Leizelle's POV
Maya-maya pa ay pumasok na si lolo sa portal kaya sumunod na rin kami ni zuriel,pagpasok namin ay nasa kagubatan pa rin kami pero sa lugar na toh umaga,well i guess magkaiba ang oras dito at sa mundo ng mga normal people.
"Ito ang enchanted forest at kadalasan ginagamit ito ng ibang magic users para makapunta sa mundo ng mga normal na tao." Pagpapaliwanag samin ni papa.
Nagpatuloy na sa paglalakad si lolo at ng makalabas kami sa kagubatan ay namangha ako sa ganda ng mundong toh,may iba't-ibang klase ng bulaklak na hindi mo makikita sa normal world,kakaiba din yung mga hayop na nandito may nakita pa nga akong Griffin at pegasus eh. Owemjiiiiii! Tinignan ko si zuriel para makita ang reaksyon niya at mukang namamangha rin siya.
"Nanggaling na tayo dito,pero nakalimutan ko na ang itsura ng lugar na toh kaya talagang nakakagulat." Sabi ni zuriel sakin,well tama naman siya dito kami ipinanganak kaya lang matagal na rin kaming umalis dito kaya hindi na rin namin matandaan.
"Manatili muna tayo dito dahil paparating na rin si apollonio,siya ang maghahatid satin sa emerald kingdom." Sabi samin ni lolo. Sino kaya yung apollonio?
"Si apollonio ang anak ng matalik na kaibigan ng iyong lolo." Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa isipan ko,hala owemji!
"Pasensya na kung nagulat kita,ako ito si alasne at kausapin mo ako sa pamamagitan ng iyong isipan." Aaaaa,si alasne pala,kaya pala pamilyar yung boses eh.
"Pwede pala makipag-usap gamit ang isip?" Pagtatanong ko sa kanya pero siyempre sa isip ko lang.
"Oo naman,pwede ring malaman ng iba ang iniisip mo kung gugustuhin nila." Hala shet,pwede pala yun.
"HAHA,oo kaya pero may paraan naman para hindi nila malaman ang iniisip mo,mag imagine ka lang ng isang malaking harang sa isip mo at hindi na nila malalaman yun." Aaaa,ganun pala. Ginawa ko yung sinabi niya dahil baka biglang pasukin ni zuriel ang isip ko,owemji!
Maya-maya pa ay may dumating na isang,ano ba ulit tawag dito? Ah karwahe ayun! Naririnig ko lang sa fantasy movies yun ehe.
"Pasensya na po kung natagalan ako,kinailangan ko pa po kasing ipaayos ang karwahe ko." Paghingi niya ng sorry kay lolo.
"Ayos lang hijo,kararating lang din naman namin dito,o siya tara na." Tumango si apollonio at sumakay na si lolo sa karwahe kaya sumakay na rin kami,malaki yung karwahe kaya kasya naman kaming lahat,bukod pa dun napansin kong ang lalaki nung mga kabayo as in malaki!
Maya-maya ay umandar na ang karwahe,katapat ko si zuriel at nakatingin kaki sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko.
"Habang nandito tayo ay ipapaliwanag namin sainyo ang mga bagay na nandito sa magic world." Pagsasalita ni tita marielle.
"Una,merong 5 kaharian dito sa magic world at isa na dun ang emerald kingdom which is the biggest kingdom among the others." Wow so yung pupuntahan pala namin eh yung kaharian na pinakamalaki sa iba pang kaharian,owemji!
"Ang mga 5 kaharian ay ipinangalan sa iba't-ibang crystals,kaya emerald ang ipinangalan sa kaharian na tinitirhan natin." Pagsasalita naman ni mama.
"Bawat kaharian ay may iba't-ibang uri ng mga magic users. Sa sapphire kingdom karamihan ng nakatira doon ay mga sirena at mga water magic users sila at sila ay nasa silangang bahagi ng magic kingdom. Sa diamond kingdom nakatira ang karamihan sa mga ice magic users. Ice magic users kami ngunit hindi kami doon nabibilang dahil ipinanganak na kami sa emerald kingdom,ang diamond kingdom ay matatagpuan sa norteng bahagi ng magic world." Pagsasalita naman ni tita,wow! Ganito pala dito owemji! Astig!
YOU ARE READING
Zauberei Academy
FantasyZauberei Academy is a school for teenagers with different special abilities located at the "Emerald Kingdom" that is one of the biggest kingdom among the 4 other kingdoms in the magic world Leizelle Vienix Lowell is one of the teenagers that is born...