Chapter 6
Ilang araw na rin sa'kin ang papel na 'to, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha kung anong ibig sabihin ng nakasulat dito.
'126√e960'
Napabuntong hininga na lang ako nang madako ang paningin ko sa kalendaryo, at nahiga na. Pagtapos magdasal ay si Xha-xha ang nasa isip ko bago tuluyang makatulog.
'Sana maging masaya ka na ulit, 'yong sayang hindi pilit.'
Kinabukasan, iba ang senaryong naabutan ko. Kung noon ay tawag ni Lucine at Xha-xha ang una kong naririnig, ngayon ay puro bungisngis ang naririnig ko. Nakakairita ang mga hagikgikan nila, kahit naka-earphone ako, rinig na rinig ko sila. At lahat sila, nakasiksik sa pwesto namin.
'Hmm, transferee.'
Napabuntong hininga ako saka naglakad palapit sa upuan ko. Pero nang maka-upo na ay saka ko lang napansin na wala rito si Lucine at Xha-xha. Binalingan ko ang isang malandi na nakaupo sa upuan ni Xha-xha pero nakaharap sa likuran.
Nang lingunin ko ang nakaupo ro'n, mukha ni Kirby ang nakita ko. Nakasuot siya ng headphone, nakasandal sa upuan niya, habang natutulog.
"Ang gwapo niya, grabe!"
"Ang swerte naman ng last year natin!"
"Oo nga, una si Zoren, ngayon naman si Kirby!"
"Si Kaizen at David kaya?"
Napa-irap ako sa kawalan nang marinig ang kalandian nila.
'Anong big deal sa paglipat nila sa section namin, eh, pare-pareho lang naman kaming mahihirapan sa Math.'
Agad ring umapela ang isip ko.
'Pero magaling sa Math si Zoren.'
Napailing na lang ako at saka hinarap itong nasa upuan ni Xha-xha.
"Rina, nasaan sila Lucine?" Tanong ko.
Alam kong alam nila kung nasaan 'yong dalawa. Palagi naman niyang alam lahat ng ganap dito sa room, o kahit sa buong school.
'Gano'n yata talaga kapag tsismosa.'
Ang pagkairita ko sa hagikgikan nila ay nadagdagan pa nang hindi ako pansinin ng higad na 'to. Huminga ako nang malalim at saka muling binalingan si Rina. Tinawag ko siya ulit at tinanong pero hindi niya talaga ako nililingon.
"Tangina," mahina ngunit mariing sabi ko.
Sa inis ay padabog kong hinampas ang armchair ng upuan ni Lucine. Gulat silang napalingon sa akin, agad ko naman silang sinamaan ng tingin.
"Nasaan sila Lucine?" Mariing tanong ko muli kay Rina.
Sasagot na sana siya nang unahan siya ni Kirby na nagising yata dahil sa ingay ko.
"Nasa canteen sila." Nang tingnan ko siya ay titig na titig siya sa mukha ko. "S-Samahan na kita,"
Nailang na ako sa titig niya kaya naman sinundan ko na lang rin siya.
'Malapit lang ang canteen sa room namin, pero malapit nang magsimula ang klase. Bakit pa sila pupunta ro'n?'
Magtatanong na sana ako kay Kirby nang lingunin niya rin ako, aktong magsasalita nang magulat rin sa tingin ko. Kapwa kami nagkailangan, naudlot sa pagsasalita.
Pero hindi na yata napigilan ni Kirby na magtanong.
"What's your surname, again?"
Nilingon ko siya nang may pagtataka.
BINABASA MO ANG
Dance Of Ours (Ours Series #1)
Teen Fiction"Life is like a dance," she says. "You can continue doing the same choreography or do something new and catchy. But you must learn to understand. You'll never do well at dancing if you'll never face the struggling." Hayacinth Bernales has reached he...