READING
If Yesterday Is Tomorrow
RomanceThe love raging between Desmiero and Calissa cannot be illustrated by anyone. Their love was immeasurable indeed. Even death did not stop the love that they both had, but it made them stronger and more inseparable.