"Dad?" Agad na kumunot ang noo ko nang matanaw ko sya habang bumababa ako ng hagdan. "What are you doing here?"
Nakatutok sya sa laptop at may iniinom na kape habang naka upo sa dining. "Bakit? Bawal ba 'kong pumunta sa sarili kong pamamahay?" Sagot nya nang hindi inaalis ang paningin sa ginagawa.
"I'm just asking. You've been here two times this week." And that happens once in a blue moon. Umupo ako sa tapat nya para kumain.
Sina Jayne at Jom ay nasa kanya kanya pa nilang kwarto. Bahala na silang bumaba kung kailan nila gusto.
"Anyway.. aalis ako bukas. Hanggang friday ako sa Baguio for our activity." Pagpapaalam ko sa kanya. Muntik ko nang makalimutang sabihin sa kanya yung tungkol doon.
"Five days? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Doon pa lang nya ko nilingon.
You don't even care.
"Nakalimutan ko eh. Tsaka alam kong papayag ka din naman." Kibit balikat na sagot ko.
"Nakabili ka na ng mga kailangan mo?"
"Syempre."
Hindi na sya sumagot kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Sya naman ay itinutok ulit ang mga mata sa loptop.
"Daddy," sinulyapan nya 'ko. "Kilala ko si Jom, hindi ba?"
Tulad noong unang binanggit ko sa kanya ang pangalan na yon ay ganon parin ang pagkagulat nya. Nakakunot na ang noo nya nang lumingon sa akin.
"Why are you so curious about him? Kanino mo ba naririnig ang pangalan na yan?"
"Sa school."
"Hanggang ngayon ba ay pinaguusapan parin nila yung aksidenteng yon? You should stop listening to them, Rein. Yes, you're at the same school but you're not even that close to him before."
"Ah," tumaas ang isang kilay ko at sarkastikong natawa. "Kung ganon ay doon talaga 'ko nag-aaral dati pa? Sa Bimil talaga ako pumapasok simula pa lang? Sa school namatay sina Jom, hindi ba? And you know him."
Nanatiling nakakunot ang noo nya sa akin. Nakikita ko sa mga mata nya ang gulat na pilit nyang itinatago sakin.
"I don't know why this conversation keeps going."
"You lied."
"It doesn't matter, Rein. Bimil is completely different from what it is before. Nagbago lahat. Yung paligid, mga buildings, classrooms, paraan ng pagtuturo, and even the students. Wala na lahat ng mga nandon noon at wala na ring saysay kung malalaman mo pa kung ano ang mga bagay na 'yon dahil hindi mo rin naman maaalala."
Ako naman ngayon ang natigilan at hindi nakapagsalita. Kung ganon, totoo ngang mayroon akong mga bagay na hindi naaalala. Marami akong hindi nalalaman. Nakalimutan ko 'yon lahat?
"We're going to the hospital to visit your Mom. Finish your breakfast." aniya bago tumayo at umakyat.
Matagal na ang huling beses na nagsama kami sa room sa hospital nina Mommy. Madalas kasi syang busy at dumadalaw lang kung kailan bakante ang kanyang oras.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at umakyat na. Sinilip ko ang kwarto ni Jayne at Jom para makapaghanda din sila kahit na hindi na naman talaga kailangan.
Dumiretso ako sa room ko at nagbihis. Paglabas ko ng bathroom ay naabutan ko ang dalawa na nakaupo sa kama ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Jayne.
BINABASA MO ANG
Ghost Section (Ghost Series)
FantasiaMga estudyanteng hindi makaalis sa mundo ng nabubuhay na taong tila sinusundan ng kamatayan. Isang lihim na aksidenteng pilit na tinatakasan at hindi sinasadyang maibalik ng kanyang mga nakaraan. Paano mo kakayaning mabuhay kung wala na ang lahat ng...