Chapter 11

4 1 0
                                    

"Czarina's POV"

Nang matapos kong kausapin si Billie ay saktong nag buzz ang intercom kaya agad ko itong sinagot.

"My office. Now" sabi ni Luhence.

"Yes, Sir" sagot ko.

Ano na naman kaya ang kailangan nito? Pagagalitan na naman ba ako nito?

Pag labas ko ng cabin ko ay huminga muna ako nang malalim bago tumuloy papasok sa cabin ni Sir.

"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ko nang naka ngiti ng makapasok ako.

"Umupo ka" sabi nya imbis na sagutin ang tanong ko.

"Okay, po" tugon ko.

"Ahmm. May sasabihin sana ako"

"Ano po yun?"

"I-I just want to s-say, Ahmm" kinakabahang sabi nya.

"Ano po ba yon, Sir?"

"Ahmm. Ano, I j-just want t-to say SORRY" sabi nya at nag iwas tingin.

Totoo ba to? Si Luhence nag so-sorry sakin? Anong nangyari dito? Kanina lang galit to ahh.

"Sir, ayos ka lang?" hindi ko naiwasang tanong sa kanya.

"Y-yeah" utal pa ding sabi nya.

"Bakit po kayo nag s-sorry sakin?" tanong ko ulit.

"Nag s-sorry ako kasi sayo ko naibunton ang galit ko kay Jenica. Pasensya na talaga, Czarina. Alam kong masyado kang napagod nang dahil sakin at hindi kana nakakapag pahinga masyado" sabi nito.

Napangiti ako dahil marunong naman pala itong humingi nang pasensya.

"Sir, okay lang po. Hindi nyo po kailangan humingi nang pasensya" naka ngiti kong sabi.

Ngumiti din sya sakin at nag salita.

"Sige na. Pwede ka nang umuwi at mag pahinga" sabi nya.

Tinignan ko ang oras at hindi pa naman oras ng uwian. Nag balik tingin ako sa kanya.

"Pero, Sir. Hindi pa naman po oras nang uwian, ah?"

"I know. Pero ilang araw ka nang pagod at walang pahinga kaya pwede ka nang umuwi" naka ngiti nitong sabi.

"Sige po, sir. Thank you po"

Tumayo ako at palabas na sana nang muling mag salita si Luhence.

"And Czarina" putol nitong sabi.

"Yes, Sir?"

"Hindi mo na din kailangan pumasok bukas. Magpahinga ka na lang bukas dahil day off mo naman talaga bukas" sabi nito.

"Paano po yung  meetings na pupuntahan natin bukas, Sir" tanong ko.

"Ako nang bahala dun bukas" hindi mapuknat ang ngiting sabi nito.

"Salamat po, Sir" balik ngiting sabi ko.

"You're welcome"

"Sige po, Sir. Mauna na po ako. Baka mag bago pa po ang isip nyo" pabiro kong sabi.

Narinig ko ang mahina nyang pag tawa bago ako lumabas.
Hindi mawala ang ngiti ko. Nakakatuwa dahil ibinaba nya ang pride nya para lang mag sorry sakin. Mas lalo akong na i-in love sa kanya.

-
11-09-20

My Billionaire BossWhere stories live. Discover now