Ikatlong Kabanata

25 1 29
                                    

[Calissa's POV]

“Ma,” umupo ako sa hospital bed at niyakap ang nanay kong umiiyak. “Nandito na uli ako!”

Hinalikan niya ang noo ko at hinaplos ang ulo ko habang patuloy pa rin siya sa pagluha. Nakakadurog ng pusong malaman na habang nagpapakasaya ako sa lugar na hindi ko naman talaga gaanong alam, nandito ang nanay kong aligaga sa pag-aalaga sa akin.

“Buti naman at gising ka na. Miss na miss na kita, anak. Akala ko hindi ka na magigising,” hinawakan niya ang kamay ko.

“Bakit po, 'Ma? Ano po ba talaga ang nangyari sa'kin?” Inangat ko ang katawan ko para mas maayos na makaupo.

“Hindi mo siguro matandaan na nasagasaan ka doon sa harap ng school niyo noong susunduin kita. Pagkadala ko sa'yo dito, sabi ng doktor na na-comatose ka na,” ipinaliwanag niya.

“Pero 'Ma, nakita ko pa po si Papa,” sabi ko, gulong-gulo pa rin sa nangyayari sa akin.

Nanlaki ang mga mata niya't pinunasan niya ang luha sa mukha niya, “matagal nang wala ang Papa mo, 'di ba?”

“Pero nakita ko po talaga siya. Tapos after ng isang araw, kinuha na raw po siya sa langit,” pagsasalaysay ko.

“Baka naman nananaginip ka habang nandito. ka sa kama mo.”

“Hindi, 'Ma. Hindi puwedeng nananaginip lang ako kasi parang totoo talaga. Isang linggo nga po akong doon natutulog, e.”

“Isang linggo? E tatatlong araw ka lang ngang na-coma,” tinawanan niya lang ako.

“Ewan ko, 'Ma. 'Wag na nga po nating isipin. Naguguluhan lang tayo pareho,” nginitian ko lang siya. “Uwi na po tayo, miss ko na palitaw niyo.”

Umalis muna si Mama para ayusin ang bill pati ang mga discharge papers. Alam kong hindi pa dapat ako umalis dito dahil kakagising ko lang pero pinilit ko si Mama na umuwi na kami. Para akong lalong magkakasakit sa ganitong klaseng environment.

“Sure ka bang kaya mo na?” Tanong sa akin ni Mama pagbalik niya sa kwarto ko.

“Opo naman. Ako pa ba?” Ngumisi ako.

Lumipas ang ilang araw, ilang linggo, ilang taon. Tatlong taon na agad ang lumipas. Tatlong taon na rin nang ma-coma ako at makitang muli si Papa. After that, hindi na siya muling nagpakita sa panaginip ko kahit si Desmiero. Kataka-taka lang kung bakit.

Hindi kaya nakaakyat na rin siya sa taas kaya naman hindi na abot ng connection namin? Masyado na ba siyang malayo? Ang sakit tanggapin kung totoo nga.

“Aray,” sigaw ko nang may makabangga sa akin. Nagsilaglagan tuloy ang mga papers na dala ko.

“Sorry po,” sabi ng nakabangga sa akin.

Tinulungan niya akong pulutin ang mga papel na iyon at habang tumutulong siya ay sinusubukan kong tingnan ang mukha niya pero natatakpan ng sumbrero iyon. Parang sinasadya niya pa nga talagang takpan, e. Baka naman conscious dahil sa ganda ko?

“Okay na. Thanks po,” nginitian ko siya nang makuha na namin lahat ng mga nalaglag na papel.

Bigla na lang siya umalis nang walang sinasabi. Napaka-creepy naman no'n. I find it funny that this exact same situation happened years ago. The only difference is the place where it happened.

Bahala na nga! Baka ma-late pa ako nito sa klase ko. First day of classes pa naman ngayon. Tatlong taon na nga pala akong college pero bakit kada taon, pakiramdam ko freshie ako?

“Issa!” Niyakap ako ng kaibigan kong si Ashley.

Niyakap ko rin siya at umupo sa upuang ni-reserve niya para sa'kin. Medyo maaga ako nakarating kaya naman hinintay pa naming dumating ang bago naming prof.

If Yesterday Is TomorrowWhere stories live. Discover now