Chapter 2

11 1 0
                                    

Leizelle's POV

Nang makapasok na kami sa loob ay dumiretso na kami ni riel sa locker area para kunin yung mga kakailnganin naming mga books achuchu,and oo na pala nakalimutan ko ipakilala sa inyo si zuriel.

Zuriel Mathias Trevino ang full name niya,and 17 years old na rin siya gaya ko,mas matanda nga lang siya sakin ng isang buwan. Bestfriend ko na siya since nung mga bata pa kami at magkaklase na rin kami. Pano kasi kapag nahihiwalay siya sakin talagang gagawa siya ng paraan para maging magkaklase kami leche.

So yeah napakilala ko na siya,yun na yon. Bigla ko namang naramdaman na naiihi ako owemji! Tangina huhuness.

"Riel,iihi lang ako saglit mauna ka na sa classroom." Sabi ko,may sasabihin pa sana siya pero hindi ko na siya pinatapos dahil tumakbo na ako papunta sa banyo.

Pagpasok ko,tumambad sakin yung mga babaeng nagkukumpulan sa lababo dahil nga nagmamakeup sila,tsk.

Nakahanap naman ako agad ng cubicle at umihi na agad,paunti na ng paunti yung mga babae dun hanggang sa ako na lang mag-isa.

Pagkalabas ko ng cubicle ay pumunta ako sa lababo para maghugas ng kamay,habang naghuhugas ako napatingin ako sa salamin at nanlaki yung mata ko sa nakita ko........... yung mga mata ko HINDI SILA KULAY ITIM OWEMJI! KULAY PULA SILA! ay wait pula sila na may halong...gold ba toh? Leche naman!

Inilapit ko ang mukha ko sa salamin,hala shems bakit ganito yung mata ko? Ipinikit ko ito saglit pagkatapos binuksan ko ulit at bumalik na siya sa kulay itim. What the hell just happened? Iniwaksi ko na lang sa isip ko yun dahil baka guni-guni ko lang. Tama puyat kasi ako tsk.

Lumabas na rin ako sa banyo at dumiretso agad sa classroom,di pa ako nakakapasok rinig ko na yung ingay ng mga kaklase ko which means wala pa yung teacher namin. Haysst bute naman.

Pagpasok ko ay dumiretso na ako sa upuan ko katabi ni zuriel,isinandal ko ang likuran ko sa upuan at ipinatong yung paa ko sa arm chair. Ano ba kasi yung nangyari kanina eh.

"Oy gago ka,makita ka ni maam na ganyan ang upo." Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya pagkatapos ay ipinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Zuriel,may sasabihin ako sayo." Ibinaba ko na yung mga paa ko at umayos nang upo pagkatapos sineryoso ko yung mukha ko.

"Looks like it's a serious matter huh? Nakakakaba ka naman lei." Sabi niya,sanaol nageenglish.

"Riel,yung mata ko kanina,nag-iba yung kulay." Kumunot naman yung noo niya sa sinabi ko.

"Nag-iba? Pano nangyaring nag-iba?" Haha title ka zuriel diko rin alam leche.

"Aba malay ko,basta kanina naging kulay pula yung mga mata ko na parang may halong gold achuchu." Nawala naman yung kunot ng noo niya at nakita kong parang yung mukha niya kinakabahan na ewan. Para siyang natatae amputa.

"Hahaha,lei baka guni-guni mo lang yan hahaha puyat ka kagabi diba?" Sabi niya na parang pilit pa yung tawa niya,leche ang weird niya ngayon.

"Ewan,siguro nga guni-guni ko lang yun. Aiisshhh kalimutan mo na lang puyat lang ako." Sakto naman na dumating na yung teacher namin at nagsimula nang magturo. Napatingin ako kay zuriel na hindi nakikinig at malalim ang iniisip,iniisip pa rin ba niya yung sinabi ko kanina?

Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig na lang sa teacher namin. Nang matapos na magturo ay parang lutang si zuriel may next class pa kaya nagdadaldalan muna yung mga kaklase ko habang wala pa ang teacher namin.

"Oy,zuriel tangina ano ba iniisip mo,kanina pa kita napapansin na malalim yang iniisip mo eh." Saglit siyang napatingin sakin at ngumiti.

"Wala iniisip ko lang kung ano ba pwedeng kainin mamaya,steak ba o curry?" Putang-- wala pa ngang break time tapos nasa isip niya pagkain agad?

Zauberei Academy Where stories live. Discover now