"Ang tagal mo.." Nakasimangot na bulong ko pagkabitaw sa yakap nya.
"Nandito na ko.." Sagot nya at nginitian ako.
Kinuha nya ang isang kamay ko at hinawakan iyon gamit ang dalawang kamay nya. Tinitigan nya ako.
"Gusto ko sa tubig.." Nakangusong bulong nya. "Gusto kong magpahinga muna.."
Nag alala ko sa boses nya. Halata ngang pagod sya. Kahit na pilitin man nyang itago iyon ay kitang kita sa mga mata nya.
"Gusto mong matulog?" Tanong ko. "Matulog ka muna.."
"Gusto kong kasama ka." Malambing na sagot nya at yumakap ulit. Naramdaman ko ang bigat ng ulo nya sa balikat ko.
"Sasamahan kita.."
Paglingon ko sa likod ko ay wala na 'kong ibang kasama. Wala na sina Kim, maaaring umalis na. Mga hindi man lang nagpapaalam.
Nang makaakyat kami sa rooftop ay agad nyang hinubad ang suot na sapatos pati na rin ang Tshirt nyang suot at lumusong na sa tubig.
Hinubad ko din ang sandals na suot ko at inilubog ang paa sa pool.
"Bakit dito? Akala ko ba gusto mong magpahinga?" Tanong ko.
"Ang una kong sinabi ay gusto ko ng tubig-"
"Akala ko nauuhaw ka.." Bulong ko na syang ikinangiti nya.
"Gusto ko munang magrelax. Matutulog din ako mamaya."
Napatili ako nang bigla nyang hilahin ang paa ko pababa!
"A-ano ba?!"
"Gusto ko sa malalim.." Nang aakit ang tono ng pananalita nya at niyakap ako sa tubig.
Naramdaman kong namula ang pisngi ko nang dumapo ang paningin ko sa dibdib nya! Nakahawak ako sa dibdib nya!
Agad akong lumayo pero hinila pa rin nya 'ko papalapit. Nakangisi syang humarap sakin habang ako ay iniiwasan ang mga titig nya.
Jusko, Jom! Kadarating mo lang!
"A-ang dami mo namang gusto.." Bulong ko. Kanina pa nya sinasabi na gusto nya ng ganto, gusto nya ng ganyan.
Puro gusto!
"Ikaw ang pinaka-gusto ko sa lahat ng yon." Nakangiting sagot nya. "Pero gusto kong pumunta sa malalim.."
"E-edi pumunta ka d-don!" Pagtataboy ko sa kanya.
"Diba sasamahan mo 'ko?" Malambing na tanong nya.
Malambing ampota!
"S-sinong may sabi sayo?"
"Ikaw. Sabi mo kanina sasamahan mo 'ko."
"Tsk. Shokoy ka diba? Kaya mong lumangoy mag isa." Ikinunot ko ang noo ko para magmukang naiinis ako.
Ang lamig lamig na nga ng panahon, malamig pa ang tubig.
"Pero hindi ko kaya sa malalim, Kate.."
"Alam ko.." Naalala ko nung pumunta kami dati dito, nagpasama sya sa malalim at agad din namang umahon. "Hindi mo rin naman kaya kahit may kasama."
"Hindi mo pa nga nasusubukan.."
"Na-try ko na dati. Wag mong ipilit kung ayaw, Jom." Matigas na sabi ko.
"Please?" Nakangusong pagpupumilit pa nya.
"Isa."
"Sige na..."
BINABASA MO ANG
Ghost Section (Ghost Series)
FantasyMga estudyanteng hindi makaalis sa mundo ng nabubuhay na taong tila sinusundan ng kamatayan. Isang lihim na aksidenteng pilit na tinatakasan at hindi sinasadyang maibalik ng kanyang mga nakaraan. Paano mo kakayaning mabuhay kung wala na ang lahat ng...