VI- Gardenia's Blossom
Hannah
Nakatulog pala ako. 'Di ko man lang namalayan na nakatulog ako. "Anong nangyari? Bakit ang kalat?" pagtataka ko nang makita ang nagkalat na mga bulaklak sa sahig. "Vina"
Naalala ko na dahil sa inis ko'y hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ako ang may gawa nitong lahat. Sinira ko ang bulaklak na iningatan kong inilagay sa kwarto ko. Kahit nasira man ito'y na nanatili parin ang bango nito. Ang bangong sumasakop sa kaibuturan ng puso ko.
May naiwan pa ring luha sa gilid ng mata ko. Mga malang luha. Hindi pweding ganito. Kaibigan ko si Vina. Mahal ko si Vina bilang kaibigan. Bukas na bukas ay gustong kong pag-usapan namin ang nangyari.
[phone ringing]
Isang unfamilir number.
"Hello?"
"Hello! Is this Hannah?" tanong ng kausap ko sa phone, babae.
"Yes, speaking." sagot ko.
"I am the attorney of ms. Vina. Gusto lang sanang sabihin sayo na inaatras na ng kompanya ang kontrata."
"W-what?!? Seryoso?"
Hindi ko akalain na sa ganon lang ay iaatras ni Vina ang kontrata namin. Nahihiya rin siya siguro sa ginawa niya. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit niya iaatras ang kontrata.
Kailangan ko ba siyang tanungin kung bakit? In the first place kaya siguro gusto ni Vina na maging part ako ng company nila upang mapalapit ako sa kanya. Kahit alam na niya na marami at sandamakmak ang bushers ko ay sumugal pa rin siya. Ngayon binabawi niya na.
Mas okay na nga na wala ng Vina pa na maging parte ng buhay ko. Hindi na kami magkikita. Hindi na kami mag-uusap.
Iba baba ko na sana ang phone ng bigla ulit nagsalita si Jane. "Patay na si Vina".
"Patay na si Vina"
"Patay na si Vina"
"Patay na si Vina"
Parang bumagal ang mundo ko. Parang na sa pagitan ako ngayon ng kawalan. Hindi totoo ang narinig ko. Buhay pa si Vina. Sinungaling ka attorney.
"P-paano?" halos di ako makapagsalita. Halos 'di ako makasagot.
Kanina lang ay kausap ko pa siya. Ramdam ko pa nga ang paghalik niya.
But...
Bakit kay bilis ng pangyayari? Hindi ba niya na tanggap na inayawan ko siya. Malabo eh. Subrang babaw ng dahilan niya. Maayos pa namin 'yon eh. Mapag-uusapan pa.
Agad akong umalis ng bahay kahit alas-11 na ng gabi. Hindi na ako nakapagpaalam pa kay lola Rosita. Dali dali akong pumunta sa bahay ni Vina para e confirm. Hindi eh. Hindi pwede.
Wala na akong pakialam pa kung mabangga man ang sinasakyan kong motorsiklo. Ang tanging alam ko na lamang ay ang marating ko ang bahay ni Vina sa lalong madaling panahon.
Pagdating ko ng bahay ni Vina ay may nakaparadang patrol car. May mga media na rin. Kahit na may yellow line na bawal pumasok ay pinilit ko paring makapuslit.
"YOU! Ikaw ang pumatay kay Vina!" halos lahat ng mata ay nakatingin sa akin ng ipagdiinan ako ni Ashley.
Ganito na ba ako ka sama para pagbintangan niya na pumatay sa sariling kaibigan. Naramdaman ko na una pa lang na ayaw mo sa akin but hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko kayang pumatay ng isang kaibigan.
Bakit ako? Wala akong ginawa. Hindi ko pinatay si Vina.
"Wala. Hindi. Kaibigan ko si Vina. Hindi ko kayang patayin si Vina." pagtatanggol ko sa aking sarili. Umiiling ako kahit ang lahat ay sinasabi na ako ang pumatay sa kanya.
BINABASA MO ANG
HANNAH
Mystery / ThrillerWe are the master of our lives but not the master of our dreams. Everytime we close our eyes is the time where there is a beginning of a new world. The world that close of who we are. In our dreams we can find peace, purity and happiness. We can be...