Chapter 3

9 1 0
                                    

Leizelle's POV

"Bakit? Alam mo ba ang ibig-sabihin nun?" Tanong ko kay zuriel dahil hanggang ngayon nakahinto pa rin siya sa paglalakad.

"Ano ulit sabi mo? Guardian spirits?" Seryoso niyang tanong.

"Oo guardian spirits,hindi ko nga maintindihan kung ano yung ibig-sabihin nila eh,putcha." Hayssst ano ba kasi yung panaginip na yun eh,ang weird na talaga.

"HAHAHA,naku naku kakapuyat mo nagiging weird na tuloy mga panaginip mo HAHA!" Sinimangutan ko naman siya,tsk ang dami ko nang iniisip tapos dumagdag pa toh tapos tinatawanan pa ako ni zuriel tangina,nakakagago.

"Nevermind,umuwi na lang tayo." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad,sinabayan naman ako ni zuriel kaya napasulyap ako sa kanya at nakita kong seryoso ang itsura niya at mukang malalim ang iniisip.

Zuriel's POV

Nung tinanong niya ako kanina kung alam ko ba yung ibig sabihin nun,sa totoo lang alam ko talaga dahil meron din ako nun aster naman ang pangalan niya,isa siya sa mga guardian spirits para sa mga ice magic users. Ah basta kailngan ko na talaga tong sabihin kay tita at tito.

Hinatid ko muna si Leizelle sa bahay nila dahil nga kakausapin ko din ang parents niya,nagsisimula nang magpakita ang kapangyarihan niya. At hindi ito maganda dahil hindi pa naman niya alam kung paano toh gamitin.

"Makakaya naman ni leizelle yan,wag kang mag-alala." Nagulat ako sa boses na biglang nagsalita pero narealize ko na si aster pala yun.

"Wag kang nang gugulat ng ganun aster." Sabi ko sa kanya sa isipin ko,tinawanan naman ako ng loko na toh.

"Pasensya na hindi ko sinasadya basta magtiwala ka lang kay lei alam mo naman na hindi yan basta basta sumusuko kaya alam kong kakayanin niyang kontrolin yang kapangyarihan niya." Hayst,hindi naman ako dun nag-aalala matagal ko ng alam na kakaiba kami ni lei sa mga nakakasalamuha namin dito,natatakot ako na magalit siya sakin dahil inilihim ko yun sa kanya sa loob ng mahabang panahon.

"Maiintindihan naman niya yan riel." Sana nga,sana.

Nang makarating na kami sa bahay ni leizelle,akala niya aalis na ako pero nagulat siya kasi pumasok ako sa loob ng gate nila.

"Oy,di ka pa ba uuwi ha?" Nagtatakang tanong niya.

"Luuh,bakit parang ayaw mo na akong papuntahin dito? Pumunta naman na ako dati sa loob ng bahay niyo ah." Pagmamaktol ko.

"Alam ko naman,at hindi sa ayaw ko ang tinatanong ko ay hindi ka pa ba uuwi? Ibig-sabihin tinatanong ko kung  bakit hindi ka pa uuwi,may gagawin ka ba dito?" Napatahimik naman ako sa sinabi niya,ano kayang pwedeng dahilan?

"Uhmmm...matagal na rin akong hindi nakabisita dito sa inyo kaya gusto ko lang ulit bumisita hehe." Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok sa loob,totoo naman na matagal na akong di nakakabisita dito e,hanggang labas lang ako ng gate pero sa loob hindi na.

"Ma! Pa! Lolo! Andito na po akoooo!" Sabi ni lei habang tinatanggal yung sapatos niya kaya tinanggal ko na rin yung akin.

"Oh anak,ang aga mo naman ata?" Sabi ng tita habang papalapit siya at napatigil siya ng mapansin ako pero ngumiti na rin siya ng matamis sakin.

"Zuriel hijo! Andito ka rin pala o sya pasok na kayo!" Nahihiyang pumasok ako sa loob,ngayon na lang ulit ako nakapasok sa loob ng bahay nila at kahit pa matagal ko na ring kilala si tita at tito pati yung lolo ni lei ay nahihiya pa din ako.

"Kala ko ba walang hiya ka? E bakit mukang nahihiya ka ngayon kay mama?" Tanong ni lei at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.

"Alam ko naman na walang hiya ako pero ibang usapan na kapag sa pamilya mo,kahit nga sa mga kamag-anak ko nahihiya ako eh." Maya-maya dumating na si tita at may hawak siyang tray na may mga cookies,yaayy! Nakita ko na rin na bumaba yung lolo niya at si tito.

Zauberei Academy Where stories live. Discover now