"U-uhmm.. Alis muna ko ha. May pupuntahan lang ako dun sa labas. Hehe.." Napalingon kaming lahat kay Jayne nang magsalita sya mula sa gilid. Papasok na sana kami ng mall pagkagaling doon sa place nina Kyle.
Tumingin ako sa relo ko at ibinalik ang paningin sa kanya.
"Alas kwatro na ah.. Ano pang gagawin mo sa labas?" Takang tanong ko. Yumuko naman sya at bahagyang ngumiti. Hindi ko alam kung nagpapabebe o kinikiliti. Ano namang problema nito?
"M-may babalikan lang. Hehe.."
"Buti ka pa binalikan." Nakangusong sabad ni Mj.
"Inggit ka?" Nang-aasar na tanong ni Kim. "Eh, paano ka babalikan kung wala namang nang-iwan?"
"Para sayo yata dapat yon.." Pang aasar ko naman kay Kim. Nawala ang ngisi nya at kunot noong tumingin sakin. "Joke."
"Eh, saan ka nga pupunta?" Tanong ni Greg kay Jayne na lumapit pa.
"Dyan lang sa labas."
"Samahan na kita."
"Hindi na.. Kaya ko naman na yun mag isa."
"Pero-"
"Malaki na yan, Greg. Kaya na nya ang sarili nya."
Ako na sana ang sasagot kaso ay naunahan ako ni Jom. Napangiti ako sa isiping medyo dumadami na din yung mga words na sinasabi nya Nakikipag usap na rin sya sa iba.
"Eh-"
"Napaka-arte naman. Hindi naman mawawala yan! Tsaka, bakit ba alalang-alala ka? Bawal na lumabas mag-isa? Eh mas matanda pa nga sayo ng ilang dekada yan.." Sabi ko naman.
"I-ilang dekada? Pano mo nalaman?" Gulat na tanong nya.
"Hinulaan ko lang."
"Sasama lang naman ako eh.. Bawal ba yon?" Nakangusong pagpapaawa pa niya.
"Dyan lang naman ako sa tabi. Hindi ko na kailangan ng kasama." Sagot sa kanya ni Jayne.
Humarap sa kanya si Greg at hinawakan ang dalawang kamay nito. Binitawan nya ang isang kamay ni Jayne para ihawak ang kanang kamay sa pisngi nya.
"Parang syang tanga." Bulong ko kay Jom nang hindi inaalis ang paningin sa kanila. Nadinig ko naman ang mahinang pagtawa nya.
"Mag-iingat ka ha.." Malambing pang sabi ni Greg. "Wag- Aray! Bakit na naman ba?!" Inis na sigaw nya ng batukan ko sya.
"Napaka-arte mo. Halika na nga!" Hinila ko sya palayo at nagpaalam na din kay Jayne.
Hindi ko alam kung saan sya pupunta at wala akong balak na alamin pa. Paniguradong magsasabi naman sya samin kung gusto nyang sabihin talaga.
"We're also going somewhere." Napalingon kaming lahat nang magsalita si Jom.
"Saan kayo pupunta?"
"San tayo pupunta?" Tanong ko din.
"Dyan lang." Simpleng sagot nya.
"Tsk! Ano bang meron sa dyan lang at puro doon kayo pumupunta?!" Inis na tanong ni Jin.
"Tayo din, aalis." Nakangiting sabi ni Mj kay Jin.
"Huh? Saan?"
"Dyan lang. Tara! Bibili tayong mga snacks para bukas!" Sabi nya at inakbayan sina Sean at Jin. Hinila nya ang dalawa hanggang sa makalayo.
BINABASA MO ANG
Ghost Section (Ghost Series)
FantasyMga estudyanteng hindi makaalis sa mundo ng nabubuhay na taong tila sinusundan ng kamatayan. Isang lihim na aksidenteng pilit na tinatakasan at hindi sinasadyang maibalik ng kanyang mga nakaraan. Paano mo kakayaning mabuhay kung wala na ang lahat ng...