Chapter 2
"Haya!"
Tili ni Xha-Xha ang sumalubong sa'kin pagpasok ko sa room. Napaatras pa 'ko nang patakbo siyang sumugod sa'kin, kasunod si Lucine.
"Anong pakiramdam? Ha? Ha?" Ani Xha-Xha habang niyuyugyog ang balikat ko.
"A-Ano ba, ano ba?!" Angal ko habang inaalis ang mga kamay nilang nakahawak sa'kin. "Hindi ba pwedeng ilapag ko muna yung gamit ko? Nasa pintuan pa tayo, oh? Baka naman!"
Inirapan lang ako ng dalawa at saka bahagyang tinulak papunta sa upuan ko. Pagkalapag na pagkalapag ng bag ko, halos magkauntugan ang mga mukha nila nang ilapit nila 'yon sa mukha ko.
"Anong feeling?" Si Xha-Xha.
"Alam ko na ang pakiramdam but syempre, I want to know what you felt kagabi!" Si Lucine. "Like, omg, girl! That's 'Face of the Night'!"
"Oo nga, tinalo mo si Leana! Akala ko siya pa rin ang magiging FOTN, eh. Three consecutive years! Mula no'ng lumipat siya no'ng 10th grade, siyang na 'yong laging panalo, eh!"
Sinulyapan ko si Leana. Nginitian niya 'ko nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Nginitian ko lang siya saka sinamaan ng tingin si Xha-Xha. Sa lakas ng boses niya, siguradong narinig ni Leana ang mga pinagsasabi niya.
Si Leana ang main actress ng Theatre Arts Club. Mula nga nang mag-transfer siya sa Northern High, siya na ang laging nagiging Face of the Night na dating si Lucine. Ngayon taon lang ulit nagbago.
I sighed then shrugged. Wala namang kakaibang pakiramdam. Mabuti sana kung si Leonardo Di'Caprio ang naging partner ko, baka kiligin pa 'ko. Kaso hindi kaya deadma.
"Ayos lang," tila nabuburyong sagot ko.
Parang magkaharap na salamin ang mga balikat nilang sabay na bumagsak. Magkasabay pa silang naupo sa mga upuan nila. Sa tabi ko si Xha-Xha at sa tabi niya ay si Lucine. Ako kasi ang nasa pinakadulo, sa tapat ng bintana.
"Walang kwentang kausap." Pagpaparinig ni Lucine habang nakapangalumbaba at nakatingin lang sa white board.
Sunod kong narinig ang boses ni Xha-Xha.
"Grabe, nakakayamot." Walang emosyong aniya habang pareho ang pwesto kay Lucine.
Mahina akong natawa at nailing. Nilabas ko na lang ang phone ko at saka kinonekta ang earphone. Naka full volume akong nakinig sa musikang tumutugtog mula sa cellphone ko. Habang sila Lucine ay nagrereklamo pa rin sa 'walang kwentang sagot' ko.
Ganito ang gawain ko tuwing umaga at wala pa namang teacher. Nakatingin lang ako sa bintana habang naikikinig ng musika. Maganda kasi ang view rito. Mga puno at halaman, sa di kalayuan naman, palaruan ng Northern Academy.
Maya-maya pa ay pumasok na si Ma'am Aida, adviser namin. Pero halos magkandirit ang mga babae sa room namin nang kasunod niyang pumasok si Zoren.
"Akala ko tsismis mo lang 'yon!" Napalingon ako nang singhalan ni Xha-Xha si Lucine.
"Duh? Do I look like a tsismosa to you?" Lucine said in a bitch mode on.
Natatawa kong inayos ang earphone ko at saka binulsa kasama ng cellphone ko. Isa kasi si Xha-Xha sa mga may pagnanasa kay Zoren.
"Good morning, class." Bati ng adviser namin.
Agad kaming nagsitayuan at binalik ang pagbati sa kaniya. Nang senyasan niya kaming maupo na, muling umugong ang bulungan at impit na tilian dahil sa kasama ni ma'am.
BINABASA MO ANG
Dance Of Ours (Ours Series #1)
Teen Fiction"Life is like a dance," she says. "You can continue doing the same choreography or do something new and catchy. But you must learn to understand. You'll never do well at dancing if you'll never face the struggling." Hayacinth Bernales has reached he...