CHAPTER 27

1.1K 59 13
                                    

Annika

"Annika, bago ang flight ko pabalik ng Pilipinas, pwede mo ba akong samahan kay Kiera?"

I nodded.

Together we visited our child. Tatlong araw na dito si Gino at ngayon lang sya nabigyan ng clearance para lumabas ng ospital at makauwi na sa Pilipinas.

Gino insists on buying sets of fresh flowers para kay Kiera kahit kahapon lang ay galing na ako at may dala na rin akong bulaklak.

I looked at Gino, he looked sad and so lonely.

"Gino?"

"Iniisip ko lang, may dalaga na pala dapat tayo. Siguro sumasakit na ang ulo ko dahil paniguradong maraming manliligaw. Siguro kagaya ng Daddy mo allergic na rin ako sa mga lalaking napaligid sa anak ko."

I smiled at him.

"I wish I also had a chance to carry her in my arms Annika, I wish I was with you on that journey. I should have kissed her endlessly."

"Kiera,.."

There was a defying silence after that.

"Kiera, ako si Tatay ha. Gusto ko yun ang tawag mo sa akin ha. Ako ang tatay mo. Yung tatay mong gwapo pero gago. Sabi ng Mommy mo kamukha daw kita, kung kasama ka namin ngayon, iyayabang ko sa lahat na sobrang mahal ako ng Mommy mo noon kasi oh, yung anak namin kamukha ng tatay nya."

"Anak, mahal na mahal kita."

"Balang araw anak, magkikita rin tayo. At pangako anak, yayakapin kita ng sobrang higpit. Pupupugin kita ng halik. Anak, mahal kita. Sobra."

"Sa ngayon, sana patawarin mo si Tatay. Alam ko anak, maraming marami akong kasalanan sa inyo ni Mommy mo. Hayaan mo anak, balang araw, magkikita rin tayo. Siguro kahit sandali, papatapakin nila ako jan sa heaven bago nila ako sunugin sa impyerno. Siguro maawa sila sa akin kasi gustong gusto kong makita ka anak."

"Anak, pwede ba magkita tayo sa panaginip ko? Dalawin mo naman anak si Tatay. Sa panaginip ko anak, maglaro tayo, maglangoy, mamasyal. Magdate din tayo kasi dalaga ka na. 'Wag ka magdress ng maikli ha! Magagalit si Tatay. May boyfriend ka na bang anghel jan? Isama mo ha? Para makilala ni Tatay."

Gino is crying too much already like me. Hindi ko inisip na magkakaroon pa ng ganitong pagkakataon.

"Anak, uuwi muna si Tatay ha? May aayusin lang ako anak. Sorry ha anak, saglit lang tapos aalis na ako agad. Pero babalik ako, promise, babalikan ka ni Tatay palagi. Magcecelebrate tayong dalawa ng mahahalagang araw natin na magkasama anak. Babalik ako. Sa birthday mo, andito ako promise. Dito na din ako magbibirthday, magpapasko tsaka magnew year. Hangga't hindi pa tayo magkasama, lagi lagi kitang pupuntahan."

"Mahal kita anak. Sobra. Ipagpapalit ko ang lahat, mayakap lang kita."

We stayed for some more hours when Gino decided to leave.

"Annika, patawarin mo ako sa lahat lahat. Patawarin mo ako, kundi man ngayon, sana balang araw. Susubukan ko ding patawarin ang sarili ko para naman makaharap ako ng maayos sa anak natin. Hayaan mo sanang dalawin ko ang anak natin, paminsan minsan."

I nodded.

"Pwede ba ako makahingi ng kopya ng picture ni Kiera? "

I nodded and gave him Kiera's picture in my bag. The picture I always have with me.

"Akalain mong sa sobrang tanga ko, napakalaki na pala ng nawala sa akin."

He laughed again but this time, tears are falling on his eyes while softly caressing his daughter's picture.

"Napakaganda mo anak."

Gino smiled at me.

"Paano, uuna na ako? May flight pa akong hahabulin."

"Wala ka bang ibang sasabihin?"

Gino smiled.

"Mahal pa rin kita at masakit man, ako nga yung pagkakamali mo. Naiintindihan ko na ang lahat, naiintindihan ko kung bakit mo ako hiniwalayan. Dahil sa akin, nasaktan ka, nawasak.'Wag kang mag-alala, hindi na tayo magkikita. Sisikapin kong hindi mo na ako makita pang muli. Hinding hindi na kita guguluhin. Hindi ka na masasaktan ng dahil sa akin. Salamat dahil ikaw ang pinakamaganda kong ala-ala, salamat dahil minsan napagbigyan akong makasama ka. Salamat at patawad. Mag-iingat ka ha? At maging masaya kayo ng iyong pamilya."

Gino turned his back and started to walk away.

Gusto ko rin sanang marinig kung anong nangyari sa kanya sa 15 years na hindi kami nagkita. Gusto kong malaman kung bakit hindi man lamang nya ako hinanap. 

Pero mukhang mas nauna talagang nagmove on si Gino kesa sa akin.

UnvoicedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon