Part V

2 0 0
                                    


Pabalik na ako sa classroom hawak ang bottled water na bigay sa akin.. nang makasalubong ko si kuya Alvin.

"Krista.. are you okay? Mukha kang may nakitang multo. Haha!" Saad niya.

"Hi kuya, uhm may nakasalubong lang ako na hindi inaasahan.."

"Ohh. Well, mabuti naman at okay ka lang. Bat di mo kasama si Alice? Uncle Erwin said na dapat palagi kang may kasama kahit san ka magpunta para hindi na maulit yung nangyare months ago.." medyo seryoso na sabi ni Kuya Alvin..

"Ahh.. Oo kuya. Bumili lang ako ng tubig sa vending machine, tsaka nagpaalam naman ako kay Alice. Busy kasi siya sa paperworks. " pagsisinungaling ko..

"Laging busy si Alice ah.. Hmm" sabi ni kuya Alvin..

Tumingin ako sakanya.. "Ano pala kuya.. Balak ko sana mag-thank you kay Kuya Levi.. Two months have passed pero hindi parin ako nakakapagasalamat sakanya in person."

"Oh, that. Okay na yon kay Levi. Also, your dad extended his gratitude.. Sobra sobrang pasasalamat ni Uncle kay Levi. Hahaha"

"But still kuya, I want to say my thanks.. Hindi ko kasi siya nakikita sa campus.." sagot ko..

"Busy si Levi, team captain yoon ng Tae Kwon Do."

"Ganon ba.. Hmmm."

"Ohh! You know what? I'll just invite you this coming saturday sa bahay. Welcome party namin for my bestfriend's twin. Ipapaalam nadin kita kay Uncle.. I hope he'll let you come tho. Hahaha"

"Isasama ko nalang si Alice para pumayag si dad!" Masaya kong sambit..

Ngumisi si kuya Alvin. "If she wants to come, she's welcome. If not, then baka hindi pumayag si uncle. Haha" sagot ni kuya Alvin..

"Okay, noted! Thanks kuya!" Sabi ko na may ngiti sa mga labi..

Lumapit si kuya Alvin at ginulo ang buhok ko.. He's the only cousin na ka-close ko.. Dahil  karamihan ng pinsan ko ay babae, hindi ko sila maka-close dahil puro pagpapaganda ang topic nila.. Ang ibang pinsan ko na lalaki ay bata pa, kaya si Kuya Alvin lang ang malapit sa akin.. Wala din akong kapatid..

"Hindi ko parin alam kung bakit hinahayaan mo lang silang i-bully ka."

"I wanna be a normal student kuya." Sagot ko..

"Still.. You can be a normal student without anyone bullying you. Just tell me if you want it to stop, I have many ways to make them.." seryosong saad niya.

"I'm all good kuya. I have plans for my high school life. I will enjoy it, don't worry." sabi ko na lamang para gumaan ang loob niya.

"But hey, I have to praise you.. napatubo mo yang mga pimples mo sa mukha. Ang your bang, holy shit. Hahahaha!"

"Ugh. Kuya! Shut up, at least its working out for me!"

"Soon, they'll realize na lahat ng pambubully nila sayo is useless."

"Just be quiet, kya. I'm trying to have a normal high school life here."

ngumiti nalang siya at tsaka lalo pang ginulo ang buhok ko..

I Don't Want To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon