Jasmin's POV
Pagkarating namin sa tapat ng Classroom abay akalain mo parang walang nangyari kanina biglang nawala ang mga patak ng itlog at harina haha imba talaga.
Grabee kinakabahan naman ako baka may bigla nanaman mabuhos sakin grr.. Ngunit pagpasok namin para kaming Principal dahil ultimong guro natahimik nung bigla kaming pumasok..
"A-ah Miss Gonzales, Palma at Cruz bakit ngayon lang kayo? At bakit naka P.E ka miss Cruz- kailangan madaming tanong hindi ba pwde isa isa lang muna -_-
"Sorry po ma'am sinamahan po kasi naming magpalit ng Damit si Jasmin Nagkaroon po kase sya ng blood stain, kaya naka P.E po muna sya ngayon- hay Salamat Jade natatakot na kasi ako kanina kung makatingin kasi at maka tanong si ma'am kala mo mangangain ng tao e
" okay sige maaari na kayong umupo - sabi ni mrs francisco
at ayun nga gaya ng sinabi nya umupo nakami sa kanya kanya naming mga upuan, hay salamat at wala ang magaling na si Kier kung hindi baka mapag tripan nanaman nya ako ng wala sa oras wala na akong mapag hihiraman ng damit. pero bakit nga kaya wala sya? samantalang itong kasakasama nyang si Philip nandito? siguro pinuntahan nya ang mommy nya kaya wal--- "Boooogsh!" kalabog yan ng bag na tumilapon mula sa pinto papunta sa tabi ko
Dahilan ng pagkagulat namin pati narin ang guro na nagtuturo sa harapan.
"Mr. Villafuerte! ano bang ginagawa mo? anong akala mo play ground ang classroom nato? at bakit late ka? malapit ng matapos ang oras ko ngayon kalang darating?!!- sigaw ni mrs. Francisco, kahit sino naman kasing teacher magagalit diba? kaninang ngang dumating kaming tatlo diba?
" wala kang pakialam! kung anong ginagawa ko at papasok ako sa oras na gusto tsaka wag mo akong masigawsigawan hindi ikaw ang mommy ko!! sa susunod mong gagawin yan asahan mong mawawalan kana ng trabaho!!- sigaw ni kier na ikinagulat ni mrs. Francisco magin narin kami
Kaya wala nalang syang nagawa kundi paupuin si Kier dahil sa takot. dahil alam naman ng lahat ng mga teacher dito na kina kier ang skwelahang ito at ang nangyari sa mommy ni kier kaya konting pagkakamali lang nila maaari silang mawalan ng trabaho lalo na nag iba bigla pakikitungo ni kier sa lahat. Mabuti pa sana dati.. dati noong mabait pa si kier sa lahat
"a-ah m-maaari ka nang umupo- yan nalang ang nasabi nya,
pagkasabi nya kay kier agad naman itong naglakad papunta sa -- oh no! sa tabi ko OMMO! katabi ko nga pala sya Lord help me baka ako naman ang pagbuntungan nya ng galit nya ayaw ko t-tapos kung makatingin pa sya parang gustong pumatay huhuhu ayaw ko pang mamatay waah natarae ata ako at ayun nagsimula na rin magbulungan ang mga kaklase namin
"kawawang Jasmin~~~
"baka sya ang awayin nya kawawa~~
"gusto ko mang tulungan nakakatakot~~
ilan lamang yan sa mga naritinig kong bulungan nila, kunware bumubulong rinig naman bumulong pa sila no? tsss.., -__-
pero nung makarating si Kier sa tabi ko, mukang mali ata ang pinapantasya ng mga to dahil pag upo nya ang inaasahan kong aawayin o bubuhusanako ng kung ano ano ay biglang naglaho dahil ang ginawa nya ay ibinagsak ang kanyang ulo sa mesa at? at.. wait? wag nyang sasabihing matutulog sya? pumasok pa sya no? pero aaminin ko nakahinga ako ng maluwang.
~~~~~
lumipas ang mga oras hindi parin sya nagigising tong dakila kong katabi -__- wala naman makagising sakanya dahil natatakot sila gaya ko' aish kawawang mg teacher kung ganito pala ang papasok sakanila
~~Kriiiinnng!
"Okay class bukas ko nalang itutuloy ang lesson natin, class dismiss- sabi ng teacher namin sa A.P
at ayun paglabas ni ma'am nagsilabasan narin ang mga kaklase namin, pero itong si Kier ayun parang sleeping beauty hangga nyayon tulog halikan ko kya chosss lang!
pagkalabas namin ng room kinausap ako ni kaye
"girl, gusto mo bang sumama saamin mamaya ni Jade?- sabi nya
" huh? bakit saan ba kayo pupunta?- pagtatanong ko sakanila
" ah, naisipan kase namin na pumunta ng bar matagal na kasi tayong hindi nakakalabas na magkakasama e - sagot namn ni Jade
" Hindi naman tayo papapasukin e- sabi ko
" sabagay. hmm pano kung mag sleep over nalang tayo samin? - sabi namn ni Kaye
"sure payag ako, ikaw Jasmin payag ka?- sabi ni Jade
" gusto ko sana kaso wala namang kasama si lola sa bahay. kung gusto nyo samin nalang tayo mag sleep over? - sabi ng nag iisang dyosa sakanila
"Game ako dyan- kaylangan sabay muna?
" pero uuwi muna ako para kumuha ng damit- sabi ni Jade
" osge sabihin nyo nalang kung anong oras kayo pupunta ah? - sabi ulit ng dyosa
" teka hindi kapa uuwi?- pagtatanong sakin ni Kaye
" uuwi na, wait mag titxt muna ako sa-- oppps naiwan ko ata phone ko sa loob sandali lang babalikan ko muna ah- sabi ko at tumakbo sa pabalik sa loob ng University
pagpasok ko sa loob abay akalain mong tulog parin sya? alam nyo na siguro ang tinutukoy ko diba? naglakad ako papunta sa tabi nya, malamang nandon ang phone ko diba?, pagkakuha ko sa phone ko agad na akong lumayo sakanya aalis na sana ako ng marinig ko syang magsalita
" mom? wag mo akong iiwan ah? mom? mahal na mahal kita- bigla akong nakaramdam ng guilt kahit alam kong wala naman talaga akong kasalanan, dahil sa taong yun nung gabing nangyari ang accidente nagkaganyan si Kier
Hindi ko namalayan ang sarili ko na may pumapatak na luha at nakahawak na pala ako sa balikat ni Kier, ng biglang gumalaw si kier at nagising. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko.
" anong ginagawa mo dito?- pagtatanong ni kier
-a-ah n-a-naiwan ko kase phone ko binalikan ko lang- pagkasabi ko nun bigla nalang tumayo si Kier at umalis
" kier? okay ka lang ba?- tanong ko sakanya
" satingin mo ba magiging okay pa ako matapos ng ginawa mo sa mommy ko?! - sigaw nya bigla saakin
" Kier ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi talaga ako ang may kasalanan ng nangyari? ano bang gusto mo para maniwala ka sakin?!- napasigawnarin ako sa magkakataong ito
" alam mo ba dahil sa ginawa mo para narin ako nawalan ng magulang, nawala ang taong nag aalaga saakin at taong gumagabay sakin, nag iisa nalang ako ngayon alam mo ba yon?!- sabi nya saakin
' Kier?!! Hindi ka naman nag iisa ah! may mga kaibigan ka na handang tumulong sayo hindi pa patay ang mga mommy mo nasa hospital lang sya, e ako? oo maayos sila pero parang wala din naman akong magulang dahil hindi ko sila nakikita, pero nagkaganyan ba ako kagaya mo? hindi naman diba?!!- pagsabi ko nun umalis na ako at iniwan sya doon
pagka labas ko nakita ko si manong na nandoon na sa labas at hinihintay ako. pumasok agad ako sa loob ng kotse.
" ah ma'am sorry po nilinis ko po kasi tong kotse kaya nalate ako, buti nalang tinawagan ako nila Ma'am Ja-- ma'am? ano pong nag nangyari sainyo? umiiyak po ba kayo? sabi ni manong
" ah hindi napuwing lang po ako kanina nung pabalik ako dito, tara napo? - sabi mo sakanya
" manong pakisabi pala kina yaya na mag handa ng pagkain kase dito matutulog si na Kaye at Jade ah- pag biiba ka ng topic namin ni manaong
" sige po ma'am- sabi naman nya
" thank you po manong- sabi ko kay manong
--------
Andami Kong napag daanan para matapos ang chap nato grabe, dalawang beses kong inulit lahat dahil nag babaliwbaliwan ang laptap huhu , pero okay lang
BINABASA MO ANG
My Crush,My Enemy
Fiksi RemajaPano kung isang araw ang taong gusto mo ay kainisan at kasuklaman mo dahil sa isang pangyayaring hindi mo inaasahan? gugustuhin mo parin ba sya? gusto nyong halaman ang sagot? basahin nyo nlng ang storyang ito ^__^