This story is purely fictional. Information regarding the scenes are a product of the writer's imagination.
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Calissa's Diary
January 5, 2016
Calissa Maurielle Montealegre"'Ma, pasok na po ako!" Paalam ko sa nanay kong busy na naman sa pagluluto ng palitaw na ilalako niya mamaya.
"Ingat ka, 'nak!" Pagpapaalam niya sa 'kin habang paalis na ako.
Lumabas na ako ng bahay namin at sumakay na ng tricycle. Ang saya-saya! Tapos na ang Christmas break namin at makakapasok na uli ako sa school ko at makikita ko na uli ang mga kaibigan ko! Sigurado akong miss na rin nila ako.
Nilasap ko ang lamig ng hangin na dumadaplis sa mukha ko dahil pasikat pa lang ang araw. Napangiti ako habang pinapanood ang kapaligirang napakatahimik at napakapayapa. Sana laging gan'to.
"Para po!" Kinalabit ko ang tricycle driver nang makarating sa tapat ng school namin. Nginitian ko siya at ganoon din ang ginawa niya sa 'kin
Pagkababa ko roon ay sumikat na ang araw at marami nang tao sa labas ng paaralan. May mga magulang na naghahatid sa mga maliliit nilang mga anak, mga nagbebenta ng fishball na kay aga-aga pa ay dinudumog na ng mga tao, at mayroon ding mga naglalakad lang ng naggagandahan nilang mga aso.
"Aray!" Sigaw ko nang may mabangga ako. Nagsilaglagan ang mga dala kong gamit, nakakainis! Hindi naman kasi tumitingin ang taong 'to sa dinaraanan niya!
"Paumanhin, binibini," paghingi niya ng tawad.
Habang tinutulungan niya akong pulutin ang mga nalaglag kong gamit ay huminto ang pag-ikot ng mundo at napatitig ako sa mukha niyang parang anghel na nahulog sa langit! Ang guwapo!
"Ah, okay lang po," natulala ako sa ganda ng kan'yang mga matang tila dinadala ako sa ibang mundo.
Pagkabalik niya sa akin ng mga gamit ko'y nagpaalam na rin siya kaagad na parang nagmamadali't may pupuntahan. "Ah, salam-" Sabi ko nang bigla siyang umalis. Ni hindi na nakapagpaalam.
Suot-suot niya ang sumbrero niya't nakayukong lumakad papalayo sa akin kaya naman nagtaka ako kung bakit. Wanted ba siya? Weird.
Pumasok na ako sa gate ng school namin at didiretso na sana sa classroom ko nang makitang naroon ang kaibigan kong si Ashley. Niyakap ko siya dala ng pagka-miss namin sa isa't-isa. Sabay na rin kaming tumuloy sa classroom namin.
Pagsapit ng pangalawang subject ay hindi ko namalayang hindi ko na napapakinggan ang lesson dahil sa sobrang antok ko na parang dinala na ako sa ibang lugar na ngayon ko lang nasilayan at napuntahan.
Dahan-dahan akong nahulog sa panaginip na parang hindi ko na nanaisin pang magising. Binalot ng hiwaga ang katawan ko at kagila-gilalas ang tanawing napagmasdan ko. Parang may tumatawag sa pangalan ko't hindi ko maiwasang sundan.
"Nasa'n ako?" Tanong ko sa sarili ko habang dahan-dahang naglalakad sa isang magandang hardin na may nagkikinangang mga lambana.
Nakatingin ang maliliit na lambanang 'yon sa 'kin na parang natutuwa't kinikilig. Nasa loob sila ng bulaklak na mas malaki pa sa kanila at parang sinabuyan ng glitters ang paligid nila. Nakakatuwa!
YOU ARE READING
If Yesterday Is Tomorrow
RomanceThe love raging between Desmiero and Calissa cannot be illustrated by anyone. Their love was immeasurable indeed. Even death did not stop the love that they both had, but it made them stronger and more inseparable.