Chapter 2

51 1 3
                                    

#EHC Chapter 2


Hindi pa rin tumatahan hanggang ngayon si Gwen. Ewan ko ba kong dahil iyan sa pagkalublob niya sa inidoro o para lang kuhain ang simpatya ng mga tao.


Pinagalitan din kami kanina ng guidance counselor. Lalong lalo na si Stella. 



Naguguilty tuloy ako kasi kong hindi lang naman dahil sa akin hindi siya makakagawa ng ganito.


At ang worst pa eh pinatawag ang mga parents namin. And in any minute eh dadating na sila. Buti nalang at mga mga extra kaming damit at pinag-ayos kami kanina sa mga sarili namin dahil kong hindi magmumukha kaming basahan ngayon.


"Oh they're here." ani ng guidance counselor ng makita ang mga magulang namin na papasok ng ofice niya.


Kinabahan naman ako bigla dahil andito din si Tita Mildred na asawa ni Tito Santhe na kapatid ni mommy. Medyo hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Si mommy naman ay mukhang dismayado. Kasunod naman nila si Tita Selene, ang mommy ni Stella.


"Take a seat Mrs. Rivera, Mrs. Montenegro and Mrs. Olivias." nagsiupuan naman ang mga magulang namin sa tabi namin. Iyong mga alipores naman ni Gwen ay nasa gilid lang at nakatayo sa likod ni Gwen at tita Mildred. Kami ni Daphne at Stella naman ay katabi si mommy at tita Selene.


Mas lumakas pa ang hagulgul ni Gwen ng yakapin ito ni Tita Mildred. "husssh baby..." at pinatahan ito.


Pinaliwanag naman ng guidance counselor ang nakita niya sa mga magulang namin bago kuhanin ang sari sarili naming panig. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataong magpaliwang kanina kasi sabi niya eh mas mabuti daw na idiscuss namin ito sa harap ng aming mga magulang.


Tahimik lamang na nakikinig si mommy sa sinasabi ng guidance counselor namin na si Mrs. Lorrie. Hangggang na si Gwen na ang magsalita. At umiyak itong muli. Lalo na nang sabihin nito ang ginawa ni Stella sa kanya.


"I can't tolerate this kind of action! How could you do that to my daughter? You bitch!" duro nito kay Stella. Bigla namang nag-iba ang timpla ng mukha ni tita Selene tila ba hindi nito nagustuhan ang inasal ni tita mildred kay Stella.


"Watch your mouth Mrs. Olivias." kalmadong kalmadong sabi ni tita Selene.


"Ang narinig mo palang ay ang side ng anak mo. I know your a professional so be one. And stop saying bad words to my daughter because I can sue you for that." mariin na saad nito.


"Pagsalitaan muna natin si Stella and Margaux Mrs. Olivias." ani ng guidance counselor namin ng maramdaman ang tensyon ng dalawa.


"Yes, totoo pong ginawa ko iyon kay Gwen. I won't deny it." nakita ko naman na nangigilaiti na sa galit si tita Mildred ngunit pinipigilan niya lang ito. "Pero po kasi hindi ko lang masikmura ang ginagawa niya kay Margaux. Sumusobra na po kasi ang anak niyo Mrs. Olivias." kumunot naman ang noo ni mommy.


"What-" hindi na naituloy pa ni tita Mildred ng magsalita si Mommy.


"Ano ibig mong sabihin Stella? Margaux?" bumaling naman si mommy sa akin. Mabilis na sumagot naman si Stella.


"I'm sorry Margaux pero panahon na rin siguro para malaman ng mommy mo ang mga pinanggagawa ni Gwen sayo." bigla namang tinakasan ng dugo ang mukha ni Gwen.


"Hindi lang po ito ang unang besis na may nangyaring ganito tita Maricor. At kanina po ay kong nakita niyo lang ang hitsura ni Margaux na basang basa ng dahil sa iba't ibang klaseng ng inumin ay magagalit rin kayo tulad ko. Matagal na po itong nangyayari. Ilang besis na at halos hindi ko na mabilang sa daliri ko. At alam ko pong alam niyo na may pagkakataon na umuuwi si Margaux sa bahay niyo na iba na ang damit. Iyon po ay dahil sa kagagawan ni Gwen. Kong hindi mapa softdrink ay pintura po. At iba iba pang kabababuyan ang pinanggagawa niya. At halos alilain niya po ito dito sa loob ng school. Alam kong wala po kayong kaalam alam dito dahil hindi rin naman po nagsusumbong si Margaux sa inyo. Ayaw niyo po kasi mag-away kayo ng kapatid niyo na si tito Santhe ng dahil sa kanya." napatingin naman si mommy sa banda ni Gwen.


"Do you believe her Maricor over your niece?!" asik ni titak Mildred. "Hindi naman siguro totoo ang bintang niya sayo Gwen diba?!" baling nito kay Gwen na namumutla.


"Of course not mom. Accidente lang po talaga iyon kanina ay walang pong katotohanan lahat ng binibintang niya."


"See! Your daughter is lying! Your a freaking liar !" halos magwala na si tita Mildred.


"Composed yourself Mildred. Wag na wag mong babahiran ng kahihiyan ang apelyidong dala mo. Bahave like a professional!" medyo tumaas na rin ang boses ni mom dahil sa inasta ni tita Mildred.


"Margaux, tell me sinong nagsasabi ng totoo?!" tanong ni mommy sa akin. Napayuko naman ako dahil ayoko din naman kasi na mag-away si mom at tito dahil dito. At mas lalo hindi ko naman kakayanin na hindi magsabi ng totoo kasi ikapapahamak ito ng kaibigan ko.


"Margaux!"


"Yes mom, si Stella po ang nagsasabi ng totoo. Lahat po nang sinabi niya ay totoo. Sorry mom, I didn't tell you. Ayoko lang po talaga mag-away kayo ni Tito Santhe." bigla namang natutop ni mommy ang bibig niya.


"How could you say that?! Don't lie to us! Hindi magagawa ng pinsan mo yan sayo! Bawiin mo ang sinabi mo!." nanginginig na bulyaw ni Tita Mildred.


"Sorry Tita pero nagsasabi po ako ng totoo." naiiyak na sagot ko.


"Liar!" sigaw ni tita Mildred sa akin.


"Don't you dare shout at my daughter!" mariin na sabi ni mommy. Napaiyak nalang ako. Ayoko kasi talaga ng ganito. Tsaka mamaya makarating pa ito kay Daddy tapos baka mag-away pa si mommy at tito Santhe. Mag away -away pa pamilya namin.


"Makakarating ito kay Santhe."


"Go ahead, I would love to talk to my brother for your daughter inappropriate behavior." kampanteng-kampanteng sagot ni mommy bago binalingan ang guidance counselor namin. "What's their punishment Mrs. Lorrie?" ani ni mommy dito. Ganito talaga kasi sa school namin pagmay ganitong nangyari kaylangan naming mag community service.


"Aside from detention ay kailangan din nilang mag community service." ani Mrs. Lorrie.


"What? Mom! I don't want to do it. It's dirty." maarteng protesta ni Gwen.


"I'm not done yet Ms. Rivera. And if ever na mapatunayan lahat ng binibintang ni Ms. Olivias sa iyo ay maari kang ma expel sa Universidad na ito, the University will investigate about this issue because we don't tolerate bullying here. But for now, kailangan niyo munang mag community service."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon