Chapter 14

329 30 4
                                    

Halos limang oras na kaming naglalakad dito sa gubat. Tsk. Hindi ko rin magamit yung cellphone ko dahil walang signal. Kaya pala binigyan kami ng tracker dahil walang kwenta ang mga cellphones namin dito. Hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita yung mga fireflies na yon. Seven o'clock ng umaga kami nagsimula at twelve o'clock na ngayon.

"Kain muna tayo. Pagod na ko..." Nakangusong sabi ni Jin habang hinihingal.

"Sakto. Yon din yung sasabihin ko."

"Ayon!" Tumuro sya sa itaas. "Dahon ng saging! Doon na lang tayo kumain." Nakangiting sabi nya. Lumapit kami doon.

"Hindi ako kukuha nyan. Ikaw nagsuggest." Sambit ko nang makita ang punong pinalilibutan ng langgam.

"Makakagat ako.."

"Diba, ikaw ang may gusto nyan?"

"Kaya ko namang umupo dito." Tinuro nya ang sahig. Para sakin ay hindi naman ito madumi.. Nakasapin din naman sa lupa ang mga nalalaglag na tuyong dahon. "Tsaka may paper plate din ako!"

"Kakain ka nang naka-paper plate dyan sa lapag?" Tanong ko. May langgam pa yata.

"Eh ikaw? Kaya mong kumain dyan?"

"Hindi." Sagot ko.

"Hindi din naman pala eh. Hanap nalang muna tayo ng magandang pwesto."

Tumango ako at sinundan sya. Lumiko kami ng daan dahil baka makakita kami doon ng maayos na lugar. Ilang minuto pa lang ang nalalakad namin nang may makita kaming isang higanteng putol na puno.

"Ay tanga!!" Napalingon si Jin sa akin nang mapabitaw ako sa pagkakakapit sa braso nya. "Hala.. tanga nga!" pinagtawanan pa 'ko ng loko.

Ang gago naman kasi nitong ugat na 'to. Dito pa humarang. Napatid tuloy ako!

Pagtayo ko ay agad ko syang binatukan habang hindi sya nakatingin. "Napaka-gentledog mo talaga."

"Tutulungan naman talaga dapat kita eh. Ikaw kasi.. tumayo ka agad."

Nasisi pa nga.

"Oh! Look! May pinto!" Excited na sabi nya habang nakaturo. Hinampas ko ang braso nya.

"Wag ka ngang dumuro. Baka may sumunod pa satin dyan eh.."

Hindi nya 'ko pinansin. Hinawakan nya ang braso ko at hinila papalapit doon sa higanteng puno. Nagtaka ako nang makita ang isang pinto sa gilid na natatakpan ng mga ugat para hindi agad madaling makita.

"Bakit may pinto? Bahay ba 'to?"

Halos malaglag ang panga ko nang buksan nya ang pinto at makita ang loob nito.

Parang palasyo...

Kaunti palang ang nakikita namin dahil maliit lang naman ang pinto, sakto lang sa laki ng tao. Pero mula dito ay tanaw ko kung gaano kahaba iyon. Pano pa kaya kung papasok kami sa loob at makikita ang kabuuan.

"Am I dreaming?" Bulong ni Jin. "Is this really happening?"

Hinila ko sya paatras at sinampal.

"Aray! Ano ba?! Bakit?!" Gulat na tanong nya.

"Tignan mo ulit! Tignan mo kung totoo ba.." Itinuro ko ang pinto.

"Ganon parin. Walang nagbago! Makasampal ka lang eh!" Reklamo nya.

"Sorry naman.. Naniniguro lang din."

Ghost Section (Ghost Series) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon