Chapter 3

9 2 1
                                    

Chapter 3

"Oh, paano ka nga pala nakauwi kagabi?"

"Hmm?" Napalingon ako nang magsalita si Lucine.

Hindi ko masyadong narinig ang tanong niya dahil busy ako sa sinosolve kong Math problem.

'Naiinis na 'ko dito!'

Pinunit kong muli ang pilas ng papel sa notebook ko. Napuno na naman kasi ng mga maling calculation.

"Hoy!" Natatawang bulong niya. "Why are you so stressed ba?"

Inis kong sinara ang notebook ko at saka ginulo ang sariling buhok. Nandito kami ngayon sa library. Early dissmisal namin pero gusto ko munang pag-aralan 'yong lesson kanina kaya dito kami nagpunta para magpalipas ng oras.

Hindi ko kasi talaga makuha 'yong isang lesson sa Math subject namin kanina, gusto kong pag-aralan ngayon. Wala kasi si Xha-Xha para sana turuan ako. Si Lucine naman, magpapaturo na lang daw sa pinsan niya.

"Hindi ko nga makuha 'yong formula sa Math!" Naiinis na singhal ko. "Naiinis na 'ko, bakit ba kasi may Mathematics tayo? Hindi naman 'yan magagamit sa trabaho! Hanggang ngayon nga, hindi ko pa nagagamit sa buhay ko 'yang ax²+bx+c na 'yan!"

"Shh!"

Napalingon kami sa volunteer student, na nag-aayos ng mga libro, nang sawayin niya ang ingay ko. Nag-sorry naman si Lucine.

"Bakit ba kasi iniistress mo 'yang sarili mo?" Natatawa pa rin ngunit pabulong na tanong niya. "Magpaturo na lang kasi tayo!"

"Oh, sige. Kanino ba?" Baling ko sa kaniya. "Wala naman akong pinsan!"

"He's on his way here na raw. We still have like an hour pa naman before closing ng library, makukuha rin natin 'yan." Aniya habang nakatingin sa cellphone niya.

"Wait, he?" Gulat na tanong ko. "Lalaki?"

Nilingon niya 'ko nang may pagtataka sa mukha.

"Yes, he." Balewalang aniya. "Who do you think I'm reffering to ba—oh, he's here na pala, eh!"

Tinaas niya ang kamay niya, may sinesenyasan siya sa likuran ko. Magkaharap kasi kaming dalawa ni Lucine. Nakatalikod ako sa entrance ng Library kaya hindi ko nakikita ang sinesenyasan niya.

"I'm sorry, late na ba 'ko?"

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang umupo si Zoren sa tabi ko. Nakatitig lang ako kay Lucine habang siya, nakangiti lang sa'kin.

"Hi, Ren!" Mahina ngunit tuwang-tuwang bati ni Lucine sa pinsan niya.

"Hi," balik bati niya kay Lucine saka ko naramdaman ang tingin niya sa'kin. "Good afternoon,"

Napilitan akong lingunin siya nang panlakihan ako ng mga mata ni Lucine.

"H-Ha?" Parang timang na tanong ko. "A-Ano 'yon?"

Narinig kong tumawa si Lucine kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Narinig ko naman nang mahina ring natawa si Zoren sa tabi ko. Agad ko siyang nilingon.

"H-Hmm," aniya. "I said, g-good afternoon." Ulit niya.

Tumango ako nang kaunti at saka umayos ng upo, bago binalik ang bati sa kaniya.

"Hmm, good afternoon."

"Whoa! Ang lamig!"

Inirapan ko lang si Lucine sa patutsada niya. Agad naman kaming nagsimula sa tutoring session namin. Mabilis naming nakuha nang si Zoren na ang nagtuturo. Wala pang knse minuto ang nakalipas, nakuha na namin agad ang lesson na itinuro kanina.

Dance Of Ours (Ours Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon