Part VIII

4 0 0
                                    

2. I don't understand you.

Maayos na nagpaalam sakin Si kuya Levi... Tinawag na siya ng mga kaibigan niya at sama sama silang pumunta sa isang malaking lamesa para simulan ang paginom.

Hahanapin ko na si Kuya Alvin para sana magpaalam na pupunta na ako sa game room niya nang makasalubong ko ang ibang mga senior..

"Hoy pangit bakit pagala-gala ka dito ha? Alam mo ba na bawal ang bata dito? " Rinig ko na sabi nila..

"Uhmm.." Hindi ko alam ang sasabihin ko..

"Ano bat di ka sumasagot?" sita ng isa..

"I was invited.." Sagot ko.. Awkward na hanggang dito sa party ay may gustong mambully sa akin..

"Girl, I heard best friend yan nung pinsan ni Alvin.." sabi ng isang babae..

Sinubukan ko silang lagpasan ngunit may humila sa suot kong dress..

"Ang ganda ng tela ng dress mo ah. Mamahalin to no? Saan mo to nabili ha?" 

"Uhmm.. Hindi ko alam.. My mom bought it for me .." Sagot ko.. habang lumilingon sa paligid.. Asan si Alice? Maybe I can ask her to company me to kuya Alvin para hindi ako mabully sa party na ito..

"Excuse me.." Sabi ko..

"Ay bastos ka ah! Hindi pa kami tapos kausapin ka!" Sabi ng isang senior pagkatapos ay hinila ako sa braso..

"Aray.." Sabi ko. Ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa braso ko.. napansin ko din na mahaba ang mga kuko niya..

"San ka pupunta ha? Aaligid ka nanaman kay Alice? Ha! Kunyare ka pa na si Alice ang dahilan ng pagpunta mo dito e front mo lang naman siya para mapalapit kay Alvin! Ang landi mo ha.." Sabi ng babae na humila sa braso ko..

Akala ba nila na gusto ko si kuya Alvin? Tho hindi ko sila masisi dahil wala naman may alam ng totoong relasyon ko kay kuya Alvin, maliban kay Alice. 

"Wala akong gusto kay kuya Alvin.." Sabi ko at pinilit na iwaglit ang mahigpit na hawak ng babae sa braso ko...

Sa pagpupumilit ko na mabitawan niya ako ay naramdaman ko na mahapdi ang parte ng braso ko at nakita na may  marka ng kalmot at kaunting dugo na ito..

"Dapat lang yan sayo! Ang bata bata mo pa lalandi ka na? Tapos sa senior mo pa? Aba pangit, lumugar ka nga!" Sabi niya..

Napayuko nalang ako.. 

Hanggang sa may narinig akong boses..

"Girls.. Is everything all right in here?" Kilala ko ang boses..

nag angat ako ng tingin at nakita ko si number 11, Nazumi.

Nagbago ang aura ng mga babae na kanina ay parang handa na akong patayin.. ngayon ay mukha silang mga anghel na nakakita ng diyos..

"Kai! Ikaw pala yan.. okay naman kami.. nagtatanong lang ng direksyon tong bata, tinutulungan namin.. Right girls?" sabi ng isa sakanila.. Tumango ang dalawang kasama niyang babae..

Kai? yoon pala ang pangalan niya.. 

"Who are you looking for?" Tanong ni number 11...

Ayaw ko siyang tawagin na kuya.. naalala ko parin kung paano niya ako binully noon.. ang kung paano niy---- Ahhhhh! Ayaw kong isipin.. Okay I'll brand him  #11

"Alice.. and kuya Alvin" I said.. looking up directly at him..

"What do you need from Alvin?" Tanong niya..

"Oo nga. Hindi naman kayo magka-ano ano ni Alvin, bakit mo siya kakausapin? Nako bata, baka may gusto ka kay Alvin ha?" sumbat ng isa sa mga babae..

"I-- uhmmm.. I just have to ask somehing.." tanging nasabi ko.. hindi tinatanggal ang tingin sa lalaki na nasa harap ko dahil alam kong masama ang tingin sakin  ng tatlong babaeng senior..

matangkad si #11.. sa tingin ko ay aabot siya o lagpas pa ng 6 feet.. samantalang ako ay 5ft 3in lang.. napansin ko na lumilingon lingon siya sa paligid..

"Alvin's over there. She's with his cousin Alice.. She's your bestfriend right?" sabi ni #11 na ang kamay ay nakaturo sa kanan ko.. Lumingon ako doon at nakita si kuya Alvn na ngayon ay kausap si Alice..

"Uhmm.. yes.." sagot ko at akmang aalis na..

"Hoy teka. Sigurado ka na wala kang gusto kay Alvin?" Sumbat ulit nung babae.. feeling ko ay may matindi siyang pagkagusto kay Kuya Alvin..

"There's nothing wrong if she likes Alvin, Jessica.. Ang isipin mo nalang, hinding hindi siya magugustuhan ni Alvin.." Sagot ng isang babae sa tabi niya..

"Yeah right. I mean look at her. She can wear e most expensive things pero pangit parin talaga siya.." Sumbat ng pangatlo..

"I really don't have a crush on kuya Alvin.. plus, I don't like guys who's way older than me.." Sabi ko na lamang para matahimik sila.. 

"Alvin's not old, he's just 19. Probably just three to four years older than you. " Sagot ni #11.

"Uhmm.. Excuse me but I really have to go.." Sabi ko na lamang at saka pumunta sa direksyon kung nasaan si kuya Alvin at Alice..

Nakailang hakbang na ako palayo sa grupo ng mga senior at kay #11 nang maramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko..

"Hey wait.."

nilingon ko ito at nakita si #11..

"May sugat ka." sabi niya na ngayon ay nakatingin sa braso ko..

Ugh.. nakalimutan ko pala na may kalmot sa braso ko..

"i'm okay.. I'll just go to--

hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang pinunasan gamit ng panyo ang dugo na nasa braso ko..

"It might get infected.." sabi niya at patuloy na pinunasan ang  dugo na nasa braso ko..

"I-- uhmm.. Thank you.. Alis na ako.." Sabi ko nung matapos siya at dali daling tumalikod sakanya at tumakbo papunta kay Alice at kuya Alvin..

why is he even doing that?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't Want To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon