Part I

7 0 0
                                    


Why I don't want to date you?

1. You smoke.


It was in my middle school when people started bullying me. Marami akong pimples and I have braces, long hair na hanggang bewang at bangs. 

"Hoy Betty La-fea!" They call me that a lot. Minsan 'hoy' lang. I'm may be someone to them, but I'm that someone na hindi special sa paningin nila. I'm that someone na kapag nakita nila, ay aasarin, lalaitin at minsan ginagawang utusan.

"Betty, itapon mo nga itong basura doon sa likod." Utos sa akin ng cleaners ngayong araw na si Justin. Kaklase ko siya.

"Hindi naman ako cleaners ngayon.." sagot ko.

"Bakit? May ginagawa ka ba?" Sumbat niya.

"Wala nam---"

" Naman pala e. Edi itapon mo 'to!" Sabi niya sabay hagis sa akin ng black garbage bag na may lamang basura. Tumama pa sa akin.

Napansin kong nagsitinginan ang mga kaklase ko kaya naman ay dali dali ko nalang pinulot ang garbage bag at lumabas ng classroom.. ayaw kong maging masabihan ng kung ano ano..

Nakarating ako sa area kung saan itinatapn ang mga basura..

Napatakip ako ng ilong nang may maamoy akong usok, parang may naninigarilyo..

Napaubo ako.. kailangan ko ng makaalis dito..

Dali-dali ay inihagis ko ang basura sa malaking garbage bin at  tumalikod para sana ay tumakbo paalis sa lugar na iyon..
May asthma ako.. Bawal sa akin ang nakakaamoy ng maruming usok.. Sensitive ako sa kahit anong klase ng usok..

Ngunit bumangga ako sa kung ano sabay natumba..  shit.

Lumingon ako at nakita ko ang tatlong lalaki na ngayon ay nakatingin sa akin..

"Uhm.. I'm sorry.." sabi ko habang pinapagpag ang uniform ko na ngayon ay pulos alikabok na..

Lumapit ang isang lalaki.. Inaangat niya ang mukha ko..

"Ang pangit mo na nga, lampa ka pa. " sabi niya..

napayuko ako.. I know that already tho. Tanggap ko naman na pangit ako. 

Nakita kong may hawak siyang sigarilyo sa kanang kamay.. Napatakip ako ng ilong at bibig..
Tangkang aalis na ako ay may humawak sa braso ko..

"San ka pupunta?" Sagot ng baritong boses. Nakakatakot..

"Uh--- sa classroom n-na san-na.."

"Magsusumbong ka no?" humigpit an hawak niya sa braso ko..

inangat ko ang paningin para makita kung sino ito..

Number 11, volleyball varsity team, he's that wing spiker..

Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam ko na ka-team siya ni Kuya Alvin, pinsan ko. Si kuya Alvin ang setter ng voleyball team..

"Hind---" Bumuga ng panibagong usok yong kasama nilang lalaki na tumawag sa akin ng pangit.. direkta iyon sa mukha ko..

holy shit..

Nakaramdam ako ng pagsikip ng dibdib..

"please pakawalan niyo ako.. Hindi a-ako magsusumbong, I promise.." Sabi ko tila nagmamakaawa. Naubos na din ako..  kapag di ako nakaalis dito, baka atakihin ako ng asthma..

"Anong pangalan mo, pangit?" Sabi ng lalaking nakahawak sa braso ko..

"K-Krista.." 

"Krista? I've heard that name before.." Sabi niya..

"Please k-kuya.. I need to go." Sabi ko.. mamamatay ako sa usok, fuck..

"Kuya? Hahaha. Fuck, now I feel old. What grade are you in?"

"Pakawalan n-niyo na ako.. Hin-di a-ako m-makahinga.." Sabi ko habang inuubo-ubo na..

"I said what grade are you in?" Ulit niya sa tanong..

"T-tenth.." Hirap kong sabi dahil inuubo na ako..

"Hoy pangit wag ka ngang maarte dyan.. Akala mo naman mamamatay ka sa simpleng usok." Sabi nung lalaki na nagbuga ng usok ng sigarilyo sa mukha ko..

"Isusumbong ko kayo kay k-kuya Alvin.." mahina kong sabi..  sumisikip na talaga ang dibdib ko.. ang baho ng usok!!!

"You know Alvin?" Sabi nung lalaki na hanggang ngayon hawak ang braso ko.. narinig niya ako.. pero parang hindi ako narining nung dalawang lalaki na kasama niya..

"Bro bitawan mo na yan.. kapag nagsumbong balikan nalang natin.." Sabi ng pangatlong lalaki..

After that.. binitawan naman niya ako..

Dali-dali akong tumakbo habang nakatakip parin ang kamay sa ilong at bibig..

paliko na ako sa hallway nang mapatid ako.. holt shitt, ang tanga ko

Bumagsak ako sa sahig, una siko.. sobrang sakit.. pakiramdam ko ay nabalian ako ng buto.. Sumabay pa na ang hirap huminga.. naiiyak na ako.. Sinubukang kong tumayo, kahit hinihingal na at masakit ang mga siko ko..

"I-Inhale--r.." Sambit ko habang ika-ikang naglalakad papunta sa classroom..

Malapit na akong sa pinto nang ----


nawalan ako ng malay..

I Don't Want To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon