Leizelle's POV
Haha title sa wakas natapos din ako sa assignments ko! Leche kasi andaming pinagawa hindi naman nagtuturo,leche ka self ayos lang yan atleast may natutunan self study kumbaga kaya okay na yun. At dahil tapos na ako gumawa ng mga assignments ko,niligpit ko na ang mga gamit ko at nahiga na sa kama.Nakaharap ako ngayon sa side kung nasaan yung bintana namin kaya kitang-kita ko yung buwan,bilog na bilog ito at maliwanag din kaya ang ganda pagmasdan. Maya-maya pa ay dinalaw na ako ng antok at nakatulog na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako na madilim ang buong paligid,eh? Di naman ganito kadilim yung kwarto ko bago ako matulog ah,anong oras na ba at sobrang dilim. Humakbang ako at hindi sahig ang inaapakan ko,what the fuck? Damo ba yung nararamdaman ko? Kailan pa nagkadamo sa bahay? Taena this is getting a bit weird. Kahit madilim ay nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad haha title di na nakakatuwa toh hayeop,di naman sa takot na ako,weird lang talaga tsk.Maya-maya pa ay unti-unti ko nang naaaninag ang paligid,teka park? Nasa park ako? May mga benches kasi tapos may lake,gabi pa rin dahil kita ko pa rin yung mga bituin pati na yung buwan. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa may nakita akong pigura ng mga tao at bata. Batang babae yung nakikita ko at nakatingin siya sa isang binata at nanlaki yung mata ko habang nakatingin dun sa binata,sakal-sakal siya ng isang lalaki na naksuot ng itim na cloak habang yung isa hawak-hawak yung batang babae na umiiyak na,yung dalawa naman nanonood lang pero mapapansin mong nakangisi sila.
"Kuyaaaa! Kuyaaaaa!" Sigaw nung batang babae habang pilit na kumakawala sa hawak sa kanya nung lalaki.
"P-pakiusap w-wag nyong kunin a-ang k-kapatid ko" pagmamakaawa nung binata at base sa pagsasalita niya,hirap na siyang huminga. Nakakapagtaka nga na kahit nakatayo ako dito hindi nila ako napapansin.
"Kailangan namin ang kapatid mo kaya dadalhin namin siya,habang ikaw naman ay aking papatayin na dahil lagi kang sumasagabal sa plano namin,pati na rin ang pamilya mo!" Sigaw nung lalaking nakacloak at lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa binata.
"Kuyaaaaaa! Tama na po,wag niyo po saktan si kuya!" Sigaw nung batang babae habang umiiyak,napakuyom na lang ang mga kamao ko gusto ko sila lapitan pero ayaw gumalaw ng katawan ko tangina.
"Dadalhin na namin ang kapatid mo at papatayin na rin kita." Nagulat na lang ako ng biglang may lumabas na itim na kung ano sa kamay niya hanggang sa tumulis ito ng tumulis,teka balak ba niyang saksakin yung lalaki na yun?! Putangina! Hahakbang na sana ako pero huli na ang lahat. Sinaksak niya na direkta sa puso nito yung itim na patalim na nasa kamay niya,masyadong malaki yung patalim kung kaya't sakop yung buong dibdib nung lalaki sa pagkakasaksak sa kanya dahilan para bumuga siya ng dugo.
Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mga mata ko,bakit.....pamilyar yung lalaki? Bakit ako nasasaktan ng ganito,dahil ba naaawa ako sa batang babae dahil namatay na yung kuya niya? Bakit? Hindi ko naman makita ng malinaw yung itsura nung batang babae tangina.
Napatingin ako sa batang babae na tulala na lang dahil sa mismong harap niya pinatay ang kuya niya,tinanggal na nung lalaking nakacloak yung patalim kaya nahulog na yung lalaki sa damuhan........patay na siya putangina.
"K-kuya................KUYAAAAAAAA!" Sigaw nung batang babae at bigla na lang may nangyaring kung ano na di ko mapaliwanang at tumalsik yung mga lalaki.
"Shit! Kunin niyo yung bata,nagwawala na ang kapangyarihan niya." Sobrang lakas nung hangin dahilan para,matumba ako. Maya-maya pa ay nawala na yung hangin,tinignan ko yung batang babae na nakaupo sa tabi ng kuya niya,napapalibutan siya ng itim at puti na usok.
"K-kuya gumising ka po,sabi mo hindi moko iiwan kuya,ang daya mo naman eh. K-kuya g-gising na po." Humihikbing sabi nung bata habang hinahaplos yung mukha ng kuya niya,bakit pamilyar tong pangyayari na toh. Bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko,lungkot at galit ang nararamdaman ko basta yun ang alam ko. Akmang lalapitan na nung mga lalaki yung bata ng may mga grupo ng tao ang pumunta doon dahilan para umalis sila.
YOU ARE READING
Zauberei Academy
FantasyZauberei Academy is a school for teenagers with different special abilities located at the "Emerald Kingdom" that is one of the biggest kingdom among the 4 other kingdoms in the magic world Leizelle Vienix Lowell is one of the teenagers that is born...