#EHC Chapter1
"Good morning!" hyper na bati ko sa mga kaibigan ko nang maabutan ko sila sa hangout place namin.
"Ang hyper mo ata?" ani Daphne ng mapansin sobrang saya ko ngayong araw.
"At kailan pa hindi naging hyper yan aber?" sumabat naman si Stella.
"Kayo talaga. Lagi nalang kayong nagtatalo tungkol sa akin. Ang sweet sweet niyo." inirapan naman ako ni Stella samantalang napalabi naman si Daphne.
"Asan na naman iyong magaling mong pinsan?" nagkibit balikat nalang ako sa tanong ni Stella.
"Hay nako, kong isumbong mo kaya iyan sa tito at tita mo. My god, lagi mo nalang iyang pinagtatakpan sa mga kaimpaktahan niya. Diyos ko masasabunutan ko talaga iyang impaktang iyan. Urggh."
"Stella hayaan mo na magbabago rin iyon."
"Magbabagao?! Diyos ko Margaux kong may ulirang pinsan award/manhid lang inawardan na kita." napapailing na sambit niya.
"Stella hindi naman sa ganoon. Ayoko lang talaga na magkagalit sila mommy at tito pagnalaman nila ito."
"Ayy iwan ko sayo. Basta wag kang iiyak iyak diyan pag binully ka nanaman." inirapan pa niya ako habang sinasabi ito.
Si Stella kasi ang tagapagtanggol ko kapag inaaway ako ng pinsan kong si Gwen. May pagkawar freak kasi ang isang ito. Si Daphne naman ang pinakamatalino sa amin. Though matalino naman kami pero hindi tulad sa level niya. Iyong ngalang sobrang hinhin niya na parang di makabasag pinggan.
"Pareho lang kayong dalawa, nagpapaapi kasi kayo. Hindi manlang kayo marunong lumaban. Tsk." sermon ulit sa amin ni Stella.
Isinara naman bigla ni Daphne ang libro niya at hinarap si Stella. "Ayaw lang talaga namin ibaba level namin sa kanila." ani Daphne kay Stella na nagpataas ng kilay nito.
"Sinasabi mo ba na kalevel ko sila?" ani Stella kay Daphne.
"I didn't say like that." nagkibit balikat na sagot nito sa kanya. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawang, tila nagkakainitan na kasi ang dalawang ito. Hay nako.
"Pero iyon na rin kasi gusto mo—" hindi na naituloy ni Stella ang sasabihin niya dahil sinaway ko na sila. Dahil pag hindi ko pa ginawa iyon baka saan na naman mapupunta ang usapan nila.
"Chil guys. Let's go to the ice cream parlor nalang... My treat. At para na rin lumamig ang mga ulo niyo." Malawak ang ngiti ko habang sinasabi ko ito sa kanila.
Kaagad naman na naglakad ako at sumunod silang dalawa sa akin. Medyo sanay na rin ako na lagi silang nagbabangayan dahil maraming bagay na magkaiba sila ng pananaw. Hanga rin ako kay Stella kasi kahit lagi silang nagbabangayan ni Daphne eh lagi niya itong pinagtatangagol.
BINABASA MO ANG
Everything Has Change
RomanceMargaux Yna Montenegro is a kind, nice, sweet, humble and a generous person. Kahit na noong nainlove siya sa nobyo ng kanyang pinsan ay mas pinili niyang magparaya. Ginawa niya ang lahat upang makalimutan ito, pero parang nananadya ang tadhana at k...