Jasmin's POV
"Mom?! Anong ginawa mo sa mommy ko?! - sigaw na nanggagaling sa likod ko, boses lalaki ito. Naririnig ko siyang tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Bigla niya akong itinulak at. . . . .
"K--ki-kier?" - ang sama ng aura niya. Sobrang galit na galit siya. "K-kier, nagkakamali ka ng akala a-ah hindi ako ag may gawa nito." - tinignan niya ako na para bang wala ng natitirang kulay puti sa kanyang mga mata.
"Anong hindi ikaw? Hindi IKAW?! Kitang-kita ko! Tapos sasabihin mo na hindi ikaw?!! - habang hawak-hawak ng kanyang dalawang braso ang kanyang ina
"Ma-maniwala ka. Hindi ak-ako a-ang ma-may gawa ni-niyan. - umiiyak na ako dahil sa halo-halong emosyon na nadarama ko
Kier's POV
"Ito ang tatandaan mo! Kapag may nangyaring masama sa mommy ko, magiging miserable ang buhay mo!! - sigaw ko sa kanya
"nagsasabi naman ako ng totoo hindi ako ang may kasalanan nyan napadaan lang ko - tanggi ulit nya.
Magsasalita sana ako ng dumating na ang Ambulansya. Agad naman nilang binuhat si mommy at isinakay doon.
" Wag mong iisiping palalampasin ko ng nangyari ngayon! Humanda ka!- sigaw ko at sumakay nadin sa ambulanya at umalis.
*Hospital~~
" Mom! Lumaban ka! Wag mo akong iiwan mom!- sigaw ko
"Sir hanggang dito nalang po kayo - sabi ng nurse
"Gawin nyo po ang lahat para maligtas ang mommy ko please - sabi ko
Nang pinasok na nila sa O.R si mommy hindi ba ako mapakali. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanya at lalong hindi ko mapapatawad ang taong may gawa non sa mommy ko hinding hindi kita mapapatawad Jasmin Kersly Cruz!
Matapos ang mahigit dalawang oras lumabas na ang doctor.
"k-kamusta ang m-mommy ko?- pagtatanong ko sa doctor
"Maraming dugo ang nawala sakanya at--- - hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at nagsalita na ko.
"ang tinatanong ko kung okay na sya!! - sigaw ko sa doctor
"i-ijo sa ngayon coma ang mommy mo. Hindi ko masasabi kung kailan sya magkakamalay pero i momonitor parin namin ang kondisyon nya daily, maya maya lang ililipat na sya sa room nya. Sge mauna na ako - sabi ng doctor tsaka na umalis
*Room 204
Papasok palang ako sa loob pero hindi ko mapigilang hindi maluha, hindi ko kayang makitang ganyan si mommy
"mom? Magpakatatag ka ah? Wag mo kong iiwan. Hindi ko alam ang gagawin ko pag iniwan mo ako. Pero wag kang mag alala sisiguraduhin kong mag bayad ang gumawa nyan syo at titiyakin ko yan!- pagkasabi ko nun. Naalala ko ulit si Jasmin
Jasmin's Pov
"Hindi! Hindi ako ang may kasalanan! maniwala ka sakin Kier! Kier! Maniwala ka! Kier!!
"anak nananaginip kana naman?- paggising sakin ni lola
"L-lola wala naman akong kasalanan diba? - sabi ko kay lola
"ano? Hindi kita maintindihan anak. Ano bang nangyari sayo kagabi? - pagtatanong ni lola
"a-ah w-wala po lola akala ko totoo yung panaginip ko - pagsisinungaling ko kay lola.
BINABASA MO ANG
My Crush,My Enemy
Ficção AdolescentePano kung isang araw ang taong gusto mo ay kainisan at kasuklaman mo dahil sa isang pangyayaring hindi mo inaasahan? gugustuhin mo parin ba sya? gusto nyong halaman ang sagot? basahin nyo nlng ang storyang ito ^__^