Prologue

134 5 2
                                    

#EHC Prologue

Nagkakagulo ang mga reporter ng dumating ako ng NAIA. May kanya-kanya silang katanungan na binabato sa akin.

Nginitian ko lamang sila ng hindi sinasagot. ''Sa gaganapin na press conference nalang namin sasagutin ang mga tanong niyo. Thank you.'' Ani ng manager ko. Agad naman na pinalibutan ako ng mga bodyguards na nakatalaga sa akin upang hindi na ako madumog pa ng mga reporter.

''Welcome Ms. Margaux!'' May mga grupo ng kabataan na may dalang banner ang bumati at nagtilian ng pangalan ko. Nginitian ko naman sila at kinawayan. Isa iyon sa grupong humahanga sa akin. Isa kasi akong International model at singer.

''Kyahhhhhh!'' Sigaw nila. Agad naman kaming sumakay ng manager ko sa inihandag sasakyan sa amin. Agad na tinanggal ko ang suot ko na aviator.

''San ka ba didiretso? Sa bahay niyo o sa condo mo?'' Ani ng manager ko na si Rin. 

''Condo.'' Ani ko ng walang kabuhay-buhay. Ayoko muna kasing dumiretso sa bahay. Sesermonan na naman ako ni Daddy.

Nang makarating na ako sa condo ko, nagpahinga muna ako ng ilang oras, umidlip sandali at naghanda na para pumunta ng republiq club.

''Margaux, I'm glad to see you again.'' Ani ng isang kaibigan ko na si Stella.

Beneso ko naman siya. ''I'm glad to see you too. Gumanda ka pa lalo.'' Namula naman siya sa sinabi ko.

''Thanks, you too. Sobrang sikat mo na.'' At nginitian ko nalang siya.

''Margaux! Kyaahhh your here.'' Sigaw ng isa ko pang kaibigan na si Daphne. May nakita naman ako sa likod niya, sina Sheen, Mia at Loreen. At beneso ko naman sila agad.

Pagkatapos ng konting chichat at kumustahan ay agad akong nagtungo sa counter.  Nag-order agad ako ng jack daniels. Agad naman itong inilapag ng bartender na halos hindi mahiwalay ang mata sa akin. Nginitian ko lang ito.

Nakailang shot pa ako at medyo tipsy na ng pumunta sa gitna ng danceflor. Agad naman na dinumog ako ng iilang kalalakihan. Medyo daring din ang naging galaw ko dahil na rin sa medyo daring ang pinapatugtog ng Dj.

Naramdaman ko nalang na may humapit sa baywang ko habang sumasayaw ako. Bigla naman nagtiim baga ang nasa harap ko.

''Dude, ako ang kasayaw niya.'' At tinulak nito ang lalaking nakahawak sa baywang ko. Tinulak naman niya pabalik ito. Dumagdag pa iyong ibang lalaking kasayaw ko kaya mas lumaki pa ang gulo.

Nang naging sobrang magulo na, um-exit na ako sa eksena. Bahala kayong magpatayan diyan. Maya-maya ay may dumating na bouncer kaya medyo humupa na ang gulo. Papaalis na ako sa dancefloor ng biglang may humigit sa braso ko. Agad ko naman na hinawi ito, pero sa sobrang higpit hindi ako makawala.

''Ano ba! Nasasaktan ako!'' Pasigaw na sabi ko sa lalaking mahigpit na nakahawak sa akin. Dahil siguro sa medyo dim ang light at medyo blurry na ang paningin ko kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.

Bagkus na sagutin ako ay kinaladkad niya ako palabas ng club. ''Teka saan mo ako dadalhin?'' Hindi siya nagsalita, at patuloy lang siya sa pagkaladkad sa akin.

Nang makalabas na kami ng club ay agad na binitiwan niya ang braso ko. Medyo namula mula ito. Pag-angat ng mukha ko, naaninag ko kong sino ito.

''What the hell are you doing?! Ganyan ka na ba kadesperada, kong sino sino nalang nilalandi mo?!'' Sinigawan niya ako. Medyo hindi ko nagustuhan ang narinig ko kaya sinampal ko siya. Nagtiim baga pa lalo siya at kitang kita ko ang galit sa mata niya.

''Why do you even care? Last time I check wala kang pakialam sa akin.'' At tumawa nalang ako.

''Don't assume that you are special dahil lang sa pagsaway ko. Your nothing but a slut!'' Para akong binuhusan sa narinig ko. Kaya sinampal ko uli siya, sa kabilang pisngi. Nag-aambang tutulo na ang luha ko pero pinigilan ko ito.

''Don't tell me kaya ka nagkakaganyan dahil sa girlfriend mong santa santanita? Hindi niya pa ba pinapalabas ang sungay niya? Hindi ko akalaing ganyan ka pala ka tanga!. Umiiyak na ba siya ngayon dahil sa hindi niya matanggap ang pagiging laos niya? !'' ani ko.

''Wag na wag mo nang subukan saktan uli si Gwen.!'' Nanlilisik na ang nga mata niya sa galit. Habang marahas niyang hinawakan ang magkabila kong braso.

Tinulak ko siya nang pagkalakas-lakas kaya medyo nakawala ako. ''Hindi pa lang iyan, maghintay kayong dalawa. Pagsisisihan niyong nakilala niyo pa ako. Sinira niyo ang buhay ko kaya sisirain ko din ang inyo!" 

"Your crazy!" asik niya.

"Yes Am I!" napailing nalang siya sa sagot ko.

"Are you doing this because of me?! Don't be desperate! Just accept the fact that I never love you and I will never be!" ani niya habang niyuyugyog ako.

"Hahaha!" malutong na tawa ang pinakawalan ko. "Oh? Randell come on! Do you think I still love you? Your fucking wrong! Your ideas are too superficial!" nagpakawala pa ako ng nakakainsultong tawa upang maitayo ang pride ko. Pride ko nalang ang natitira pa, at kong mawawala ito paano na. 

Iniwan ko siyang napapailing sa pwesto niya. Agad na pumasok ako sa kotse ko ang binuhay ang makina. Dito na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ganito? Nagmahal lang naman ako ah? Bakit ba napakamalas ko sa pag-ibig? 

"Damn!" habay hampas ko sa manibela. At kinuyom ang mga kamay ko. Napopoot ako sa galit.

"Balang araw makikita niyo rin kong ano ang nawala sa inyo. Pagsisisihan niyong lahat na mas kinampihan niyo ang isang demonyo. Sasagasaan ko lahat nag haharang-harang sa dadaanan ko!"

Everything Has ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon