V- Hidden Love

12 2 0
                                    

III- Hidden Love

Hanna

Dali dali akong bumalikwas sa kama ko. "Shit anong oras na." Alas-9 na ng umaga. Napasarap ang tulog ko hindi ko man lang namalayan na umaga na pala. Di man lang ako inabala ni lola Rosita.

Ngayon pala ang araw ng pagkikita namin ni Vina. Nakapagdesisyon na ako, susugal ako sa gusto niyang mangyari. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.

Napag-usapan namin na sa bahay na lang kami mag-usap. Mas pabor din ito sa akin. Di ko na kailangan pang lumabas pa. Mamaya ay may makakita pa sa akin na isa sa mga bushers ko baka mapatay pa nila ako.

Abala kami ngayon ni lola Rosita sa paghahanda ng pananghalian. Mamayang sandali ay darating na rito si Vina. Kailangan na naming habulin ang oras ni lola Rosita.

Minsan lang kasi magkaroon ng bisita sa bahay kaya dapat sulitin ko na ito. Mabuti na nga lang ay may kasama ako sa bahay. Hindi ako gaanong mahirapan sa pag-aayos. Naging maaliwalas na ngayon ng kaunti ang bahay. Panay kasi ang utos ni lola Rosita sa akin, "ining ayusin mo nga ito", "ining kailangan nating ayusin 'to" sa una'y parang naiinis ako dahil sa word's niyang "ayusin". Parang palagi na lamang may sira sa bawat galaw niya.

Minsan naiisip ko nga na ako ang alipin at naninilbihan sa bahay ko. Parang tuling lang. But... okay rin naman ang naging resulta. Hindi ako nakaramdam ng pagkabagot.

"Ining mabuti pa ako na lang dito. Kaya ko ng lutuin 'to lahat." sabi ni lola Rosita.

How so sure lola? Hahay, noong unang araw mo nga palang dito sa bahay para na akong mamatay sa ginawa mo. No lola. Hindi lang tayong dalawa ang kakain nito.

"Ako na po lola. Kaya ko na ito." awat ko.

Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa. "Ako na nga ining. Kaya ko na 'to. Alam ko ang iniisip mo. Kaya ko ito. Okay?"

Tumanggo na lamang ako bilang pagsang-ayon. Si lola Rosita na ang nagluto lahat. Kinakabahan ako sa maaring mangyari, baka mapilitan na lang ako mamaya magpadeliver. Sayang pera, magastos.

Nilinis ko na lang ang sofa at pinunasan ang ceiling. Iniayos ko na rin ang mga canvas na nakasabit sa ding ding. Mga antique na mga larawan ng pamilya.

Ang pinagtataka ko lang ay may isang larawan sa pinakagitna at kaagaw agaw pansin. Nakatalikod na babae. Bakit pa ito inilagay sa ginta eh nakatalikod naman ito. Paano ko ba ito makikilala at sino namang loko lokong ninuno ko ang gumuhit nito na nakatalikod.

Pakiramdam ko ito ang pinakamahalaga sa lahat ng larawan. Halatang ibang kagamitan ang ipininta rito. Kulay pula at itim lamang ang kulay ng painting but makikita mo parin ang kagandahan. Napakasigla pa rin tignan ng painting na 'to.

Sinubukan ko ring ayusin ang card castle na matagal ng natumba dahil sa pagwala noon ni kuya. Mabuti na lang ay hindi napunit ang mga ito. Mga tarot card pala ito.

"Ayan mas maganda na silang lahat ngayon. Sa tingin ko hindi na ito kaagaw agaw pansin ngayon." kasabay ng pagsabi ko ay may narinig akong katok mula sa gate ng bahay.

Malamang si Vina na ito.

Dali kong inayos ang sarili ko. Hindi na ako nakaligo pa. Nakalimutan ko ng maligo.

"Oh Vina mabuti ay narito kana. Pasok kayo!" masigla kong sabi habang hawak hawak ang lock ng gate.

Tatlo sila ang pumasok ng bahay. Malamang kung hindi ako nagkakamali ay secretary ni Vina ang isa. Medyo may katangkaran na babae na nakasalamin at may dala dalang folder. At ang isa naman ay ang abogado niya. Para na tuloy akong nahawaan ni lola Rosita.

HANNAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon