Gino
Hindi ko alam kung bakit hindi na nawala pa sa isip ko ang sakit ng huling sinabi ni Annika. Ang sakit nung masaya nyang ibinalik ang singsing namin. Para na akong pinatay sa saksak ng paulit ulit.
Gusto kong magalit! Gusto ko magwala! Si Annika, sobra sobra ang pagmamahal na binigay ko sa kanya. Sagad sagad. Pero parang sya, hindi sapat, nakulangan pa sya.
Kasalanan kong kinasal kami ng maaga, kasalanan ko na naaksidente ako. Pero bumawi naman ako, pinilit kong bumawi. Binigay ko na ang lahat ng lakas ko mabuhay lang sya ng masagana, pero wala, kulang. Kulang pa rin si Gino.
Sana nakarinig man lang ako ng paliwanag para alam ko kung bakit natapos kami ng ganoon na lang. Ang hirap na buong buhay ko na lang iniisip ano ba ang ginawa kong mali. Saan ba ako nagkulang?
Haiiiii.
I finished the lined up projects, dalawang buwan din akong trabaho ng trabaho para naman mawala ang laman ng isip ko. Nirequest kong pagsunodsunurin lahat, yung walang pahinga, yung hindi ako magkakaroon ng pagkakataong mag-isip. Gusto kong malunod sa trabaho.
Ayaw ko man, wala akong maraming pagpipilian. Dapat akong bumalik kay Annika dahil kailangan ko ng clearance para sa bago kong trabaho.
Nakakatawa ano? Pilit ko mang kalimutan hindi ko magawa kasi si Annika lang naman ang minahal ko. Sa bagay, ilang taon ko ngang pilit na tinanggal sya sa isip ko, pero sa huli, wala eh, sya pa rin talaga.
"Hi, Joy!"
"Ay! Sir Gino, naku, wala po si Doc ngayong umaga."
"Ha? Diba may schedule sya ngayon?"
"Cancelled po Sir. Inaayos nya na po kasi yung papers para sa kasal nila ni Doc Alex."
"Kasal?"
"Opo, ikakasal na po sila. Marami lang po si Doc na kailangang ayusin. Pero mamaya pong 3pm to 7pm babalik po si Doc Annika para magrounds, gusto nyo po bang isingit ko kayo ng schedule?"
"Sige nga please."
"Salamat Joy ha."
"No problem po, itext ko po kayo agad pag sumagot na si Doc Annika."
I nod at her.
Ikakasal na si Annika? Paano na ako?
I patiently wait for her not so I could have a check-up but to see and hear that she really is marrying someone else. Joy texted me, pwede daw ako magpacheck up.
Annika came. She became more beautiful. How can that still happen when she is the most beautiful in eyes since then?
Annika is on the phone when she came, hindi nya ako napansin nung nilagpasan nya ako.
Annika: Yes, I have already completed my papers. I'll give it to you tomorrow. Yes, of course. Well, sadly, the cenomar still shows my past marriage so I've submitted the annulment decree and certificate of finality. Siguro after that, all will be okay.
Para akong sinasampal ng paulit-ulit sa naririnig ko. Ni hindi ko nga matingnan ang papel na yun.
Annika: Ai nako Alex! Nakakainis ka. Anyway, I'll be late tonight. Wag mong pakainin ng matamis si Lexi ha! Masakit na ipin nya kanina. Ipacheck na natin sa dentist. Okay, I need to hang up. I have patients to see. Byeee!
"Oh Gino! Andito ka na pala. You've missed your scheduled check-ups ha! Pinagbigyan lang kita ngayon kasi need ko makita ang development mo."
I saw the ring on her finger. My chest tightens. I stood up. Hindi ko pala kaya. Hindi pala ako magiging handa sa ganito.
