VII- At Her Sepulchre

10 2 0
                                    

VII- At Her Sepulchre

Hannah

If there's life, there's death. There is a beginning and also an ending. We cannot make rule to our lives if the time comes, we left at this juncture. The only remained is our memory.

I want to cry but I can't. Walang luha ang lumalabas sa mga mata ko habang tinitignan ang puntod ni Vina.

Parang nakatayo ako ngayon sa kawalan na nakaharap sa puntod ng aking kaibigan. "Vina D. Layla" nakapangalan sa kanyang lapida.

Isang kaibigan na nagpakita sa akin ng kanyang totoong pagkatao. Isang kaibigan na minsan naging parte ng magulo kong mundo. Isang kaibigan na naniniwala sa aking kakayahan. Isang kaibigan na handang sumugal maangkin ko lamang ang aking kaligayahan.

"Vina" pangalan na kailan man ay hindi ko makakalimutan.

Nagsiuwian na lahat ng tao sa libing ni Vina. Kakaunti na lamang ang natira. Mga malapit na lamang na pamilya ni Vina at kaibigan.

Halos pinipigilan ko kanina ang aking mga luha. Hindi talaga ako lumuha kahit isang patak ngunit ngayon na pakiramdam ko dalawa na lang kami ay makakausap ko na siya at masasabi ko sa kanya ang mga dapat kong sabihin.

Nakikita ko parin si Vina sa harapan ko. Ang bawat paggalaw niya. Ang bawat ngiti niya. At ang halik niyang nasa labi ko parin.

"Sayang at ngayon lang tayo naging malapit saka kapa mawawala. Sayang talaga Vina." bulong ko sa aking sarili.

I am still holding a bouquet of gardenias. Hindi ko inihagis sa hukay niya. Mas gusto ko kasing ilagay ito sa ibabaw ng kanyang puntod.

Ang amoy ng bulaklak ang makakapag-alala sakin sa kanya. Ang halimuyak na dala ng bulaklak at ang kulay na nagbibigay sigla sa akin.

Nakikita ko rin ang mga nagliliparang mga puting lobo. Pinalipad ito kanina kasabay ng pamamaalam kay Vina. Those balloons remembered me to Vina na kahit sa maliit na bagay mataas parin ang kanyang pananaw. She knows how to appreciate things. The personality where I'd like on her.

"She's now at rest."

Isang babae ang nagsalita mula sa likuran ko. Si Jane. Personal lawyer of Vina.

Nginitian ko siya ng pilit bilang tugon sa sinabi niya. Ngitian niya rin ako. "Yes, sana okay na siya ngayon." sabi ko.

'Di ko parin maialis sa sarili ko na ako ang dahilan kung bakit namatay si Vina. Hindi sana siya nagpakalasing kung nakinig muna ako sa mga paliwanag niya. But... it's too late. Hindi ko na maibabalik pa ang lahat. Gustuhin ko man ay hindi na maari. She's now on her grave, at her sepulchre.

"Pinatay si Vina." maikling sabi ni Jane.

"P-pinatay?!? Ako ba?" pag-confront ko sa kanya.

Hindi ko naman masisisi si Jane. Kahit ako nga ay sinisisi ang sarili ko. Siya pa kaya na halos araw araw magkasama sila ni Vina. Nag-uusap at naging magkaibigan.

"Nope. Somebody killed her. May na e-kwento ang kasambahay niyang si Thea na may nakita siyang anino na tumulak kay Vina sa pool. Kitang kita niya raw kung paano lunorin ng anino si Vina." paliwanag niya.

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.

"Hindi tao ang pumatay kay Vina."

"W-what?!?"

Kung hindi tao, sino? Ano? Bakit si Vina? Bakit siya pa na kaibigan ko.

"The naniniwala ka sa kwento ni Thea?" usisa ko.

HANNAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon